CHAPTER XXV: TRIBE

939 75 0
                                    

"Sa tingin ko gusto niyang sumakay tayo sa kanya"nakangising saad niya sa akin.

"Hindi na tayo dapat mag-aksaya pa ng oras"sabi ko kay Ikarus. Imortal ang mga kalaban namin at kahit anong gawin namin, mauubos lang ang lakas namin sa laban nato.

"Sakay sa Dragon"sigaw ko sa kanila Pixie.

"Are you sure? Baka sakmalin tayo niyan"sigaw pabalik ni Luna. Sobrang ingay kasi ng paligid dahil sa malalakas na hagupit ng hangin.

"Just follow my command"sigaw ko pabalik. Bago paman nila bitawan ang mga kapangyarihang pumipigil sa basiksik thing na yan ay gumawa na ako ng paraan para mapabagal ko sila.

Kinuha lahat ni Lucas ang mga gamit at mabilis na sumakay sa unahan ng dragon at doon isinabit sa matutulis na bagay sa likod ng leeg nito.

"Snow storm! Frostbyte! Summoning the Lich!"sunod-sunod na sigaw ko. Biglang bumagyo ng snow storm sa kinatatayuan ng mga basiksik, at binalot ulit ng yelo ang mga katawan nila. Nagsummon din ako ng mga Lich galing sa domain ni Asmodeus. Hindi ko pa kasi master ang kapangyarihan ni Halphas kaya save save din pag-may time. Medyo nawalan ako ng lakas dahil sa sunod-sunod kong pagbitaw ng mga spells. Stamina kasi ang na coconsume sa akin sa tuwing nasosobrahan ako sa pag'gamit ng powers.

Ikaw ba naman walang pahinga, galing lang kami sa pakikipagdigma sa hamog, sumunod ang takbuhan sa gubat, tas dito sa mga warkang basiksik na ito.

Tumingin ako sa likod at napagtantong nakasakay na pala ang mga kaibigan ko sa likod ng dragon at ako nalang ang kulang. Medyo nanghihina na ako pero kaya ko pa namang tumakbo. Nabasag ang mga frostbyte na ginawa ko sa mga basiksik kaya tumakbo ako ng mabilis sa kinaroroonan ng Dragon. Pilit pinipigilan ng mga Lich ang mga basiksik pero may mga nakakatagos parin upang habolin ako.


"Bilis!"Bessy.


"Paki-usap bilisan mo Master"Preya. Isa lang yan sa mga sigawan ng mga kaibigan ko mula sa likod ng dragon.

"Ahhhh!"tili ko ng ilang distansiya nalang maaabutan na ako. Biglang may apoy na dumaan sa ibabaw ng ulo ko kaya napatingin ako kay Preya. Nag-aalala ang mukha nito ganun din ang mga kaibigan ko.

Tumakbo pa ako ng mabilis hanggang sa maka'abot na ako sa kinaroroonan nila at agaran akong sumakay sa likod ng dragon.


Nasa'unahan ko si Lucas at nasa likod ko naman si Ikarus, nasa likuran naman ni Ikarus si Luna, Pixie at Preya.

Natalo na ang mga lich na nasummon ko at humina narin ang snow storm dahil sa layo ng distansiya ko.

"Lumipad kana please"sigaw ko. Mukhang naintindihan naman ito ng dragon kaya agad itong nagpagaspas ng kanyang mga pakpak.

Papalapit na ang mga basiksik ngunit agad akong gumawa ng paraan. Pinatamaan ko ang lupa ng snow ray at agad nabou ang halimaw na binuo noon ni Elsa noong pinapalayas niya si Ana sa palasyo.

Gumawa narin ako ng ice-wall para kahit papano mahirapan sila sa paglapit. Nilalabanan na ng halimaw ang mga basiksik kasabay nun ang pag-angat namin sa ere.

Umangat pa kami hanggang sa lisanin na namin ang lugar at pumaitaas na sa himpapawid.

Napahanga ako sa boung ganda ng lugar sa ibaba pero hindi parin nawawala ang kaba ko. Sumandal ako sa dibdib ni Ikarus at niyakap niya naman ako mula sa likod. Niyakap ko din si Lucas mula sa likod, kaya ang labas namin The Legal Wife, husband pala. Hokage kasi ako eh. Hehehe

Wala namang malisya sa kanila ang paglalambing ko, sa aming magbabarkada ako talaga yung malandi sa galaw pero hindi pumapatol at inaamin ko yun hehehe.

FALLEN SANCTUARY [BxB] (Boyslove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon