CHAPTER XIX: FAIRYTAIL VS. THANATOR

1.1K 84 2
                                    

"Hindi! Ayaw ko Kuya! Kahit anong sabihin mo."sigaw niya pabalik. Napapatingin narin ang ibang mga mag-aaral sa aming dalawa. Kaya wala na akong nagawa kundi ang manood na lamang sa laban nila Dym.


Si Dym ay nasa harapan ng lima at ang lima naman ay nasa likuran nito.

Ganun din ang mga Thanator na nakaposisyon na at handa na sa labanang mangyayari.

"Ice avalanche!" Sigaw ni Dym, di man namin naiintindihan ang kanyang engkantasyon pero nawawari kong ito ay malakas na mahika dahil sa kanyang sigaw.

Lumiwanag ang boung paligid at sumabog ito. Kaya napapikit ako ng aking mga mata sa sobrang lakas ng liwanag sa paligid. Ganoon rin ang ibang mga mag-aaral.

Tumambad sa amin ang nagyeyelong mga paligid at kahit ang harang ay nagyeyelo narin.

"Ang lakas ng kapangyarihan na iyon!"sigaw ng aking kapatid kaya nag-umpisa na naman ang bulong-bulongan sa paligid.

Paano na ang isang Itim ay may ganoon kalakas na kapangyarihan?

Nag-umpisa nang lumakas ang napakalamig na hangin at bumabagsak kahit saan ang mga matatalim na tipak ng yelo sa paligid, ganoon rin ang ang pagtubo ng mga matatalim na yelo sa lupa. Kahit ako ay hindi na maiwasang mangatog dahil sa lamig. Hindi kami nababagsakan ng mga tipak ng yelo dahil sa misteryosong harang.

Umiiwas naman ang mga Thanator sa mga yelo at nagpapalabas din ng mapanira nilang mga kapangyarihan upang sirain at gawing pananggalang ang mga kapangyarihan nilang mapanira.

"Shadow Nightmare!" Sigaw ng kapatid ng Prinsipe ng mga Vesta.

Lumabas ang malawak na anino papunta sa isang Thanator at lumabas dito ang isang itim na tao na nakatalukbong ng itim na roba na may hawak na matalim na palakol at agad iwinasiwas sa hangin, kaya naputol ang ulo ng isa sa mga Thanator.

"LAPASTANGAN!" Sigaw ng isa sa mga Thanator agad itong nagpalabas ng Kulay Lilang usok papunta sa deriksiyon nila Dym. Pinpilit kong kumawala para iligtas at balaan si Dym pero wala akong nagagawa!


"Disastrous Hurricane!" Sigaw ng babaeng duwende kaya mas lalong lumakas ang ihip ng hangin sa paligid. Ang matitibay na mga puno ay agad natumba dahil sa lakas ng puwersa nito. Nilalabanan nito ang mga lilang usok na papunta sana sa kanila. Habang patuloy parin sa pag'iwas ang mga thanator.


"Lightning Bolt!" Sigaw ng babaemg Nimpha, may lumabas na mga kidlat sa daliri nito kaya natamaan ng kidlat ang isa sa mga thanator.

"Earth Madness!" Sigaw ng babaeng diwata. Agad namang lumindol sa paligid pero hindi ko inaasahan ang susunod na nangyari, agad nagsiliparan lahat ng mga bakal sa paligid at bumulusok sa katawan ng lalaking Thanator.

Hindi kapani-paniwala!

Kanina ko pa napapansin na parang kulang sila dahil lima lamang sila sa kanilang kinakakatayuan.

Biglang may lumitaw na Thanator sa harapan ni Dym na nakatoun ang atensyon sa lakas na bagyo ng nyebe sa paligid at akmang sasaksakin siya sa puso ng isang punyal.

Sisigaw na sana ako upang balaan siya ng makita kong hindi gumagalaw ang Thanator.

Natoun ang atensyon ko sa isang lalaki na nakataas ang kamay sa deriksiyon nila Dym.

"Blood Manipulation! Blood Inflect!" Pagkasigaw ng lalaki ay sumigaw sumigaw din ang lalaking thanator sa sakit sa hindi malamang dahilan.


"Anong nangyayari sa kanya?!"tanong ng isang guro sa Lilang Bahagi, kahit ako ay hindi mawari ang mga nangyayari ngayon. Dahil pawang malalakas ang mga Itim na kalahok kesa sa mga mapanirang mga Thanator .


FALLEN SANCTUARY [BxB] (Boyslove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon