L: DEMIGODS

908 71 1
                                    

"Bessy?.... uhmm.... another Guardian mo ba iyan?"alangan na pagtatanong ni Pixie sa akin. Dahil siguro sa anyo ko ngayon. Ang anyo si Sitri.


"Oo, hindi ko siya kontrolado kanina, pero noong nakaramdam siya ng satisfaction doon niya lang ibinigay sa akin ang katawan ko"mahabang salaysay ko. Iwan hahaha


"Alam mo ba kung paano makakabalik sa dati?"tanong ni Luna kaya napatango ako rito.

"Oo, alam ko. Pero sabi ni Sitri mas mabuti daw kapag nasa ganitong anyo ako" paliwanag ko habang naglalakad kami sa kweba. Simula noong nag'cast ako ng regeneration ay nagkaroon agad ng malay si Eragon at Nardo. Pero nagtaka ako kung bakit hindi lumalapit sa akin si Greygo. Napatingin ako sa deriksiyon niya at nahuli kong nakatingin rin ito sa akin kaya agad itong umiwas.

"Ang mga Horcrox!"sigaw ni Ikarus. Hindi namin alam kong ano ang istura nito pero base sa sinabi ni Sitri mga sagradong sandata daw ito.

Tumingin ako sa itinuro ni Ikarus at nakakita ako ng sampung sandata na lumilipad sa ere. Pana, Sibat, Lunar, Kunai, Espada, Dual Sword, Shield, Cross bow, Claw, Fan. Ito na ata ang mga Horcrox.

Lalapit na sana kami ng biglang dumilim ang paligid.

"What's happening?"Pixie.

"Hindi ko alam"Preya.



"Ilawan mo nga Preya"Luna.


Magsisindi pa lang sana ng apoy si Preya, ng may mga nilalang ang biglang umilaw ang tumambad saming harapan. Nawala ang mga sandata at sila na ang nakatayo kong saam lumilipad ang mga sagradong sandata kanina. Pito silang mga nilalang na umiilaw ang mga katawan, may mga babae at lalaki. Ramdam ko ang kapangyrihan na nag uumapaw sa kanilang pito.

Lumapit ito isa-isa sa mga kaibigan ko ngunit wala ako.

Nakatingin lamang ako sa kanilang pito.

"Preya ng Adamya, ako ang Diyosa ng Apoy, Tirahan at Bulkan. Ikaw ay aking pinagkakalooban ng kapangyarihang taglay kagaya ko. Ikaw ang magiging mortal na anyo ng aking pagkatao sa mundo" napasinghap kaming lahat sa sinabi ng babaeng umiilaw kay Preya. Pumasok ito sa katawan ni Preya at umilaw ito.

"Lucas ng Marlenya. Ako ang Diyos ng Karagatan, ipinagkakaloob ko sa iyo ang aking kapangyarihan. Ikaw ay magiging simbolo ng aking pagkatao bilang mortal"pumasok ang lalaking umiilaw sa katawan ni Lucas at umilaw ito katulad ng kay Preya. Nakatingin lamang silang dalawa sa kanilang mga katawan na nagliliwanag.

"Ako ang Diyosa ng Kagubatan, ikaw Pixie ng Lapedoptera ay magiging simbolo ko sa mundo ng mga mortal"pumasok ang babaeng lumiliwanag sa katawan ni Pixie at kagaya kina Lucas ay nag liliwanag ito.

"Luna ng Marlenya, ako ang Diyosa ng Himpapawid. Ikaw ay magiging pinuno sa estado ng aking kapangyarihan. Nawa ay gamitin mo sa kabutihan" pumasok ang babaeng umiilaw kay Luna, mukhang sunod-sunod silang papasukan ng mga nilalang na ito o mas mabuting sabihin na mga Diyos at Diyosa.

"Ikarus ng Vesta, ako ang Diyos ng kadiliman. Sundin mo ang gabay ng iyong puso, at ako'y palaging nakabantay sa langit"pumasok ang lalaking umiilaw sa katawan ni Ikarus. Pare-parehas sila ng damit at para itong mga damit ng greek god  and goddesses.

"Ako ang Diyos ng digmaan, kayo Greygo at Nardo ay aking babasbasan. Si Nardo ang magiging susunod na Hari ng Bambad at ikaw Greygo ang magsisimbolo ng aking kapangyarihan dito sa lupa upang tulungan ang itinakda"saad ng lalaking may kalasag at sibat, ibinigay nito ang sibat at kalasag sa katawan ni Nardo at sumanib ang anyo ng nilalang kay Greygo.

"Bakit ako wala?"biglang dumilim ang paligid at nawala lahat ng mga sandata.

"Shit!" Luna.

FALLEN SANCTUARY [BxB] (Boyslove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon