XLIII: UNEXPECTED SON

1K 68 1
                                    

"Mommy oh"sinusubuan ako ng anak  ko ng isang BBQ na ginawang pulutan ng mga kaibigan ko. Ngumuya ako at muling isinubo ang bigay ni Jack Frost. 

Nakapalibot kami ngayon sa isang apoy at panay kuwentuhan ng mga kaibigan ko. Nasa gitna namin ni Eragon si Jack at vice versa ang pagsubo niya sa amin ng BBQ.

After akong saniban ni Halphas, ay inilayo niya agad ako at ang mga kaibigan ko sa Lihar. At syempre di parin ako nakaka'move on kay Leo.

Three days na ang paglalakbay namin at napagpasyahan naming magpahinga nalang muna sa isang kalapit na isla.

Pero hinahayaan ko lang ang sarili ko at kailangan kong maging productive sa lahat ng pagkakataon kahit may personal issue ako sa lovelife.

Kahit anong gawin ng mga kaibigan ko sa pagsasabi ng move'on. Sa huli ako parin ang may hawak ng desisyon ko dahil, katawan at isip ko ito.

So I decided na maging thankful nalang sa break-up na nangyari kahit masakit paring tanggapin sa part ko. May break up nga ba? Wala namang kami. Friends with benefit lang. Hindi na tuloy ako berhin.

"Anak matulog kana, tama na yang games mo"saad ko kay Jack dahil naglalaro ito ng offline games sa cellphone kong hindi man lang nalolowbat. 8:30 na ng gabi kaya kailangan ng magpahinga ng anak ko.

"Tabi po tayo ni Tito please"paki-usap ni Jack kaya napatingin ako kay Eragon. Wala namang kaso iyon dahil kailangan namin ng skin contact. Pero imagine? Para kaming complete family pag nagkataon haha. Tito kasi ang tawag ni Jack kay Eragon.

Tumango ako at ngumiti sa kanya kaya napa'yes si Jack.

"Mga Umma at Appa, tulog na po ako"pagpapa'alam ni Jack sa mga nanaynanayan niya at tataytatayan niya kaya napatayo narin ako saka nagpagpag ng puwet ganun din si Eragon.

"Sige baby, mukhang complete family ah!"pang-aasar ni Pixie kaya nagtawanan lang sila. Umalis kaming tatlo ni Eragon saka pumasok sa Family Tent na itinayo ni Eragon kanina.

Naghubad ng damit si Eragon saka pinahiga kaming dalawa ni Jack sa mga braso niya. Nasa gitna si Jack at nasa kaliwa naman si Eragon while ako sa kanan. May unan naman pero mas trip ni Eragon ang ganito dahil nakasanayan niya na ito.

Hindi naman nagulat ang anak ko ng malaman na may kasama kaming mga dragon dahil sa ginawa ni Preya sa kanya. Ngunit namangha pa ito at panay pagpapakarga kay Eragon na tinuri niya naring katuwang ko sa buhay at pagpapalaki sa kanya.

Nakarinig ako ng hilik sa dalawa na siyang nagpagulat sa akin dahil sa bilis nilang makatulog. Parang baboy makahilik si Eragon at medyo mahina naman si Jack. Kinuha ko ang makapal na kumot saka kinumutan silang dalawa bago nahiga at niyakap si Jack. Naramdaman ko naman ang pagyakap ni Eragon si amin dahilan para mabilisan akong makatulog dahil narin sa pagod.

¤¤¤

"Sigurado na ba kayo mga anak?"tanong ng Reyna Haliyah. Dumaan muna kami sa islang isinumpa. Medyo nakonsensya pa nga ako dahil hindi man lang nakapag-paalam ang mga kaibigan ko sa mga pamilya nila dahil sa sinapit ko. Mas iniisip pa nila ang kalagayan ko kesa sa pagpapa-alam nila.


"Opo mahal na ina. Lilibutin namin ang Valir kung kinakailangan para mas makilala ni Dym ang kanyang sarili at mahanap namin ang Horcrox"magalang na saad ni Eragon habang bitbit si Jack.

Napatingin ang Reyna sa akin at niyakap ako ng mahigpit pero pagkabitaw nito ay halatang nagulat sa hindi ko malaman na dahilan.

"Muya! Ibigay mo sa akin ang itlog na baog!"biglang sigaw ng reyna. Aanhin ko naman ang baog na itlog?


FALLEN SANCTUARY [BxB] (Boyslove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon