LV: SORROW

1K 70 4
                                    

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Ginawa kong harang ang kaliwa kong kamay para hindi ito dumirekta sa mga mata ko. Itinukod ko ang aking mga siko saka sumandig sa may railings ng kama. Inilibot ko ang paningin ko at nalaman ko kaagad kung nasaan ako.


"Hospital"napangiti ako ng mapait ng maalala ko ang mga panahon kong saan nagwawala si Leo, at biglang sumulpot ang mga kaibigan ko.


Oo! Sariwa pa sa akin ang mga nangyaring labanan. Laking pasasalamat ko na nanalo kami. Heler! Wala sana ako dito sa Hospital kong walang victory na nangyari.



"Regeneration"cast ko at biglaang bumalik ang lakas ng aking pangangatawan.

Bumaba ako sa aking hinihigaan saka lumabas sa may kwarto. Kailangan kong umuwi sa amin dahil baka hinahanap na ako ng mga anak ko.

Pagkabukas ko ng pinto ay siya namang tumambad ang pigura ng isang lalaki na iniwan ako para sa ibang babae na hindi ko man lang alam ang dahilan. Napatingin ako sa kanya at ganun rin siya sa akin. Nilagpasan ko ito saka gumawa ng portal.

"Sandali Love!"tawag ng lalaki sa akin saka hinawakan ang braso ko. Marahas akong humarap sa kanya.




*PAK





"Wala kang karapatan na tawagin ako ng Love, Leo" saka ako tumalikod pagkatapos ko siyang sampalin ng malutong.


Pumasok ako sa may usok and luckily hindi sumunod si Leo.


Tumambad sa akin ang isang tahimik na sala ng underground headquarter namin. Napahagulgol ako ng ma'isip ko ang mga kaibigan ko.



"S-sorry"paos na pagkakasabi ko saka, tinakpan ang bibig ko. Naupo ako sa sahig dahil sa labis na panghihina ng katawan ko.


Ilang minuto din ang nagtagal bago ako tumayo at nagpasyang pahiran ang mga luha ko. Wala akong lakas para ngumiti ulit ng matamis dahil sa labis na pagluluksa para sa mga kaibigan ko. Bukas na bukas, hahanapin ko ang mga bangkay nila, at ililibing sila ng matiwasay. Nagbukas ako ng ref. at uminom ng malamig na tubig para kahit papano ay mahimasmasan din ako.

"JACK!"tawag ko. Pero walang sumagot sa tawag ko. Agad akong naalarma. Tumakbo ako sa secondfloor at bubuksan sana ang kwarto ni Jack.




"JACK! OPEN THE DOOR!" sigaw ko sabay kalampag ng pintuan.


"Oh my gosh! Jack!"sigaw ko at napahagulgol ulit ako.



"Demonic Soul! Sitri!"sigaw ko saka agad sinuntok ang pintuan ni Jack dahilan para tumilapon ito.




*BLAG















































"SURPRISE!!!!!"sigaw ng mga nilalang sa loob.

Nang masilayan ko kung sino ito ay agad akong mapaluhod at muling napahagulgol. Nawala rin ang form ni Sitri at bumalik sa dati kong anyo dahil sa emosyon ko ngayon.


"P-p-paano?"umiiyak kong sabi na para akong bata na maingay dahil sa nadapa at inaway ng kanyang kaibigan.



"Ano ka ba Bessy! Nauna na kami dito dahil ilang araw kanang natutulog! Wala kayong magbabantay kay Baby Lezion at Jack, noong nalaman namin na nagising kana agad kami pimunta dito"maarteng sabi ni Pixie saka inilagay ang cake na may welcome home pang nakalagay sa kalapit na mesa.



"UWAAAAAAA"sigaw ko habang umiiyak saka niyakap siya ng mahigpit.



"Aray! Nasasakal ako!"reklamo niya pero hindi ako nakinig sa kanya.

FALLEN SANCTUARY [BxB] (Boyslove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon