XLVI: BUSINESSES

928 71 0
                                    

"Ito oh! Tubig!"bigay ko ng tubig kay Nardo. Kinuha niya naman ito saka ininom. Napalunok pa ako ng wala sa oras ng nakita ko ang pagdaloy bg masuwerteng tubig sa adams niya patungo sa dibdib hanggang sa abs niyang hitik na hitik sa bunga. Iniwas ko ang paningin ko sa sobrang sarap ng pagkain na nakahain ngayon sa harap ko.

Nakita ko sa hindi kalayuan ba masakit ang pinupukol na tingin ni Greygo kaya tumingin ako sa ibang deriksiyon.

Kanina pa kasi nag-eensayo si Nardo ng sparring sa sampung kawal ganun din si Greygo. Nandito kami ngayon sa sentro ng bayan at kahit walang event na nagaganap panay sigaw ng mga kababaihan sa paligid at namumuro na ako sa ingay.

Si Lucas at Ikarus kasama ang mga babae. Palagi namang nakadikit ang dragons nila sa kanila kaya hindi na ako mamomroblema dahil maglilibot lang naman sila sa bayan.

"Gusto mo bang, ako ang iyong makakalaban?"saad ko kay Nardo. Pero hindi pa man ito naka'respond ng may isang kabute sa aking tagiliran ang nagsalita.

"Ako, gusto kita kalabanin" siga-sigang pananalita ni Greygo.

"Hindi maari ang iyong nais kapatid. Maari mong masaktan ang kanyang katawan dahil hindi ito tulad ng sa atin"seryosong saad ni Nardo at nagtagisan pa ng titig ang dalawa.



I felt tension between their stares.




"Ayos lang Nardo. Nakita mo namang sinipa niya ako noong una nating pagkikita diba? Kaya Oo *BalingKayGreygo tinatanggap ko ang hamon mo"nakangisi kong saad. Binalingan ko ng atensyon si Greygo saka pumunta sa gitna. Nagsibulongan naman ang mga Fanalis.

"INA! YUNG SALAMANGKERO!"sigaw mula sa labas ng field kaya napahilot ako ng sentido dahil sa pagsigaw ng bata.

"Auto:Adjust program: Kung Fu attire" saad ko sa Black robe dahil nasa loob nito ang aking agent battle suit. Hinubad ko ang black robe saka tumambad sa akin ang sleeveless kung-fu attire.

Pinalipad ko ang mga gamit sa gilid kung saan si Nardo at kinuha niya naman ito. Hinawakan ko ng mahigpit ang staff ng makita kong pumunta na sa gitna si Greygo.

Naramdaman ko ang maraming Fanalis mula sa labas ang naki-usosyo at pumasok mula sa battle dome at halatang sabik na sabik na silang makakita ng mahika. Wala sana akong plano na gumamit ng mahika pero sige, pagbibigyan ko sila.

"WHOOOAHHHHH!"sigawan ng mga Fanalis sa paligid. Nag'mistulang christmass theme ang paligid dahil sa mga mapupula nilang buhok at mukhang mga manok pa mismo ang naging audience sa sabungan ng dalawang tao. Hehehe




"Ikaw ang unang sumugod!"sigaw ni Greygo kaya I take the pleasure.


"Water pulse"cast ko kaya biglang may umatake na tubig sa kanyang deriksiyon.

Umilag si Greygo, pero hindi ko iyon hinayaan.

"Leaf blade!" saka ko pinalabas sa staff ko ang maraming dahon na mala'shuriken ang lipad patungo sa kanya. Eksperto niya itong sinangga ng kanyang espada.

"Air Compression!" Saka ko ito itinapat at itinira sa deriksiyon nya dahilan ng pagkakatumba niya sa lupa.

"Lightning Fire!" Ginawa ko ang isa sa mga the best technique ni Preya at ipapatama sana ang kidlat sa kanya pero inilagaan niya lang ito at patalon-talon pa sa may pader.

Susugod sana siya sa deriksiyon ko bigla akong mag'teleport malayo sa kinalalagyan niya.

"Metal Manipulation" saka ko kinontrol ang metal armor niya at pinadikit ito sa wall na malapit lang sa kanya, nagkaroon pa ng mga bitak ang pader sa likod niya.

FALLEN SANCTUARY [BxB] (Boyslove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon