CHAPTER XXVIII: DRAGON RIDERS

982 72 1
                                    

"Whooooaahhhh" sigaw ko. Napagpasyahan naming mag'train as dragon rider ng mga kaibigan ko, dahil sabi nila Eragon dapat na daw kaming masanay sa pagsakay sa kanilag likuran palagi.

Lahat kami ay nakikipag-unahan sa pagpapalipad ng aming mga bagong kaibigan sa himpapawid dito sa loob ng isla, naglibot-libot narin kami sa kabuoan nito.

Naisagawa na namin ang training, kaya napagpasyahan naman namin na maglibot-libot dito sa isla. Nakabalik narin ang mga tribu dahil ayos narin naman ang palasyo.

Sa ngayon doon kami naninirahan kasama ang bago naming mga pamilya.

'Eragon! Side Boost!'Ako. Dahil sa pagpasa ni Preya ng kaalaman niya bilang isang Nymp ay nagkaroon narin ng kaalaman ang mga dragon sa pagsasalita ng English at mas mabilis naman kaming nagkakaintindihan sa paraan na ito.

Pumagilid ng lipad si Eragon dahil sa dalawang bato na may butas sa gitna. May waterfalls din nanahuhulog sa butas ng dalawang bato. Ang sarap lang sa mata ang mga ganito kagandang tanawin.

'Dym, may ipapakita ako sa iyo'Eragon.

Hindi pa ako nakasagot ng bigla itong lumipad paitaas sa himpapawid.

"Whoooooooaahhh ang saya!!!!"sigaw kong muli. Nakita ko namang nagkakasiyahan din ang mga kaibigan ko sa ilalim. Nandito kami ni Eragon sa itaas ng ulap habang nakataas ang dalawa kong kamay at sinsubukang hawakan ang mga ulap, at ang sarap-sarap sa pakiramdam ang ganitong kapayapaan.

Sa susunod isasakay ko rin si Jack Frost dito. Malaki si Eragon namin, kasing laki lang naman ng second floor ng bahay niyo. Chars! Pero totoo!

¤¤¤

Matapos naming maglibot-libot napagdesisyonan naming pumaibaba sa palasyo at mismong nasa harapan ng palasyo kami lumapag, our dragons shift to their human form.

Halatang naging close naman agad ang mga kaibigan ko sa mga dragons nila, dahil hawig na hawig mismo ang mga ugali ng dragon nila sa behaviour nila kaya naging compatible agad sila sa isa't-isa.

Well except sa akin dahil malandi ako, pero walang kalandian cells si Eragon ko. May KO? Hahaha

Si Ikarus na sobrang seryoso at ganun din si Greg kaya naging vibes silang dalawa at kong gaano kadaldal si Pixie ganon din si Floria. Well alam niyo naman ang mga ugali ng tatlo diba? Ang Typical ProbinsyanoGuy(Lucas), Nerd Girl(Preya) at Coño na maarte Girl(Luna).

Nang'makarating kami sa dining hall ng palasyo ay agad kaming nagsi-upo kaharap ang mga dragons namin. Ako ang malapit sa Hari at si Eragon, magkaharap kaming dalawa to be exact. Sa kabilang dulo naman ang Reyna Haliya. Ngayon ko lang nalaman na she's a moon dragon pala sa kabila ng pagiging makulay niya, and the King Barde is the Worlds Serpent Dragon kung gugustuhin niya pang lumaki ng sobra, kaya niya daw e'costumize ang size niya. Natanong ko rin kong anong power ni Eragon but they told me, he has the spell casting ability. So para siyang wizard without stick dahil kaya niyang mag'cast without it. Syempre kung anong power niya! Meron din ako! Diva? Amazing?


Natapos ang masayahang kuwentuhan sa hapag ng biglang mag-open up ang hari sa akin.

"Bukas na pala ang uwi niyo Dym"nakangiting saad ng Hari kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

"Opo, at ang mga pangako ko po sa inyo ay hindi ko sisirain."sabi ko sa kanya na nagpalapad ng ngiti niya sabay baling ng tingin sa anak at sa iba pa.

FALLEN SANCTUARY [BxB] (Boyslove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon