CHAPTER XI: HOUSEMATES

1.1K 82 2
                                    

LUCAS ^☝🔝

"KYAAAHH!!! BESSSY ANONG LUGAR TOOOOOOOO?"sigaw ng impakta kong kaibigan. See? Prevention is better than cure is aready applied.

"Kamangha-mangha! Ngayon lamang ako nakakita ng ganitong lugar."sabi ni Lucas. Uncrush na nga kita! Huhuhu kasi eh! Dabarkads ko na siya simula ngayon kasi palagi na kaming magkakasama.

"Pumasok na muna kayo sa loob, at ituturo ko sa inyo ang inyong mga silid pero bago yun! Tuturuan ko muna kayo ng lahat ng alam ko"sabi ko sa kanila. Hindi parin nawawala ang pagkamangha sa mga mukha nila at titingin-tingin pa sa may chandelier na nakakabit sa kisame sa may sala. Inaya ko muna silang maupo sa sofa.

"Ang lambot ng upuan na ito, ang sarap-sarap sa pakiramdam" sabi ni Pixie. Kaya nginitian ko lang siya at nagpasalamat.

Well may a-aminin kasi ako sa kanila ngayon. Para hindi na sila magtaka sa mga kakaibang bagay na makikita nila sa akin.

"Ano ang bagay na iyan?"tanong ni Pexie sabay turo sa malaking Flatscreen TV.

"TV ang tawag diyan. Uhmmm.. mga kaibigan? Ang totoo niyan, hindi talaga ako taga-rito sa Valir" wala na akong dapat itago sa kanila, dahil magagaan naman ang pakiramdam ko sa kanila at simula ngayon sa iisang bobong nalang kami titirang apat.

"Huh? Kung ganon saan ka nagmula?"tanong ni Luna.

"Ako ay galing sa mundo ng mga mortal o kung tawagin ay mundo ng mga tao, ako ay napadpad lamang dito sa mundo ng Valir" honest kung pagpapaliwanag sa kanila.

"ANO?!!!!" sabay-sabay na sabi nong tatlong babae. Si Lucas halatang gulat man ay hindi naman ito napasigaw sa shockness ng revelation ko.


"TOTOO PALA NA MAY IBANG MUNDO?!" gulat parin na tanong ni Pixie. Isa nalang! Kukutusan ko bunganga nito!

Well kong sa atin baka ganon din naman ang tanong natin diba? Na may ibang mundo pala?

"Oo aksidenteng napadpad lamang ako dito, nakita ako ng mga kawal sa Puno ng katotohanan, at kinupkop ni Apo" Ako.

"Ngunit paano ka napunta sa mundo ng mga tao?" Lucas.

"Hindi ko rin alam, basta nabigla nalang ako noong napadpad ako sa mundo ng Valir, at ang nakakagulat pa ay ang pagkakaroon ko ng kapangyarihan. Dahil sa mundo ng aking pinanggalingan wala kaming mga kapangyarihan" namamanghang saad ko sa kanya.





"Kaya pala iba ang iyong pananalita, galaw, pananamit at pati narin ang iyong tinitirahan ay kakaiba rin, halatang ang lugar na ito ay puno ng mahika" nagiging madaldal si Pixie ah?

"Sa mundo namin, hindi kami gumagamit ng mahika, sapagkat teknolohiya"

"Teknolohiya? Ano iyon?" Tanong ni Lucas. Well, understood naman na ang pagbuild ng mala'Harry Potter nilang school ay mahika din ang gamit.

"Ang technolohiya ay mga kagamitan na gawa ng mga tao, kahanga-hangang kagamitan na binubuhay ng enerhiya, ito ay nagawa at nabou dahil sa katalinuhan ng aming mga ninuno, na siyang pinapalago ng mga matatalinong tao sa kasalukuyan" nosebleed speech ko doon ha.

"Kung ganon bakit ka napadpad dito?"tanong ni Pixie. My Gad napuno ako ng katanungan ngayon.

"Mahabang istorya Bessy, sa ngayon nais ko lamang malaman ninyo ito dahil titira na tayo sa iisang bubong lamang, at para hindi na kayo manibago. Tuturuan ko kayo isa-isa kung paano gagamitin ang bagay at mga teknolohiya dito" Ako.

Agree naman sila na gusto nilang matuto sa kung paano gamitin ang mga kagamitan dito sa condo, pero halos lumundag ako sa tuwa ng sabihin nila na gusto nilang matuto ng aking mga salita. Mabuti nalang, marami akong English-Filipino na books. Same lang naman ang mga titik na ginagamit nila, parang panulat nga ni Dr. Jose Rizal noon ang lettering, and I find it amazing!

FALLEN SANCTUARY [BxB] (Boyslove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon