CHAPTER XXXIV: OBSESSION

1K 86 0
                                    

Naglalakad ako ngayon sa loob ng hospital at halos ma'stress na ako dahil sa 10th Floor pa daw nakapuwesto ang Prinsipe, yun ang sabi sa mini'counter nila kanina.

Ang pinag-kaiba lang wala silang technology pero may magics naman. Lumilipad pa nga ang mga papelis kanina. Ayaw pa nga sana ako papasukin pero mabuti nalang at dumating si Martin at mga kaibigan niya kaya kasama ko sila ngayon na paakyat sa ikasampung palpag ng gusali.

OH MY G! MAG KAKA MASSSSSEEEELLLLSS ATA AKO NITO!

"Ayos kalang ba talaga?"nag-aalang tanong ni Martin. Tumango lang ako at hingal na hingal. Gawa sa metal ang estraktura ng hospital at marble sa paligid pati ang sahig.

Mga Moon Elf nga lang na naka'green robe ang mga nurses at doctor dito. Kanina pa ako tinatanong ni Martin dahil halata na ang pagod sa mukha ko.

Aha! May naisip na ako. Yung ginagawa ni Jane sa XMEN!

'Levitation' cast ko. Mukhang inaabuso ko ata magic ko ngayon ah.

Lumipad ako at pasimpleng lumulutang at sumunod sa kanila Martin.

"Whoaah! Ang galing! Kaya mo palang lumipad?" Gulat na sabi ni Ero ganun din ang mga kaibigan niya.

"Oo naman, nasanay na ako sa mga enkantasyon na ginagawa ko palagi" paliwanag ko habang lumulutang at sila naman ay naglalakad at umaakyat sa mga hagdan. Ang lalaki kasi ng katawan nila eh! Hindi tulad ko ang patpatin.

"Isa kang Vesta?" Tanong ni Pino.

"Hindi, mas gusto kong tawagin ako na Marlenyan dahil narin na si Apo ang nag'ampon sa akin" hindi ko pa pweding sabihin na, "hindi! sa mundo ng mga mortal ako ng galing at naligaw lang dito sa mundo niyo".


Nag-usap pa kaming dalawa ni Ero at kanya-kanyang topic naman ang apat. Hanggang sa makarating kami sa isang pintuan sa 12th floor. Malayo palang naririnig ko na ang pagsigaw dito ng isang nilalang.

"NASAAN SI DYM?! IPAKITA NIYO SA AKIN SI DYM!"alam kong boses iyon ni Leo. Lulutang sana ako papasok ng hawakan ako ni Martin sa kamay.

"Kaya mo nakita noon si Leo sa Marlenya dahil ang totoo nag'rerebelde siya sa kanyang Ina ang Mahal na Reyna, kaya mag-iingat ka Dym. Susunod lamang kami sa iyo"sabi ni Martin. Share mo lang dude? Alam ko yan no! Saan ko nga ba narinig ang kuwentong yan?


Tinanguan ko lamang ito at hinawakan na ang pintuan.


"IPAKITA NIYO SIYA SA AKIN!"


"HUWAG MO AKONG HAHAWAKAN KONG AYAW MONG MASAKTAN!" Bakit nagwawala tong kumag nato? May mental disorder bato?

Tuluyan ko ng pinasok ang loob ng kwarto. Maraming Moon Elf ang nakapalibot sa kanya at nakita ko ang Mahal na Reyna na umiiyak kasama ang Hari na inaalo ito. Natatabunan kasi ako ng matangkad na Elf kaya hindi ko siya makita.

"Opo mahal na Prinsipe, hahanapin po namin si Dym"kinakabahang sabi ng isa sa mga babaeng Elf.

Hello pepooool! Nandito ako! Eat bulaga!

"SABIHIN NIYO SA AKING BUHAY PA SIYA!" Sigaw ulit ni Leo. So ito yung dahilan ng pagwawala niya?

"Hindi namin maipapangak----" naputol ang sasabihin ng Elf ng bigla ulit itong sumigaw.

"IPANGAKO NIYO! KUNG AYAW NIYONG UBUSIN KO KAYONG LAHAT DIT---" sigaw ni Leo ng bigla ring sumigaw ang mahal na Reyna.

"ANAK! BAKIT KABA NAGKAKAGANYAN?! HA!"umiiyak na sigaw ng kanyang Ina, ang mahal na Reyna.

FALLEN SANCTUARY [BxB] (Boyslove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon