LVI: JEALOUSY

1.1K 67 4
                                    

Maaga akong nagising at naghanda para sunduin ang anak ko sa palasyo ng Lihar ngayon. Nag'simpleng itim na roba lang ako at agad nagteleport sa tarangkahan ng palasyo. Kasama ko si Greygo ngayon dahil sabi niya bored daw siya sa bahay

"Pwedi po bang pumasok?"tanong ko sa Guard pero nagulat ako ng bigla silang yumuko at binigyan ako ng daan. Nagkibit bakikat nalang ako saka humakbang para pumasok sa loob ng Palasyo.

"Bawal po medius detas ng digmaan" saad ng kawal sa likod kaya humarap ako rito. Nakita kong hinaharangan nila si Greygo ng kanilang mga sandata. Hindi ba nila naisip na isang pitik lang sila ni Greygo?

"Hayaan niyo na kasama ko siya"utos ko kaya kinuha nila ang harang kay Greygo na halatang naiinis sa inasal  ng mga kawal.

"Hoy tama na"siko ko sa kanya na ikinabusangot niya pa lalo kaya natawa ako dahil sa cuteness niya.

Pumasok ako sa loob ng hallway kong saan itinuro ng Gama kung nasaan si Leo at baby Lezion. Nakasunod lamang si Greygo sa akin at napansin kong pati Gama namumula sa presenya niya. Kaya pumasok sa isip ko na asarin ang gama at si Greygo.

"Alam mo ate? Wala pang kasintahan yan. Sa iyo na iyang kaibigan ko kung gusto mo, ang tamad tamad naman niyan sa bahay eh"nakangisi kong saad na sinigurado ko talagang maririnig ni Greygo. Hindi naman ako nabigo dahil sinamaan niya ako agad ng tingin.

"P-Po? W-Wala po akong g-gusto"sabi ng Gama kaya natawa ako dahil sa pamumula nito.

Tumigil kami sa harap ng isang malaking pintuan saka nagsalita ang Gama.

"Mahal na Prinsipe, nandito napo ang Daimon Medius Detas"saad ng Gama, agad namang sumigaw si Leo sa loob.

"Papasukin mo!"utos niya kaya hindi ko na hinintay pang sabihin iyon ng Gama dahil narinig ko naman.

Binukasan ko ang pintuan at sumunod lang si Greygo sa likod ko. Hmmmm lumandi kaya ako sa harap ni Leo, tingnan natin. Ipapamukha ko sa iyo kahit papano na kaya ko rin maging masaya, kagaya mo ng hindi ako ang kasama. Ang bitter ko ba?

Tumingin ako kay Greygo saka ngumisi, napataas naman siya ng kilay saka umiling.

Lumingkis ako sa matipuno niyang braso saka pumunta kay Leo na nakikipaglaro kay Lezion.

"Baby? Anak? Doon ka muna sa bahay ngayon okay lang ba?"muntangang tanong ko as if naman sasagot yung anak ko. Gumapang ito sa akin kaya binuhat ko ito.

"Papapapapa"sigaw niya saka naglahad ng kamay kay Greygo. Hmmmm... mukhang alam ng anak ko ang ginagawa niya ah! Nakikisabay sa trip ko. Binuhat naman agad siya ni Greygo saka niyakap.

"Para tayong isang masayang pamilya"sabi ko sabay yakap sa kanila Greygo, alam kong nagulat si Greygo kaya kinurot ko siya para ipahiwatig na umayos kung hindi ay uupakan ko siya mamaya.

"Anak ko si Lezion"nanggigigil na saad ni Leo kaya humarap ako sa
kanya, nakita kong nakakuyom ang mga kamao niya pero hindi ko ito pinansin.

"PARANG lang naman diba. Sa susunod bubuo din kami ng pamilya ni Greygo, diba LOVE?"na'emphasize payong mga sinasabi ko sabay harap kay Greygo na alanganin na tumango sa akin kaya pinanlakihan ko siya ng mata.

"Hindi ka pweding gumawa ng ibang pamilya alang-alang sa ating anak!"alam kong gusto ng sumigaw ni Leo pero pinipigilan niya lamang ito. Sa kaloob-looban ko ay gusto ko ng matawa at sabihing IZZZAAA PRANK MADAFAKER.

"Talaga? So ikaw pwedi kay Apeya? Nagtalik pa nga kayo ng ilang beses noon eh. Kaya pwedi din akong makipagtalik sa kay Greygo, at magpamarka sa katawan"sabi ko sabay ngisi sa kanya, tumingkayad pa ako at hinalikan si Greygo sa pisnge niya.

FALLEN SANCTUARY [BxB] (Boyslove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon