CHAPTER XXXII: ATTACK OF THE TITAN

1K 74 1
                                    

Nandito ako ngayon sa silid ng Prinsipe. Gusto ko sanang matulog nalang ako doon sa Condo unit naming magkakaibigan pero nagalit siya sa akin dahil sa kanyang silid daw dapat ako matutulog ngayon, lalo na at kasintahan ko na daw siya, hanep no? Sana lahat ng lalaki ganito.

Naliligo siya ngayon sa banyo niya dito sa silid, at ako nakaupo sa kama na naghihintay sa kanya.


*Kruuu*Kruuu


Napahawak ako sa tiyan ko ng makaramdam ako ng pagkagutom. Ano bayan! Hindi papala ako nakalafang ngayon.

Nahihiya naman akong maghalugad ng pagkain sa mini-kitchen niya, at isa pa sa ibang kwarto ako matutulog kaya nakakahiya kong mauuna akong kumain gamit ang mahika ko.


Hindi magic made ang dorm nila dito, dahil pinagawa daw talaga to para sa mga mayayamang estudyante. Taray nila!


Syempre pang royale talaga ang design nito, kurtina palang pure silk gold na, at ang pader na halos gold na lahat at ang sahig marble.


"Auto-program :Sleep attire"sabi ko kaya agad nagtransform ang agent suit ko into pantulog na attire, pajama lang naman na pure black ang sout ko, at pure black long sleeves na manipis.




"Ang boring"bulong ko sabay buntong hinanga.



Hindi pa pala ako nakaligo. Mag-cast nalang kaya ako ng spell?


"Body absolute bloom"saad ko at inisip na maging malinis ang katawan ko at mahalimuyak na parang vanilla. Kagaya ng palagi kong ginagamit sa tuwing nagbababad ako sa bathtub.

Lumabas na ng banyo si Leo ng nakapajama white lang at pamunas na nakasabit sa leeg niya. Napalunok ako ng tumambad ang matipuno niyang katawan sa akin. Hitik na hitik ang 6 pack abs nito,ang mga dibdib na malu---OHMYG! Umiwas ako ng tingin dahil baka tumulo pa ang laway ko sa kakatingin sa kanya.

"Kain na tayo mahal"nakangiti niyang saad at agad lumapit sa akin. Mahal? Ay bet! Pero mas trip ko sana ang babe o baby hahaha.

Tumayo ako ng umiiwas ang tingin sa kanya.

"Bakit hindi ka makatingin sa akin mahal ko?"sabi niya. Halos sumabog na ang mukha ko sa sobrang pula. Mahal kasi ng mahal eh. Huhuhu please! This is torture!

Yumakap naman siya sa akin saka ibinaon ang mukha ko sa dibdib niya at nakafeel ako ng enerhiya na dumadaloy sa katawan ko na nakapagpatayo ng mga balahibo sa batok ko.

Inamoy-amoy niya pa ang leeg ko.


May Gad! No!


"Ang bango mo mahal ko"saad niya habang patuloy na inaamoy ang leeg ko.


"T-tara na n-nagugutom n-na ako"nauutal kong pagkakasabi sa kanya. Shit di ko nato kerrie.


Kumalas siya sa pagkakayap sa akin at agad akong hinatak papuntang gold dining hall niya.

"Maghintay kalang mahal, tatawag lang ako ng Gama"saad niya. Wow! May maid sila dito? What do I expect? Mayayaman eh!


Sa Mundo ng mga Mortal, I'm a multi-billionaire pero pagdating dito, kahit isang kusing wala ako, lahat padala lang ni Apo mula sa Marlenya.

"G-gusto ko sanang a-ako nalang ang m-magluluto" nauutal kong saad. Magdamit kaya siya muna?

"M-magdamit ka, paki-usap"pakiusap na dagdag ko.


Ngumisi lamang siya pero agad namang umilaw ang katawan niya at nadagdagan ng White long sleeve ang sout niya.

"Sige mahal, meron naman akong limang kaserol diyaan"sabi niya. WHAT?! LIMA?!!

FALLEN SANCTUARY [BxB] (Boyslove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon