CHAPTER I: VALIR

2.2K 119 10
                                    

DYMZION GREGORY ^☝🔝


"Ouch!" Napadaing ako dahil sa pagmanhid ng ulo ko. Parang di gumalaw ang katawan ko nang ilang araw dahil sa panghihina nito ngayon.




"Apo! Nagising na po siya!" Sigaw ng isang bata na hindi pamilyar sa akin.

Minulat ko ang aking mga mata. At hinanap kung saang parte nanggaling ang boses na narinig ko.


Bumangon ako ng paunti unti. At itinukod ang aking mga kamay sa kama.

Nilibot ko ang paningin ko sa lugar kung saan ako.

It's like kubo? Dahil narin sa mga kahoy lang ang gawa sa parte nito.

Merong isang matanda ang agad na pumasok sa loob ng bahay kubo.

May hawak itong tungkod at medyo uugod ugod na din naman si Lolo, nakasuot pa ito ng damit na parang pinaikis sa dibdib at malaking palda na pang emperador ang style, hanep! Nakatingin lang ito sa akin habang papalapit.


"Where am I?" tanong ko rito. Agad namang kumunot ang noo nito sa tanong ko.

"Hindi ko maintindihan ang iyong pananalita estranghero" saad niya sakin.

Wala ba silang basic education sa lugar nato? Dapat mag recommend sila sa Gobyerno para makapag-aral man lang ang mga batang susunod sa mga yapak nila.

"Saan po ako? At bakit po ako nandito?" Tanong ko pabalik sa kanya.

"Ikaw ay na sa lugar ng Marlenya, sa lugar ng mga Marlenyan" sagot ni Lolo. Agad napataas ang isa kong kilay dahil sa sagot nito. Sa katagal-tagal kung nag-aaral sa history class wala pa akong narinig na Marlenya.

Kinakain pa ng brain cells ko lahat ng sinasabi niya.

"Anong lahi mo, estranghero? Ikaw ba ay isang sireno? bampira? taong-lobo---" agad ko siyang pinutol, what the hell is he talking about?

"What? Saan pong parte ng bansa ito? At baki-" pinutol nito ang pagdadaldal ko.

"Ikaw ay nakapasok sa mundo ng VALIR, nakita ka ng mga mangangaso ng bayan na nakahiga sa ilalim ng malaking puno ng katotonahanan. Lagusan sa mundo ng mga mortal. Dinala ka nila rito estranghero. Noong una ang akala ko ay isa ka sa mga sireno, dahil sa iyong kakaibang kasoutan"saad niya sakin.

WHAT?!

Tinignan ko ang sarili ko, at nakitang naka Tuxedo pa ako.

Pero iba ang sout ko kagabi. Imagination lang bayon?

Bakit parang totoo?

"Ikaw ay may sugat na malalim pagkakita nila sa iyo, may nakita kaming itim na likido sa iyong sugat, at pinipigilan nito ang pagdaloy ng iyong dugo, agad ka nilang dinala sa Duwende upang gamutin ang iyong sugat. At nakita nila ito" agad niyang binigay sa akin ang isang maliit na bagay na hawak niya.

BALA?!

So totoo nga? Agad akong nalungkot sa na isip ko. Si mama.

Pinipigilan ko lang ang sarili kung maiyak dahil sa nakatingin sa akin ang batang lalaki at si Lolo.

"Kung totoo po na sa ibang dimension ako. Kung ganon po, pwedi po ba akong magpatulong sa inyo? Na bumalik sa mundo ng mga mortal?" Paki-usap ko kay Lolo.





"Hindi na nakakabalik ang mga katulad mo na nakakapasok sa mundo ng Valir estranghero. At isa pa, tanging mga may mahika lamang ang nakakapasok sa Valir, kung ganoon, pwedi ko bang malaman kung ano ang taglay mong mahika? Valiryan na nagmula sa mundo ng mga tao?" Tanong niya. Valirian? At kailan pa ako naging katulad nila? Ang alam ko nagmula ako sa pekpek ni Mama. At sperm donor ko si Papa. See? Wala namang mawawala kung Go-with-the-flow lang naman ako diba?

FALLEN SANCTUARY [BxB] (Boyslove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon