Chapter 13

1.5K 52 3
                                    

3rd Person's POV;
"Kakain tayo dito?" Ulit ni Arkhon ng huminto sila sa isang karinderya sa gilid ng kalsada.

"Cross pwede tayo magpadelive---."

"Nagugutom na ako okay? Kagabi pa talaga ako hindi nakain." Gusot ang mukhang sagot ni Cross bago lumapit sa isang ginang at dalagitang may ari ng karinderya.

Napabuga ng hangin si Arkhon at sinara ang pintuan ng kotse bago sinundan si Cross na halos hubadan na sa tingin ng mga babae at mga baklang kasalukuyang dumadaan at kumakain sa karinderya.

"Matagal pa ba yan?" Tanong ng binata matapos ipulupot ng binata ang braso niya sa bewang ng lalaki na kinatingin ni Cross.

'Gosh.'

'Magboyfriend ba sila?'

'Aww sayang.'

'Ang gwapo nung guy.'

'Gaga pareho silang lalaki.'

'Yak.'

Tatanggalin ni Cross ang pagkakahawak ng binata ng mas hapitin pa yun ng lalaki at bumulong.

"Pag inalis mo ang kamay ko hahalikan kita ... dito mismo." Natatawang banta ng lalaki dahilan para bahagyang tumingala ang binata at tingnan ng masama si Arkhon.

"Mga pogi ito na yung order niyo." Pangiti-ngiting sambit ng ginang.

"Salamat manang." Ani ni Cross bago kinuha ang mga yun at agad naman siyang tinulungan ni Arkhon.

Pagkatapos ilagay nina Cross at Arkhon ang mga pagkain sa lamesa, sabay na umupo ang dalawa na kinatawa ni Arkhon ng mahina ng makitang agad nilantakan ni Cross ang mga pagkain.

Dahil sa hindi naman ganun kagutom si Arkhon konti lang ang kinain nito at tanging ulam lang ang kinain.

"Umalis ka nga dito ang baho mo."

"Pagkain lang po, konting pagkain lang." Ani ng batang nasa limang taong gulang.

Sobrang dumi ng bata at punit-punit ang damit.

Nakatingin lang ang binatang si Arkhon hanggang sa tumayo ito dala ang sariling pagkain.

"Oy bata." Tawag ni Arkhon sa batang babae.

"Halika dito sayo na ito." Nakangiting sambit ni Arkhon na kinakinang ng mata ng batang babae bago mabilis na lumapit sa binata at kinuha ang tray.

Umupo sa edge ng kalsada ang batang babae at kakainin nito ang mga pagkain na binigay ng lalaki ng---.

"Arkhon dito mo pakainin yung bata wag diyan." Napatingin ang lalaki ng tawagin siya ni Cross.

"Sigurado ka?" Tanong ni Arkhon na kinataas ng kilay ng binata.

"Ito na nga, psst bata tabi daw kayo nung pogi na nasa lamesa." Ani ng binata na kinatingin ng batang babae na punong-puno ang bibig.

"Tara na dun ka daw sa lamesa." Ani ni Arkhon bago tulungan ang bata na tumayo at dalhin yung tray.

"Ang gwapo naman po niyong dalawa mga artista po ba kayo?" Tanong ng batang babae na kinangiti ni Arkhon habang si Cross ay nanatiling nakatingin sa batang babae.

"Hindi kami artista, kumain kana." Nakangiting sambit ni Arkhon na agad kinatango ng batang babae bago ulit kumain.

"Ito pa ubusin mo yan." Ani ni Cross bago itulak ang isa pang tray na may pagkain.

"Wow ang dami po marami pong salamat." Nakangiting sambit ng batang babae hanggang sa mapatigil ito at tingnan ang mga pagkain.

"Anong problema? Kulang pa ba? Gusto mo kumuha---."

The Devil's LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon