CHAPTER XIII: THE GANG

1.1K 86 0
                                    

Naglalakad na kami ni Ikarus papunta sa Condo unit ko. Kakatapos lang din magligpit ni Ikarus para lumipat at makitira kasama kami sa iisang bubong.

Ang desinyo ng kwarto ni Ikarus kanina noong pumasok ako, ay di talaga maitatanggi na isa siyang prinsipe dahil pang royalty talaga ang desinyo, hula ko nga kwarto niya yun sa palasyo nila eh.



Habang naglalakad wala kaming imik na dalawa. Ikaw ba naman magkuwentuhan ng halos ilang oras? Umabot pa ng hapon.

Ayon! Ubos ang topic! Na ikwento ko din sa kanya na galing ako sa mundo ng mga tao, at isa akong binabae. Noong una nagulat siya, pero nakabawi din naman agad ng nag'explain ako, katulad ng mga kaibigan ko ganun rin ang sinabi ko sa kanya.

May private life naman ako kaya di ko dapat ikwento sa kanila ang mga nangyari bago ako napadpad dito sa Valir.

Every story ko nga palagi ko na'aalala yung halimaw na nagsabing kami ay iisa. Kung totoo nga, bakit hindi ko man lang siya makita ngayon? Dagdag stress pa siya sa akin.




Nang makarating kami sa tapat ng pintuan ay agad ko naman itong binuksan sa pamamagitan ng pagtulak.


Nakarinig ako ng hikbi sa pagbukas ko ng pintuan kaya napatigin ako sa mga nilalang sa sala, kung saan nanggagaling ang hikbi.




Nabaling din ang atensyon nila sa akin.





"UUUUWAHHHHHH BESSSSYYYYYYYYY! SAAN KA BA GALIIIIINNNNG?" OA nitong si Pixie ah! Dinambahan naman ako nito ng yakap kaya hinagod ko pabalik ang likod niya.



"Shhh may inasikaso lang ako, wag kana umiyak" pagpapatahan ko. Childish naman nito.



"We thought you're gone" naiiyak din na sabi ni Luna na nakaupo sa Sofa. Kahit medyo OA their reactions warmed my heart naman.



How lucky I am to have them?😊Masyado silang worried sa kalagayan ko kahit ilang oras palang ako nawawala.



"And who's that guy behind you?" Kunot noong tanong ni Lucas sa akin. Kumalas naman si Pixie sa pagkakayakap sa akin at tumingin sa may likod ko.



Tinignan ko naman si Ikarus na kunot din ang noo na nakatingin sa amin.


Kaya't ako na ang naunang bumasag sa katahimikan sa pagitan namin.



"Ikarus pumasok ka muna sa aming silid" sabi ko na agad niya namang sinunod.



Pagkapasok niya ay na stunned lang siya bigla kaya napatingin ako sa kanya. Halata ang pagkamangha sa kanyang mukha sa nakikita niya habang palinga-linga sa paligid.


Napag'usapan din naman namin kanina ni Ikarus na kung pwedi bang pasahan din siya ng kaalaman ng kaibigan kung Nimpa ng Apoy ukol sa naituro ko na sa kanila, at malugod niya naman daw itong tatanggapin.


Halata ang gulat sa mga mukha ng kaibigan ko pagkakita nila kay Ikarus.


"Ahm Guys? Si Ikarus ang isa sa mga makakasama nating kalahok sa AmeDevie Dos Mil Cuatro." Sabi ko sa kanila pero hindi parin napapawi ang gulat sa mukha nila. Kaya si Preya nalang ang kakausapin ko.


"Preya? Pwedi mo bang e'share kay Ikarus yung knowledge mo about everything, you know what I mean?"kahit gulat ay tumango naman ito sa paki'usap ko.


Ibinaling ko ang aking paningin kay Ikarus. Dahil mas matangkad siya kailangan ko pang tumango.


"Ikarus? Ihanda mo na ang iyong sarili"nakangiti kong saad sa kanya. Cold naman siyang tumango. Tss, kanina pa yan. Kanina kasi pagkabukas ko ng pinto nahalata ko ang pagbabago ng aura niya, pero binalewala ko nalang.


FALLEN SANCTUARY [BxB] (Boyslove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon