CHAPTER XXXI: POSSESSIVE ROMEO

1K 80 0
                                    

Nagkatinginan kami ni Leo ng ilang segundo pero agad akong nakabawi at tinuloy ang pagpupunas ko sa kanya.

Niyakap niya ulit ako ng mahigpit kaya hinayaan ko na.

Nakita ko naman na para na akong papatayin ng mga kababaihan sa paligid dahil sa pagkakayakap ni Prince charming nila sa akin. At halos lumiyab narin ang aura ni Marissa sa baba na nakatingin sa gawi namin.

Tsss! Mainggit ka Gurl!

¤¤¤

Lumipas ang isang oras at nagpaalam na muna ang mga kaibigan ko sa akin. At binulungan pa ako ng Goodluck ni Luna, Wag ibigay ang berhin kong pechay naman kay Pixie, ngiting pilyo sa kanila Lucas at Ikarus, at malapad na ngisi ni Preya. Supportive nila diba?

Gumawa ako ng portal na usok at pumasok kami ni Leo doon. Noong una nagulat ito dahil tanging si Ms. Helena lang daw ang kilala niyang may kakayahang magpalabas ng mga lagusan, pero ipinaliwanag ko sa kanya na ang aking kapangyarihan ay kapangyarihan ng salita, hindi pa nga diya makapaniwala noong una dahil matagal na daw hindi lumalabas ang ganitong klaseng kapangyarihan.

Nandito kami ngayon sa black division sa likod ng mga building namin. Sa may lawa, nakasandig ako sa may Ilawod habang si Leo naman ay nakahiga sa lap ko. At kinikilig ang mamey niyo! Pinaglalaruan ko ang buhok niya habang siya ay nakapikit. Friends with benefits kami mga gurl! Hahaha or pwedi ding non-label with landian system.

Gumagawa ako ng mga snow butterflies at pinaglalaruan ito gamit ang magic ni Asmodeus.

"Ikaw ba ang may kagagawan sa pagyelo ng inumin ko kanina?"out of the blue na tanong ni Leo.

"Ng ano?" Alam ko na ang tinutukoy nito pero gusto ko lang klarohin, nagmamaang-maangan lang ako.

"Nang pagkayelo ng aking inumin na ibibigay sana ni Marissa"

Napayuko ako dahil sa sinabi niya at umiwas ng tingin ng magkakasalubong sana ang aming paningin.

"Pasensya na nakaramdam lamang ako ng inis"nahihiyang tugon ko. Saan na ang malanding ikaw Dym? Iyan kasi eh! Baka pagalitan ka pa tuloy.

"Ano naman ang iyong dahilan?"tanong nito sa akin, pero halatang nakangisi pa. Natutuwa pa ba siya sa pinaggagawa ko kanina? Sana pala pati siya ginawa ko nalang yelo para mas masaya.

"Hindi ko alam"deritsong saad ko, ayoko mag open-up na nagseselos ako, duh!

"Gusto sana kitang isama mamaya sa bayan, magliliwaliw lamang kami nila Martin, hindi ako sasama kapag hindi karin sasama" sabi ni Leo. Is he asking a favor? Obviously! Or blackmailing me? I guess? At bakit para akong Parents na hinihingian ng permission dito?




"S-sige walang p-problema"as if naman tatanggihan ko pa? Wala namang klase dahil sa event kaya Gora!











¤¤¤



Pagkatapos naming mag'lunch ni Leo sa may bahay-kainan ay dumeritso na kami sa private headquarters nilang magkakaibigan. Nasa'white division ito, sa likod ng mini-forest. Halos lumuwa nga ang mga mata ko ng makita ko ang White Division dahil halos Gold lahat ng pader at pang-royal talaga ang design. Hindi ito school kundi parang Mini-Gold Palace sa ganda. Ang unfair! Sa Part ng ibang Divisions!

Pumasok na kami sa malaking pond house sa gitna ng gubat at nasa gitna rin ng malaking pond nakatayo ang HQ nila.

Hinila ako ni Leo saka pumasok na kami sa loob, habang ako ay naglalaro ng snow ball sa isang kamay ko at pinapalipad ito.

FALLEN SANCTUARY [BxB] (Boyslove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon