EPILOGUE: QUEEN OF KINDNESS

1K 71 1
                                    

"ITIGIL ANG SEREMONYA!"sigaw ng isang babae sa likod ng maraming manonood.

"ANG KAPAL KAPAL NG PAGMUMUKHA MONG AGAWIN SI LEO SA AKIN!"sigaw ni Marissa. Sinubukan siyang harangin ng mga kawal pero wala silang nagawa dahil bigla nalamang silang tumilapon.

Nakasout ito ng lilang roba saka umakyat sa stage at tumigil sa harapan namin.

"WALA KANG KARAPATAN NA PAG-TAASAN NG GANYAN ANG BAGONG REYNA!"sigaw ni Leo pero tumawa lamang si Marissa. Baliw na ba talaga to.

"Buntis ako Leo, at ikaw ang Ama. Hindi pa man kayo nagkita noon ni Dym sa AmeDevie ay may nangyari na sa ating dalawa, dahil sa labis mong kalasingan sa bahay-aliwan"saad ni Marissa na ikinagulat ni Leo at ng lahat ng manonood maliban sa akin at sa mga kaibigan ko na tahimik lang na parang manonood sa teleserye.

Sa isang iglap kumakain na pala ang mga kaibigan ko ng pop'corn kaya napa'irap ako sa kanila. Takhang-takha naman ang mga kasintahan nila sa mga inaakto ng mga Medius Detas kung mga kaibigan.

May batang lumapit sa kay Marissa. Itim ang buhok at itim ang mga mata saka ito kumapit sa may binti niya habang nakatingin sa amin. Inosente ang mukha nito kaya natuwa ako. Gusto ko kasi yung mga batang matataba ang cheeks.


"At ikaw! Ang kapal! Ng pagmumukha mong agawin ang lalaking para sa akin"nanggigil na saad ni Luna pero ako nakangiti lang sa bata naya ngumiti din ito sa akin. Tinignan ko si Marissa ng mata sa mata.






"Ano ba ang nawawala sayo Marissa? Bahay mo? Pera mo? O mga papelis na pweding makasira sa iyo?"tanong ko habang ginagaya ang paglalakad ni Romina noong comprontahin siya ni Daniela sa bahay nila.

"Anong pinagsasabi mo?"naiinis na sabi ni Marissa sa akin.

"Bessy, give me the File"saad ko ng hindi tumitingin sa deriksiyon ni Bessy. Hindi ko inaalis ang mata sa matang titigan namin ni Marissa.

"Here"sabi ni Bessy saka ibinigay sa akin ang mga papelis na nakalagay sa brown envelope.

Binuksan ko ito at tumambad sa amin ang mga litrato ni Marissa at ng kapatid ni Ikarus na si Godio na magkasama, may mga litrato ding nagtalik sila noong isang araw. Nakasaad sa mga papelis na matagal na silang magkarelasyon ngunit desperada lang talaga si Marissa na gustong maging Reyna ng pinakamalaking Kaharian. Ang Lihar.

Marami pang'impormasyon ang nakasaad dito at meron akong dalawang testigo.

"Nakasaad dito na matagal ng magkarelasyon si Prinsipe Godio na kapatid ni Medius detas Ikarus ng Vesta, halos tatlong taon na ang tagal ng kanilang relasyon. Makikita sa larawang ito na nagtalik sila noong isang araw. Ang mga imposmasyon na ito ay kuha mismo ng feelingerong secret spy na matalik kong kaibigan na si Medius detas Ikarus."saad ko sabay pakita ng mga litrato sa Hari at Reyna. Napasinghap naman sila sa kanilang narinig pati rin ang mga Hari at Reyna ng Lihar dahil sa nakita nilang mga litrato. Hindi man nila alam ang pictures pero kitang-kita ang imahe ni Marissa at Godio sa litrato.


"WALANG KATUTURAN ANG IYONG SINASABI! GINAMITAN LAMANG IYAN NG MAHIKA!"galit na sigaw ni Marissa sa amin.

"Lucas? File Please"pagkasabi ko non ay biglang lumipad sa kamay ko ang isang brown envelope. Binuksan ko ulit ito at nakita dito ang DNA results na positive na anak ni Godio ang bata. Kami mismo ni Preya ang nag'conduct ng proseso sa laboratory.

"Ang papelis na ito ay nagpapatunay na positibong anak ni Prinsipe Godio ang batang dinadala ni Marissa noong nakaraang taon."saad ko sa kanilang harap. Napasinghap ulit ang mga nanood sa amin.

FALLEN SANCTUARY [BxB] (Boyslove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon