LI: BROKEN STALKER

925 75 1
                                    

"Need Coffee?"tanong ko kay Greygo.

Limang araw na ang lumipas ng mamuhay kami malayo sa mga nilalang na mapanakit at maaring magwasak sa pagkatao namin bilang mga demigods. Maraming ganid sa kapangyarihan, at uhaw sa kayamanan. Kaya hangga't hindi pa dumarating ang digmaan ay patuloy kaming mag-eensayo. Hindi porket mga demigods na kami ay maari na kaming magpadalos-dalos na kalabanin ang isang purong diyos.

"Thanks" sabi ni Greygo bago kinuha ang coffee sa akin. Nasanay narin kahit papano si Greygo kong paano kami mabuhay.

Minsan bumibisita din ako kay Leo ng patago sa Lihar. Para ngang sinasaktan ko lang ang sarili ko sa aking ginagawa pero pinipilit kong maging masaya para sa kanya.

FLASHBACK

Gumawa ako ng teleporation clouds patungo mismo sa AmeDevie. Sa likod ng itim na bahagi ng AmeDevie.

"Demonic Soul: Seilah" pinaglalaruan ko ang mga isip ng mga nilalang na maaring makakilala sa akin ng lubos. Nagbabalat kayo para hindi makilala. Pumunta ako sa Puting Bahagi ng AmeDevie para sana kamustahin si  Leo.

Nagpanggap ako bilang katulong na tagapag'silbi sa kanila. Pumunta ako sa kanyang silid, nakita ko pang bukas ang pintuan kaya itinulak ko ito. At labis akong nagsisi dahil sa aking ginawa.

"Bi..li... ahhh... san mo pa...."sigaw ni Apeya mula sa loob ng kanyang silid. Alam na alam ko ang kanyang boses dahil sa minsan ko na itong naka'inkwentro.

"Isubo mo ahhh sige!"sigaw ni Leo na nakapagbigay alam sa akin kung ano ba talaga ang kanilang ginagawa.

Para akong binihusan ng malamig na tubig sa aking nararamdaman. Gusto kong umiyak ng umiyak dahil sa sakit na aking nararamdaman. Pero pinipilit kong ngumiti dahil nasisiyahan ang aking mahal.

Minsan napapaisip ako na dapat hindi nalang ako nagpagalaw kay Leo. Sana hindi niya nalang ibinigay sa aking ang marka.

Tinignan ko ang marka sa aking dibdib at nakita kong naroon parin ang tattoo ng rosas. Isinara ko na ang aking damit at napaupo nalang sa sahig dahil sa labis na panghihina.

Alam mo ba ang pakiramdam ng gusto mong magalit pero alam mong wala ka namang karapatan? Gusto mong magwala pero may karapatan ka pa bang lumaban?

Natigil ang mga ungol sa loob pero ang aking hikbi ay di mai-aalis. Ang sakit sa puso ko ay parang tinusok ng mga sinulid, maliit ang butas pero mahapdi sa lalim.

"Sino po sila?"napatingala ako ng biglang may nagtanong sa akin. At nakita ko si Apeya na nakadungaw sa may pintuan, halatang gumawa ng kababalaghan dahil sa gusot-gusot pa ang roba nitong Lila.

Nakakahiyang nandito pa ako mismo umiiyak malapit sa pintuan.

"Katulong lamang, may ipag-uutos po ba kayo?"tanong ko sabay yuko.

"Galangin mo ako at tawagin mo sa aking ngalan. Sapagkat nakakawalang galang, ako si Apeya ang asawa ng Prinsipe Leo" sabi ni Apeya. Mga katagang dumurog sa pagkatao ko. Asawa? Kailan pa sila ikinasal?

"Mahal? Sino ang iyong kausap?" tanong ng isang baritonong boses sa likod ng pintuan. Binukasan niya ito at nakita ko ang topless na si Leo.

"Isang katulong lamang na walang galang aking mahal." Mataray na pagkakasabi ni Apeya pero hindi ko ito pinansin dahil nakatoun lamang ang aking atensyon kay Leo.

"Maari ko bang malaman ang iyong hangad dito?"tanong ni Leo. At doon pinilit kong ngumiti pero alam kong peke lamang ito.

"Napadaan lamang ako mahal na Prinsipe. Gusto ko lang sana bisitahin ang lalaking minahal ko noon, pasensya na"sabay yuko at tumalikod para sana umalis ng muli niya akong tawagin.

FALLEN SANCTUARY [BxB] (Boyslove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon