CHAPTER XVI: HIDDEN ATRI

1K 86 0
                                    

Four days ago ng tinuruan ko silang lima ng ability mastery. At di naman ako nabigo dahil sa loob ng apat na araw, ay nahasa na nila ang mga kapangyarihan nila at pweding-pwedi na sila lumaban sa event pero hindi pa diyan natatapos ang pasabog ko! Dahil parte noon ang pag'share ko ng mga alam ko sa scientific system sa mortal world.


Si Lucas ay may kakayahan ng mag'form sa different shape of attacks and defense mechanism ng tubig at may kakayahan narin siyang e'form ang tubig sa yelo, at mas malaking amount ng tubig, mas malakas na impact na ang na develope sa kanya.

Si Pixie naman ay may kakayahan nang umatake kahit hindi pa tumitingin sa kalaban, mas malaking amount ng mga lupa at bato narin ang kaya niyang e'manipulate at basagin.

Si Luna ay may kakayahan ng tumawag ng malalaking hurricane na kayang magdala nang dalubyo, may kakayahan rin siyang bumasag ng bagay gamit ang air compression, air blade at air explosion.

Si Preya ay mas na master ang pagpapalabas mg blue flame at hindi ma'itatanggi na sa kanilang lahat mas delikadong kalabanin si Preya, si Ikarus naman ay kaya ng hawakan ang anino ng iba kahit malaking mana and stamina ang nababawas sa kanya noon ay nagagawa niya na ng matiwasay ngayon, salamat sa mga anime na napapanood ko noon sa mortal world dahil nakatulong ito para mabigyan ako ng idea about sa kapangyarihang taglay ni Ikarus.


Nandito kami ngayon sa ipinagbabawal na gubat sa likod ng school sa Greens o Berding bahagi ng AmeDevie iyon ang sabi ni Asmodeus sa akin. Noong una nagulat sila na may kakayahan akong teleportation spell (papasok sa puting usok din pagkalabas niyo nasa ibang lugar na kayo). Pero di kalauna'y na'explain ko din naman sa kanila na lahat kaya kung gawin basta gawa sa nyebe or yelo.

Yun ang pinakamalaking differences namin ni Lucas, siya ay may kakayahang mag-manipulate ako naman ay may kakayahan sa creation magic, I mean kakayahan ni Asmodeus.

Hindi ko pweding ipaalam sa kanila ang lahat lalong-lalo na ang about kay Asmodeus, dahil baka mati-ge ako ng wala sa oras kapag nalaman ng Light Kingdom ang tungkol sa sekreto ko. Isa lamang babala ang sinabi ni Asmodeus pero para sa akin isa narin itong banta.



Dito kami dinala ni Asmodeus hindi dahil sa ipinagbabawal ang lugar na ito at maraming mga halimaw pero dahil narin sa walang makakita sa mga gagawin naming taktika. Nakapaglagay narin siya ng Illusion sa paligid para hindi kami makita dito.

Kasama ko ngayon si Lucas samantalang ang apat ay kumakain ng Mcdo at Jollibee sa may malaking puno na hiniling ko kanina sa Kaserol para sana gawing meryenda at sad to say di pa nag-umpisa ang training nilantakan na ng apat ang meryenda namin.


"Ang ituturo ko sayo ngayon ay ang tinatawag nilang Blood Manipulation, Lucas. Ang bawat daloy ng dugo sa ating katawan ay may tinatawag na plasma, kung saan ito ang parte na tubig ng ating katawan, kung may kakayahan kang kontrolin ang tubig, makakaya moring kontrolin ang katawan ng may buhay"mahabang saad ko. At OO! TAMA KAYO NG HINALA! Nakuha ko ang technique na ito sa Avatar:The Legend Of Korra. Alam kong lahat ng waterbenders ay merong blood bending na kakayahan, why not si Lucas diba?



"TALAGA?! POSIBLE BA YUN?"excited at pasigaw na tanong ni Lucas, kaya napatingin ang apat sa deriksiyon namin.

"Oo Lucas, mag'umpisa na tayo"seryosong saad ko.

May nakita kaming wolf na umiinom ng tubig sa may sapa hindi kalayuan sa amin. Kaya iyon ang gagawin naming target. Sorry Wolf!





"Pakiramdaman mo ang tubig sa deriksiyon ng lobo Lucas, hindi ang tubig na iniinom nito. Kundi ang tubig na dumadaloy sa ugat nito. Wag kang mag'focus sa malakas na ragasa ng tubig Lucas, doon ka sa mahina ang takbo at maliit na daloy ng mga butil ng tubig. Iyon ang kontrolin mo" sabi ko. Since malakas na ang mind concentration ni Lucas dahil sa walang humpay na meditation na pinapagawa ko ay mas magiging madali lang ito ngayon.

FALLEN SANCTUARY [BxB] (Boyslove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon