XLII: REVENGE OF HALPHAS

962 80 0
                                    

Ang masasayang araw ay talagang nakakapagbigay ng ibayong ligaya sa ating buhay mas lalo na kapag ang taong mahal mo mismo ang umangkin sayo ng walang sawa.













Alam kong lahat ng kasiyahan ay may katapusan at hindi ko inaakala na ang mala'fairytale kong buhay ay nauwi sa isang kasuklamsuklam na pangyayari.



"Master tahan na"pang-aalo ni Luna sa akin. Lahat sila ay nakapalibot sa akin dito sa sofa sa may sala. Si Lucas, Greg, Morph, Ikarus at Eragon ay halos sumabog na sa galit dahil sa kahindik-hindik na eksena na nangyari kanina at naikwento ko sa kanila.

FLASHBACK

Naglalakad ako ng masaya sa hallway ngayon. Ibayong saya dahil sa ginawa namin ng taong mahal ko kagabi sa kwarto ko, I don't regret it losing my virginity for the one creature I love the most. Mamaya pa naman ang event kaya napagpasyahan kong mag-libot libot muna sa AmeDevie.

Nakarating ako sa secret place ni Leo sa semi-mountain or talampas kong tawagin sa salitang tagalog. Masaya akong tumatakbo dito pero agad rin akong nagulat sa aking nasaksihan.




"Mahal kita Apeya"salitang lumabas sa bibig ng lalaking mahal ko na tumusok ng maraming karayum sa aking puso.

Nakalingkis ang kamay ng babaeng naka-lilang roba sa batok ni Leo at magkadikit ang kanilang noo na wari'y si Juliet at Romeo sa isang pelikula.

"Mahal din kita Prinsipe Leo"saka naghalikan ang dalawa. Sa sobrang panginginig ng aking mga kamay ay nabiwatan ko ang staff na paligi kong bitbit. Dahilan para maglikha ito ng ingay at makuha ang atensyon nilang dalawa.




"Sino ang lapastangan na ito aking mahal?"tanong ng babae sa lilang roba kaya napatingin si Leo sa mukha ko at saka ngumiti ng pagkatamis-tamis.


"Isang matalik na kaibigan aking mahal"saka ngumiti sa babae kaya napangiti rin ang babae sa akin. Parang echo na umulit-ulit sa aking utak ang kataga ng matalik na kaibigan aking mahal.




Parang kagabi lang ay masaya kaming dalawa na nagtatalik at parang ang bilis naman ata magbago ng ihip ng hangin na ngayon ay iba na ang kanyang mahal at hindi na ako iyon.



Masakit man sa aking kaloob-looban ay pinilit kong ngumiti.



"Masaya ako para sa inyo"halos pumiyok ako ng makita ko silang nakangiti sa akin at halatang mahal na mahal talaga nila ang isa't-isa. Tumalikod na ako at kasabay non ang pagbagsak ng mga luha na kanina ko pa pinipigilan.





Lalaban ba ako?






Ngunit kita ang kakaibang saya sa mata ng taong mahal ko.







Masakit man pero.












Ipapaubaya na kita sa kanya Leo.

END OF FLASHBACK

Hindi ko alam kong lalaban pa ba ako. Wala akong choice kundi umiyak nalang at panoorin ang mahal ko na pinapasaya ng ibang nilalang.




Nalaman ko rin na si Apeya ay kababatang babae ni Leo, at bata pa lamang sila ng sila ay tunay na nagmamahalan. Feel ko isa lang akong baklang sampid sa love story ng buhay nila.


Nawala si Apeya noon sa digmaan dahilan ng depresyon ni Leo noon kaya ngayong nagbalik na siya ay to be continued na ang love story nilang dalawa.





FALLEN SANCTUARY [BxB] (Boyslove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon