XLVII: GREYGO

933 66 1
                                    

Pinahatid ako ng mga mangingisda sa kay boy pogi na hinalikan ko kanina sa pisngi sa may taniman. At hindi ito makatingin sa akin ng deretso dahil kanina ko pa ito inaasar at nalaman kong ang pangalan niya pala Boknoy. Hehehe

"Oh mahal kong Boknoy, magkikita ulit tayo diba?" tanong ko na siya namang nagpablush ulit sa kanya. Mas matangkad si Boknoy sa akin pero hindi iyon dahilan para hindi ko siya asarin.

"O-oo naman"nahihiya niyang saad kaya lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Paalam!"masaya kong pamamaalam at nagulat ako ng  may isang kabute ang biglang humila sa akin papalayo sa mahal kong si Boknoy.

"Ano ba Greygo!"reklamo ko saka nagpumiglas na useless din naman dahil sa lakas niya. Nagkakatuwaan lang naman eh!

Hindi ito nagsalita at binitawan lamang ako. Saka may kinausap na matandang hardernero sa taniman.

Napa'irap ako sa ere saka nakipagkilala sa mga gwapong Fanalis na magsasaka. Halos lahat sila may istura for goodness sake! Hindi ako magsasawang lumandi sa Bambad!

Tumulong ako kakapitas ng mga prutas at gulay sa mga magsasaka at doon ko na naman nakilala si Bado at Bilog. Mga gwapo rin sila at perfect feature rin.

Nang magpahinga kami ay masayang nagkukuwento si Bado at Bilog sa akin.

"Hahaha ako ngarin eh! Minsan na akong nakatapak ng tae at hindi ko pa naranasan na matikman ito hahaha"tawa ko. Natikman na daw kasi ni Bado ang tae noong bata pa siya dahil aksidenti siyang natisod noon.

"Sandali lang Bado at Bilog"saad ko ng mapagtanto ko na pwedi din pala akong mag'lecture about sa mga nalalaman ko sa Agricultural industry.

"Mga kasama may ipapakita ako sa inyo!"pagkuha ko ng atensyon nila. Pumunta ako sa malaking puno na kasing laki ng bahay namin hehe sobrang lapad kasi eh.

Gumawa ulit ako ng butas at unlimited stocks ng mga kagamitan sa agriculture like, sprayer, chemicals at iba pa.

Ipinaliwanag ko sa kanila ang benefit ng bawat kagamitan with demonstration na muntik ng ikadugo ng ilong ko sa sobrang makata ng mga language ko.

"Mag tiwala po kayo, magiging masagana po ang resulta ng bawat taniman dahil dito"sabi ko ng nakangiti.


"Maraming salamat Salamangkero. Kami ay labis na nagagalak na ikaw at ang iyong mga kasamahan ay napadpad sa lugar ng Bambad"pasasalamat nila saka tumayo mula sa pagkaka'upo at yumuko.

Yumuko rin ako sa kanila tanda ng aking pag'galang. Pagka'angat ko ng aking ulo ay nakita ko ang nakangiting si Greygo kaya nakatanggap ito ng 360 degree na irap sa akin.

Naglibot-libot pa kami sa taniman at sinamahan ako ni Greygo na hindi umiimik kanina pa.

"Mahal na prinsipe, mas mabuti pong huwag na kayong sumama dahil magbabadya na ang ulan"saad ng isang trabahador na may katandaan narin. Walang masisilungan sa parteng ito dahil sa lawak ng taniman ng mga pechay. Hindi naman kami makasilong sa pechay diba?

Pwedi din naman akong mag'cast ng mahika pero hangga't maari ay ayaw ko dahil baka ipaalala lang nito kay Greygo ang pagkatalo nito kahapon. Masyadong big deal sa kanya ang pagkatalo na muntik niya nang ika'depress kong hindi pa kami nag-usap kagabi.

"Huwag na, ayos lang"walang emosyon na saad nito kaya tumahimik nalang ang trabahador na sumama sa amin kanina kaya nakatanggap na naman siya ng super duper irap sa akin. Ang sungit! Concern lang naman yung tao--Fanalis eh!


Bumuhos ang ulan at pinanindigan ko talagang huwag gumamit ng mahika. Naghabolan pa kami nila Bado at nagsasabuyan ng putik na mapupulot namin. Para kaming mga kindergarten na masayang masaya dahil sa pagbuhos ng ulan without minding na magkakasakit kami after this. Sa likod namin ay ang hindi maipintang mukha ng prinsipe dahil sa lamig na dulot ng ulan.


FALLEN SANCTUARY [BxB] (Boyslove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon