CHAPTER XXXIII: ATTACK OF THE TITANS II

966 75 1
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Mahal ko"sa huling pagkakataon ay naisip ng prinsipe ang kanyang pinakamamahal na nilalang. Bago siya sakupin ng dilim sa bunganga ng Laestrygonian.

Habang nasa loob na ng bunganga ang prinsipe ay isang mabilis na hangin ang dumaan sa likod higanteng Laestrygonian.

Bumagsak ito sa lupa ng wala ng buhay.

Bumaba ang mga nilalang na nakasout ng teknolohiyang hindi kilala sa mundo ng Valir.

Bumaba ang kanilang pinuno mula sa kalangitan at lumapit sa bunganga ng Lestrygonian na wala ng buhay.

Hinati nito ang bunganga sa sobrang galit.

Lumabas ang prinsipe Leo na walang malay at punong-puno pa ng laway ang boung katawan nito.

Nagpapasamat naman ang pinuno sa kataas-taasan na tama lang ang oras ng kanyang pagdating dahil hindi pa nadurog ang prinsipe sa loob ng bibig ng Laestrygonian.

Sa kabilang dako, lahat ng mga kawal pati narin ang Hari ay nagulat, namangha at hindi makapaniwala sa kanilang nakikita.

Anim na nilalang na may kakaibang kasoutan na kulay itim at mga kapang itim ngunit merong salawal sa mukha upang hindi makita ang kanilang mga mukha. Inilabas ng isa sa kanila, mula sa bunganga ng Laestrygonian ang prinsipe at dinala sa malayo at ligtas na lugar.

Lumipad ang mga nilalang sa kalangitan pero hindi isang simpleng lipad lamang. Dahil may mga tali itong higit sa dalawa na may kakayahang bumaon kahit saang matataas na parte ng mga gusali at malalaking puno na pinatubo ng isang caster kanina.

Isang daan lamang ng anim sa likod ng kalaban nilang Laestrygonians ay agad itong bumabagsak at nawawalan ng buhay.

DYMZION'S POV

"F*CK YOU!!!"sigaw ko pagkatapos kong patamaan ang nape part ng isang Titan.


"P*t*ng In* mo!"rinig kong sigaw ni Pixie sa hindi malayo kasabay ng pagbagsak ng Laestrygonian sa lupa. Bawat bagsak nila ay katumbas ang pagyanig ng lupa.

*SHING



Tunog ng nagkiskisan kong blade dahil sa pagkuha ko nito sa stock malapit sa battle gears. Pinatamaan ko ng cable ang maliit na puno malapit sa akin kaya doon ako hinatak sa deriksiyon ng cable na pinatama ko sa malaking puno. Nakapatong ako sa sanga ng puno na iyon.

"TULONG!!"sigaw ng isang kawal na nakagintong balute na hawak ng isang Laestrygonian. Nag'release ako ng isang cable at pinatama sa kalapit na gusali.

Nang makalipad na ay nag'release ulit ako ng isa pang cable sa kabilang direction dahilan ng mabilis kong galaw sa hangin, nag'release ako ng pangatlong cable at mabilis na pasulong papunta sa likod ng Laestrygonian na hawak ang isang kawal.

"Ahhhhh!"sigaw ko at saka umikot sa ere na parang si Levi bago pinatamaan ang batok nito. Natumba ang Titan kaya nag'release ulit ako ng cable papunta sa mataas na gusali upang makita ko ang mga Titans.

Magbabantay ako dito kong sino ang mabibiktima habang ang mga kasama ko na ang bahalang umubos sa kanila. I will be the guard and they will be the attacker, simple strategy as that.

Nakita ko ang isang matandang lalaki na naglalabas ng liwanag na mahika at merong korona sa ulo.


ANG HARI!



Pinapalibutan siya ngayon ng tatlong Titans kaya nag'release ako ng 4 cables para mabilis na makarating sa kinaroroonan niya. Mabilis kong hiniwa ang batok ng dalawa dahil sa malapit ang nape nila sa iisang direction ng cable na narelease ko. Pinatamaan ko ang likod ng buhay na Titan at doon bumaon ang dalawang cable na narelease ko. Umikot ulit ako at pinatamaan ang batok nito.

FALLEN SANCTUARY [BxB] (Boyslove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon