LIV: DEMIGOD OF REALM AND TWILIGHT ( WAR II)

1K 64 2
                                    


"AKO SI DYMZION GREGORY, DAIMON (Demon) MEDIUS DETAS NG REIAME (Realms) AT DEORK LIHTAN (Twilight)". saad ko.

Mas pinili ko talaga na dito mag'teleport sa gilid ni Leo para magpakita sa kanya. Muntik na nga ako ma'slide kanina at muntikan ng sabihin ang "Oo! Hindi ako si Ivy Aguas! Dahil ako! Si! LILY CRUUUUUZZZZ".

Humarap ako kay Leo, saka nginitian ito ng matamis.

"Hi Ex" saad ko na para bang isang bitter na teenager sa middle school. Halata ang gulat, pagkasabik, at pagsisisi sa mukha ni Leo. Excuse me! Psychology major ako remember?

"HAHAHA MGA HANGAL! KAYO AY MGA KALAHATING DIYOS LAMANG! AT AKO AY PURO! HINDI NIYO AKO MAPAPABAGSAK"natatawang saad ng Diyos ng Pagkasira. Toud parin ang ex boyfriend ko dahil sa pagkakagulat kaya iniwan ko na ito saka humakbang paharap.

"Hindi sa iyo ang lupain na ito kaya't *TuroSaDiyos TRESPASSING ka! Gusto mo isampal ko sayo ang titulo ko?"drama ko, naremember ko kasi yung time na sumugod ang bruhang kalaban ni Ivy sa pinapatayo niyang building na whole sponsored ng Aguas Realty.

Napakunot ang noo ng Diyos ng digmaan kaya tinawanan ko ito. Tumawa rin sila Preya, Luna, at Pixie. Samantalang seryoso naman si Greygo at si Ikarus.

"HAHA OH! HAHA! TAMA NA! BIRO LANG! Wait.... ha.... ha... okay na!...Wala kang pake-alam dahil misyon namin ilibing yang mukha mong panget na parang isang unggoy na hindi tumae at naupuan ng elepante ang ilong. At teka? Mr.Clean ikaw bayan? Ay! Sorry! Hindi pala si Mr.Clean! Kundi si Boy Abunda! Ay? Mas okay pa nga ang mukha ni Boy Abunda sa mukha mong hindi man lang magasgasan ng steelwoll sa sobrang kapal"biro ko saka tumawa. Dahil kami lang magkakaibigan ang nakakaintindi kaya kami lang ang tumawa ng pagak. Si Leo nakakaintindi yan ng English pero hindi natawa dahil kanina pa nakatingin sa akin at nakatulala.


"INIINSULTO MO BA AKO?" naiinis na saad ng Diyos ng Pagkasira. Kaya humanap muna ako ng hangin para makapagsalita dahil sa sobrang tawa ko.

"Bakit na'insulto ka?"tanong ko ng nakangisi. Ang mga kaibigan ko ay hindi pa nakaka'move-on sa tawa.

"Kulang ang inyong bilang kaya kami parin ang mananalo!"sigaw ni lalaking may korona sa tabi ng wait?! Si Apeya bayun?

Napataas ang kilay ko ng makita ko si Apeya na umiiyak sa kabilang panig.

"Lahat sa inyo ay naghihintay ang kamatayan!"sigaw uli nong lalaki na katabi ni Apeya.

"Sugod!"susugod na sana ang mga kalaban ng nag'sign ako ng stop. Nagsipaghanda rin lahat ang mga mandirigma sa panig namin. Tang-inang hari yan! Hindi pa nga ako tapos eh!

"HINTAAAAAAAY! NGGGGAAAAA!"sigaw ko kaya napahinto silang lahat.

"Ako dapat ang sisigaw niyan mga warka. Pashnea talaga yang ugali mo!"sigaw ko sa Hari at kinakunot uli ng noo nito.

"Intai Sekto!"sigaw ko na dumagundong sa boung lugar. Walang gumalaw dahil ako at ang mga kaibigan ko lamang ang nakaka'alam.

"Sugod!"sigaw ko. Susugod na sana ang mga kalaban ng marinig nila ang mga sigaw sa likod nila. Napahinto rin ang mga kasapi namin sa pagsugod.


Dumagundong ang boung paligid dahil malayo palang makikita mo na ang maraming stone giants o Golems na tumatakbo sa kalaban. Mas doble pa sa dami ng mga Thanator ang bilang ng mga Fanalis na nakabalute ng mga ginto at may hawak na mga espada, sibat at pananggalang.

Naka'strategy ito lahat as I planned. Kasabay ng mga Fanalis na nakasakay sa Pegasus ang mga taong ibon na may hawak na mga sandata ang mga ibon na iba't-iba ang kulay ay tinatawag na mga Mulawin, ang mga itim naman ay Ravena.

FALLEN SANCTUARY [BxB] (Boyslove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon