CHAPTER V: FORGOTTEN

1.4K 91 4
                                    

SOMEONE'S POV.

"Aking ipinag-uutos, sa kapangyarihan ng oras, baguhin ang nakaraan upang masunod ang nakatakda sa propesiya" utos ko sa aking kapangyarihan. Unti-unting nabou ang kalawakan sa aming paligid. Akmang hahawakan ko na sana ang sagradong bitwin ng may pumigil sa akin.

"Kailangan ba talagang gawin natin ito, hindi ba't di ka nais-nais na pakialaman ang kanilang nakaraan?" Tanong ng isa sa aking mga kasama.

"Lumabag ang kapangyarihan ng kadiliman sa totoong takbo ng propesiya, hindi pa ito ang oras upang lumabas ang totoong kapangyarihan ng itinakda" sabi ng isa sa mga lalaki kong kasamahan.

"Lingid sa ating kaalaman ay hindi tayo dapat mangialam sa mga mortal at imortal sa ibaba, ngunit nakipagtalik ang itinakda ng hindi naayon sa tamang takda ng propesiya nagpapahiwatig lamang ito na hindi naayon ang takbo ng tadhana para sa kanila at maaring magulo ang Valir o ang mas malala ang pagkawasak nito"dagdag pa nito.

"Isa pa ito lamang ang kaya nating gawin, tandaan niyo ang kanyang isinumpa noon. Babalik siya at bawal na tayong makipagtulungan sa mga nilalang sa ilalim ng Lupa. Dahil masisira ang ating mundo at ang kanilang mundo" saad ng isang babae kong kasamahan.

"Kung ganon ay gawin mo na ang nararapat Diyos ng Oras at Tadhana" nakangiting sabi sa akin ng Diyosa ng Katalinuhan at digmaang estratehiya.

"Hindi na ba maibabalik ang kapangyarihan sa kanya?" Dagdag na Tanong ng diyos ng Araw at Musika.

"Babalik padin naman ito pagdating sa ika-labing walo ang edad ng itinakda" sagot naman ng Diyosa ng Buwan at Mangagamot.

Tumango lamang ang Diyos ng araw at Musika.

Hinawakan ko naman agad ang sagradong bitwin at unti-unting inaayos ang oras at daloy ng tadhana sa ibaba na aming pinapamamahalaan.

"Salamat sa inyong katanungan mga mahal kong Diyosa at Diyos ng Valir" pasasalamat ko sa kanila.

Ngumiti lamang ang mga kasamahan kong diyos at diyosa at saka naglaho patungo sa aming pinapamamahalaang aspeto.

"Lahat ay inyong makakalimutan, maliban na lamang sa pagbago ko sa tadhana, pasensya na mga anak, ito ay makakabuti para sa boung Valir, dahil nalalapit na ang kanyang pagbabalik"

¤¤¤¤

Naalimpungatan ako ng makaramdam ako ng masakit sa aking likod.

Ano bayan? Naalala ko naman bigla ang mga nangyayari kagabi.

"Hi po! Ako nga po pala si Dymzion Gregory, a beautiful creature living in this Era" at ngumiti sa kanila at may pakaway kaway pa ng kamay. Minsan lang to! Kaya luboslubosin na!

"Kakaiba ang kanyang pananalita at ngalan, kung ganoon totoo pala ang ibang mundo, ikinagagalak kitang makilala binibini" saad ng lalaking nasa 30s mahaba ang tenga at puti ang mata. Walang iris ang mata niya.

HANEP! Binibini.

"Mundo ng mga Tao mga kaibigan, huwag na natin siyang pag'usapan mga kaibigan simulan na ang kasiyahan!" saad ni Lolo Apo.

Medyo na curious ako doon, sa biglang pag-iwas ni Apo ng topic about sa akin. Pabida pa naman ako sayang. Gusto ko sanang landiin yung lalaki na may pak-pak ng tutubi sa likod pag nagkataon. Ang gwapo niya sobra! Para siyang Diyos ng kagwapohan.

Hayst baliwalain na nga! Ang landi talaga ng hormones ko! Kapag ako nagka'jowa lagot yang jowa ko everynight!

After that nagkakasiyahan ang mga nilalang sa Marlenya dahil sa kabilugan ng buwan at matagumpay itong nagtapos. Estimation ko lang sa oras ng umuwi ako dito halos 3:00AM na eventhough alam kong wala naman talagang orasan dito.


FALLEN SANCTUARY [BxB] (Boyslove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon