XLVIII: HARPIES

944 69 0
                                    

"Oh My G!"nagising ako dahil sa kahiya-hiyang pangyayari. Muntik na akong umiyak sa hiya at mas mabuti ng tulog parin si Greygo. Ikaw ba naman? Yung malandi kong kamay parang may sariling buhay! Kanina ko pa pala pinipisil yung Jr. niya at mas mabuti ng nauna akong magising kesa sa siya!

Nakahiga parin ako sa dibdib niya kaya inalis ko ang kamay niyang nakayakap sa akin gamit ang Telekenisis at maingat na bumaba sa kama niya para hindi siya magising. GRO ka Gurl?

Humarap ako sa may malaking bintana at nakita kong may bagyo na paparating. Bumaba ako at sinigurado kong hindi ko na magigising si Greygo.

Nagteleport ako sa room na naka'assign sa amin at nakita kong humihilik parin ang mag-ama ko. Hehe sorry nak! Lumandi si Mommy kagabi para may pang-ulam tayo! Kinuha ko ang cellphone ko sa may mesa dahil nakita kong naka'on pa ito at sa youtube app pa nakalagay sa offline videos ng nursery para kay Jack.

"6:30 AM"bulong ko. Pero may bagyo na sa ganitong oras. Nakakapagtaka naman. Naligo muna ako at isinuot ko ang palagi kong sout na style, which is ang black robe na may agents suite sa loob. Nag'summon nalang ako ng cup noodles para mawala ang gutom ko at isang MX3 Coffee!

Lumabas ako sa room, at nagpasyang bumaba para kausapin ang Hari na baka hindi kayanin ng mamayan ang bagyo dahil sobrang makulimlim talaga ang ulap.

Nakarating ako sa may meeting room nila at nakita kong nag-uusap ang sampung heneral at nasa gitna ang Hari. Nakita ako ng Hari kaya ngumiti ito sa akin.

"Magandang Umaga Dym, halika at pumasok"yaya ng Hari kaya pumasok ako at binati sila ng magandang umaga kahit makulimlim ang panahon.

"Nabalitaan namin na aksidenting mapapadaan ang lahing Harpes(Harpies) sa ating bayan"seryosong umpisa ng hari kaya napatango ako.

"Ano po ba ang Harpies?"magalang na tanong ko na siya namang kinatango ng Hari habang ang mga heneral ay nagpaplano ng hindi ko alam kung para saan.

"Mga taong ibon na may kakayahang magdala ng bagyo. Nagpadala ng mensahe ang mga  Mulawin at Ravena mula sa Kaharian ng Pagaspas upang tayo ay balaan"seryosong saad nito at ang imagination ko ay napunta sa mundo ng Encantadia dahil sa Mulawin at Ravena, baka dito sa Valir nagshooting ang GMA before?

"Nakikinig ka ba Dym?"tanong ng hari na nakapagpabalik sa akin sa realidad. Napatango ako kahit wala naman talaga akong narinig.

"Ikaw ang mamumuno ng isang hukbo na magbabantay sa sentro. Ito ay aking hiling bilang Hari ng Bambad Dym"sincere na pagkakasabi nito at parang na'excite ako dahil hukbo ang pamumunuan ko.

"Sige po. Dalawa sa aking mga kasamahan ay may kakayahang kontrolin ang Hangin at Tubig. Pwedi nilang pigilan ang bagyo para hindi ito ganoon ka mapinsala. Ipapasama ko rin ang tatlo kong kasamahan na may kakayahang kontrolin ang Lupa at gubat sa silangan, ipapadala ko ang isa ko pang kasamahan na may kakayahang magpalabas ng apoy at kidlat sa kanluran at panghuli kong ipapadala sa timog ang isa sa kasamahan kong may kakayahang kontrolin ang anino at kadiliman, habang ang dalawa ay sa sentro upang subukang pahinain ang bagyo. Sa ganitong estratehiya ay maaring maprotektahan ang bayan ng Bambad"paliwanag ko na siya namang pinakinggan ng Hari at mga Heneral.

"Ako ang haharap sa hilaga kasama ang dalawang Heneral at piliin niyo ang mga mandirigma na magaling sa pamamana. Ipapadala ang walong heneral sa Timog, Kanluran at Silangan."saad ko kaya tumango naman ang mga Heneral at ang Hari.

"May tiwala ako sa plano mo Dym. Magsikilos na"utos ng hari kaya nagsitayuan kaming lahat.

Nagtagal ang meeting ng kalahating oras kaya 7:05 AM na pagtingin ko sa aking relo.

FALLEN SANCTUARY [BxB] (Boyslove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon