XLIX: SITRI

922 65 0
                                    

"Pegasi ang tawag sa kabayong iyon"paliwanag ni Greygo sa akin habang tinutulungan ko siyang mag-impake para mas mapadali. Natanong ko kasi kung anong tawag nila sa Pegasus at muntik na kaming magbangayan na hindi daw Pegasus ang tawag sa kabayong may pakpak.

"Oo na! Sabi mo eh! .....Ayan! Tapos na!" Masayang saad ko ng maipasok ko na lahat ng mga gamit niya sa bagahe. Ngumiti si Greygo at.....?

"Bakit ka kumikindat?"tanong ko sa kanya. Nagpapacute bato? Well haha. Hindi na kailangan ipaglandakan kung gaano ako kaganda.

"Palagi ko iyang ginagawa sa tuwing ako ay napapangiti ng lihim."nakangiti niyang wika na nagsampal sa akin ng katotohanan kung gaano ako ka assuming.

"Kunin mo na nga ang gamit!"naiinis kong sabi saka itinapon sa kanya ang bag.

"O? Bakit ganyan ang mukha mo?"tumayo siya saka lumapit sa akin. Nagulat pa ako ng bigla niya akong yakapin mula sa likod.

"Patawad, Oo na! Alam kong magandang lalaki lang talaga ako kaya pwedi kang kiligin ano man oras"bulong niya na nagbigay kilabot sa bou kung pagkatao.

"Sana pala yang kayabangan mo nalang ang pinaharap natin sa Harpies. Nahiya ang bagyong dala nila sa sobrang lakas ng bagyo sa kayabangan mo" gumawa ako ng teleportation spell kung saan kami magkikita. Nakayakap parin siya sa akin pero wala namang malisya sa perspective ko dahil hanggang ngayon martyr padin ako kay Leo.



"Kyah!"Bessy.


"OH MY GOSH!"sigaw ni Luna.

Sino ba namang hindi magugulat na may butiking nakayakap sa akin pagkalabas ng teleportation clouds. Pero sshhh ang gwapong butiki nito at masarap pa! Kaya nga hindi ko kinukuha pagkakayakap niya dahil bet ko naman. Papable na yan mga teh!

Inirapan ko sila Luna at Pixie, hindi naman maipinta ang mukha nila Lucas at Ikarus at alam kung ganun din ang boys na mga kaibigan namin.  Kumalas na si Greygo saka sumakay sa Pegasus niya. Nasalikod kami ngayon ng palasyo kong saan kami palaging tumatambay ni Greygo before.

Dito nakaharap ang Kanlurang bahagi ng Bambad. Si Jack naman, ay pinaliit ko gamit ang spell ko saka nilagyan ng bahay ni Barbie sa doraemon pocket. Pinaliwanag ko naman kay Jack na for his own safety naman at sinabi niyang nagtitiwala din siya sa akin. Kaya ayun! Parang nasa bahay lang si Jack.

Lumipad na ang mga dragon namin at ganun din ang Pegasus nila Nardo at Greygo na panay ngiti sa akin. May drugs ba ang mga taga'Bambad?

¤¤¤

Ilang oras na ang flight namin at kakatapos lang din namin magpahinga para kumain. Wala namang problema sa pagkain as long as I am here! What a greatest benefit.

Nag'cast narin si Luna ng Wind Run kaya napapabilis ang lipad namin. Salitan lang kami ni Luna dahil nauubos din sang stamina niya. Minsan kinakamusta ko si Jack sa loob at ang sabi niya masaya naman daw siya sa mga movies at unlimited gadgets sa loob, samahan mo pa ang unlimited food sa ref. Ginawa ko talaga iyon para sa anak ko. I have creation magic right?


Ilang araw ng paglalakbay ang lumipas halos mawalan narin ng mga pag-asa ang mga kasamahan ko ko na makita ang Sawol Collis. Si Jack naman parang ayaw ng lumabas sa mini-house na ginawa ko at nakanguso pa kapag pinapalabas ko.



Hanggang sa isang araw naka'kita kami ng isang lagusan sa malaking waterfall. Pumasok kami doon at para sana magpahinga ng hindi sinasadyang pasukin ito ni Nardo at nakakita daw umano sila ng lagusan.



FALLEN SANCTUARY [BxB] (Boyslove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon