SPECIAL CHAPTER

1.5K 95 17
                                    

"Mahal na Hari at Reyna! Umaatake ang Argus(Giant with 100 eye Monster) sa hilaga, marami din naligaw na mga Kee-sawk(Beast Giants Flesh Eater) sa  Timog kasama ang pinakamalakas na Ghoul (Medium size Titan eating dead body in Graveyards with supernatural strenght and speed). Nakalikas na ang bayan dahil sa mga sasakayan. Nasira din nila ang tore ng mga missiles kaya wala na po kaming nagawa"saad ng messenger sa amin. Kaya nagkatinginan kami ni Leo.



"Ikaw na sa Argus ako sa mga Ghoul at Kee-Sawk"saad ni Leo na kinakunot ng noo ko.

"Hindi, ikaw sa Argus at ako sa Kee-Sawk at Ghoul"saad ko.


"Mahal pagsinabi kong ako ------"magsasalita pa sana ako ng biglang sumigaw ang kakarating lang na si Pixie.

"PATI BA NAMAN YAN! PAG-AAWAYAN NIYO?! AKO NA SA ARGUS!"sabay padabog at umirap ng 360 degrees bago nawala at nagiwan pa ng mga dahon sa sahig. Ngumiti sa akin ng pilyo si Leo saka tumayo. Gumawa ako ng teleporation clouds saka pumasok kaming dalawa dito.


*GROOOOWWWWLLLL

*RAWWWWWRRRRR

Tumambad sa amin ang maingay na tinig ng mga Ghoul at Kee-sawk. Ang mga Ghoul ay parang mga tao pero sampung beses ang laki nito,pula ang mga mata, gumagapang at parang aso kung gumalaw. Ang mga Kee-sawk ay mga higanteng kasing laki ng mga Laestrygonian, ang pinag-kaiba nga lang ay mga hayop sila na kalahating tao. Parang mga Gorrilla ang ulo ng iba at may mga kambing rin.

"Fleogan Aramatura"sigaw ni Leo bago humarap sa akin at niyakap ako.

"Kinikilig ang pechay ko ano ba!"sabi ko kay Leo pero hinalikan ko siya sa pisnge pambawi.

"Okay na ako sa halik lang, mag-iingat ka mahal ko"sabi niya bago nawala na parang hangin. Ang Fleogan pala ay Flight sa English. Kaya pala mabilis si Leo sa tuwing ginagamit niya ito.


"Satan Soul! Alegria!"sigaw ko. It's a fusion magic. Nagkaroon ng gloves ang mga kamay ko at may matutulis na kuko, at nagkaroon ng pakpak pero kamay ng gagamba ang form. May korona din ako ng itim sa ulo, ang mga buhok ko ay brush up paitaas. Normal na itim at puti ang mga mata ko. Naka'fitted pants at long sleeves na leather.



Tumalon ako mula sa kalangitan at hinawakan ang ulo ng dalawang Ghoul paibaba kaya bumagsak sila at humilata. Naglabas ako ng kapangyarihan at umabot pa ito sa kalangitan. Isang lilang liwanag ang sumakop sa ulo ng dalawang Ghoul.

Tumalon ako sa isang building saka sinipa ang isang Kee-sawk na mukhang kambing ang ulo.


*BLAG


Nagkaroon pa ng pagyanig pagkabagsak nito sa lupa.

"Rise my Dead Childs!"sigaw ko. Muling bumangon ang mga patay na Ghoul at Kee-sawk sa kanilang pagkahimlay.


"Attack"sambit ko sa hangin. Sumugod sila na parang mga baliw at pinapatay ang mga kasamahang Ghoul at Kee-sawk. Tumigil si Leo sa isang mataas na building at hinihingal ito. Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya. Ang macho talaga ng asawa ko! Daks pa! Hahaha bonus ang istura!


"Regeneration"bumalik ang lakas ni Leo pero pinapanood lamang namin ang mga higateng nakikipag-away sa mga Zombie nilang mga kasamahan, kapag isa ang namatay ay muli itong mabubuhay at tutulong sa pagpasalang sa mga buhay na halimaw.



"Mahal? I LOVE YOU!" Out of the blue na sabi ni Leo. Lumalandi sa oras ng laban? Okay din ah.



"I LOVE YOU TOO!"syempre ako din lumingkis ang mga kamay ko sa batok niya at agad ko siyang isiniil ng halik. Puno ng pagmamahal na walang pagdududa. Hinawakan niya ang aking bewang at gumanti sa aking halik. Ang kanyang mga hawak ay nagpapadama sa akin na para bang isa akong bagay na hindi na pweding bitawan dahil sa oras na mawala ako ay tuluyan na akong hindi makikita.


Marami din kaming pinagdaanan ni Leo. May mga purong pagmamahal, pasakit at galit. Pero alam mo kung anong mas masaya? Iyong pinatawad namin ang isa't-isa at naging malaya at masaya.


Ako si Dymzion Gregory, dating multi-billionaire, naging ordinaryong mamamayan ng Marlenya at estudyante ng AmeDevie, hanggang sa maabot ang pagiging demigod of realms and twilight at ang higit sa lahat ay ang pagiging tunay na ako. At ang tungkulin kong pangalagaan ang FALLEN SANCTUARY sa mundong ko. Sa mundo ng VALIR.

FALLEN SANCTUARY [BxB] (Boyslove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon