CHAPTER XVII: FAMILY

1K 87 0
                                    

Nakita ko siyang masaya na nag'momold ng mga bagay-bagay gamit ang bakal kaya nag'focus ulit ako kay Ikarus.

"Okay ang gagawin natin ngayon ay ang gagawa ka ng sandata o kahit na anong form gamit ang shadow mo"tumango lamang si Ikarus at seryosong nakatingin sa akin. Mukhang desidedo ang isang to ah.

"Ngayon subukan mong hawakan ang anino gamit ang mga kamay mo, hindi gamit ang kapangyarihan mo"utos ko na agad niya namang sinunod. Kayang hawakan ni Ikarus ang anino ng iba ngunit gamit lang ang sariling anino. Hindi ang pisikal niyang anyo kaya ito ang e'dedevelope ko ngayon. Sana nga possible!

Hinawakan ni Ikarus ang anino niya pero wala siyang mahagilap. Kaya tumingin siya sa akin ng malungot.

Hinawakan ko siya sa dalawa niyang pisnge at iniharap sa akin. Ikarus is like a big brother to me not like Lucas na parang siya pa ang bunso sa aming dalawa dahil sa behaviour niya.

"Ikarus? Diba sabi ko maniwala ka? Maniwala kalang Ikarus, kaya mo iyan, maniwala kang walang limitasyon ang determinasyon ng isang nilalang"naka-tingin kong sabi sa kanya, at binitawan na ang pisnge niya.

Ngumiti lang ito sa akin, at tumango. What a silent treatment.

Nag'inhale exhale siya ng apat na beses bago pumosisyon at sinubukang hinawakan ang kanyang anino.

"Yes!"napa'yes ako dahil sa nasaksihan kong paghawak niya sa kanyang anino. Unti'unting nabubuo ang itim na imahe sa kanyang mga kamay. Di naman siya na'distract sa ginagawa niya at stay still na nakatingin sa mga kamay niya.

"Isipin mo Ikarus! Isipin mong kaya mong gumawa ng sandata o kahit anong mga bagay gamit ang iyong anino. Tandaan mo! Tandaan mong ikaw ang anino, ang pinuno nito at ang may karapatang kontrolin ito."motivational kong pagkakasabi sa kanya. Napatingin ako sa tatlo at natutulog na sa sobrang pagod, habang si Pixie ay walang kapaguran kaka'mold ng bakal sa tambakan.

Pagkabalik ko ng tingin kay Ikarus ay  may hawak na itong Espada gawa sa maitim na mahika at umuusok pa ito, at halatang konektado ito sa mga anino sa ilalim ni Ikarus, likha ng araw.

"Nagawa mo Ikarus!"masayang bati ko sa kanya. Sa kanilang lima kasi ay sa kakayahan ni Ikarus ako mas nahihirapan.

Binitawan niya ang sandata at bumalik ito sa ilalim ng anino niya at maluha-luhang tumingin sa akin. Kaya sa motivational ako nag'fofocus dahil narin sa naniniwala akong mag'kaisa lang ang spiritual power sa kapangyarihan namin. At alam kung iisa lang ang spiritual power ko  at ang kay Asmodeus.

"SALAMAT DYM!" pagsabi non ni Ikarus ay niyakap niya ako ng mahigpit. Kaya hinagod-hagod ko ko pa ang kanyang likuran para patahanin ito.

"Para ko na kayong mga pamilya sa mundong ito Ikarus, hindi ko kayo susukuan kahit ano man ang mangyari"pagkasabi ko nun. Ay mas niyakap niya pa ako ng mas mahigpit.

"Salamat! Salamat ng marami Dym! Pakiramdam ko mas malakas na ako kesa sa dati, pakiramdam ko kaya ko nang pantayan ang kapatid ko, at higit sa lahat, nakaramdam ako ng totoong pagmamahal at pagpapahalaga na galing sa inyo, salamat Dym!" Umiiyak na sabi ni Ikarus sa balikat ko. Kaya kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at pinahiran ang mga luha sa pisnge niya.

"Basta gahasain mo na ako mamaya ah!"nakangiting biro ko sa kanya. Gusto kong pagaanin ang  athmosphere kasi ayaw ko ng may umiiyak sa harapan ko ng ganito.

Napatawa naman si Ikarus sa sinabi ko and I'm glad na effective ang ginawa ko.

"Kahit anong oras, libre ako"pabirong sabi niya kaya natawa narin ako.

After that confession and laughing session, ay niyaya ko na siyang bumalik sa building namin. Tinawag narin namin si Pixie na ayaw pa sanang umalis sa tambakan kung hindi ko pinagalitan at ginising naman namin ang tatlo. Para kumain ng lunch.

FALLEN SANCTUARY [BxB] (Boyslove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon