CHAPTER X: THE UNTOLD

1.2K 90 2
                                    

"LABAN NA" sigaw ng mga kaklase ko.

Pumosisyon na si Sir na na ang mga kamay ay kalebel ng kanyang dibdib at nakakuyom ang kamao. Sigurado naman ako na hindi unfair ang laban namin dahil may nurse elf na nangagamot ng mga sugat, pasa at nagbabalik lakas na nakatayo sa gilid ng field kasama ang classmates ko.

Tumingin ako sa paligid at nakita kong lahat ng mga estudyante ng AmeDevie sa Itim na Bahagi ay nakalabas na sa kanya-kanya nilang classroom at lahat sila ay nakatingin sa amin ni Sir Marcus.


Sobrang dami nila pakshet! Baka mapahiya ako nito!



Sa di kalayuan nakita ko ang ibang faculty members ng Itim na Bahagi at si Headmaster Maria.

"Hahayaan kong ikaw ang mauunang sumugod sa akin" sabi ni Sir sabay smirk. Kaya nabaling ang atensyon ko sa kanya.

'My pleasure' sabi ko sa aking isipan.

Yumuko muna ako, tanda ng pagalang sa kungfu at tumakbo sa deriksiyon niya. Titig na titig ako sa mata niya dahil ito ang turo ni Papa sa akin.

To predict enemies movement, you must watch them eye to eye. Tandaan mo Dym. Dapat marunong kang ipagtanggol ang sarili mo dahil marami tayong kalaban sa kompanya, we're not safe because of assassination possibilities.

I still remember those advice and yes! Dahil sa maraming kalaban sila Papa, I need to be strong not only in mental but physical aspect.

Akmang susuntokin sana ako ni Sir, ng nagform ang kamay ko sa snake fist at inatake ang isa sa mga mata niya, akala niya siguro hindi ko naramdaman ang susunod niyang kamay na pa'upper cut sa mukha ko kaya dali-dali ko itong iniwasan.

"Oh!"sigaw ng mga nanonood ng tamaan ko si Sir Marcus.

Lumuhod ako at Inatake ko si Sir sa likod ng kanyang tuhod kaya  napaluhod ito, umikot ako pa'itaas at sa pag-ikot ko doon ako kumuha ng lakas para sipain ang batok ni sir.

I know every vital point of the physical body of a human. I know pare-parehas lang ang organs ng tao sa kanila dahil tao naman sila sa physical form, magics lang ang pinagkaiba. Agad akong nag'backflip papalayo ng apat na beses, kasabay ng pagbagsak ni Sir. Didn't I mention to you? That I am the 'seconds defeater' na Martial Artist sa China?


Ayon bagsak si Sir at tulog. Dahil batok mismo ang napunterya ko.

"Whoooooooo!"

"Ang galinnnnnggg!"

"Kahanga-hangaaaaa!"


Iilan lang yan sa mga narinig ko sa mga estudyante dahil sa mga papuri nila sa ginawa ko.

Just a piece of cake. Pero mas nangibabaw talaga ang sigaw ng lukaret kong bestfriend.


Tumakbo ito papalapit sa akin at nagtatalon na niyakap ako.



"KYAAAAAAAH BESSYYYYYY ANG GALIIINNNNNNG GALINNNNNNNGGG MOOOOO!" Agad ko naman siyang pinitik sa noo. At hinimas niya iyon. Ikaw kaya sigawan sa tenga?! Nakayakap pa naman siya sakin!


At nag pout pa sa harapan ko ang lukaret. Yuck! Para siyang platypus na abnormal ang pagkakaukit ng tuka.

"Tigil-tigilan mo ako sa drama mo Bessy ha. Libre nalang kita mamaya" at ayon! Mukhang wrong choice ako dahil nagsisigaw ulit siya.

Nakita ko naman sila HM na papalapit sa deriksiyon ko.

"Kahanga-hanga ang iyong ipinamalas sa pakikipaglaban iho" nakangiting sabi ni HM.

FALLEN SANCTUARY [BxB] (Boyslove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon