Chapter 40

1.1K 34 0
                                    

3rd Person's POV;
"Arghh ang boring."

"Leader nababato na ako dito sa tambayan, hindi ba tayo pwede maglaro kahit isang beses lang."

"Habang nasa ospital pa ang leader ng redtape opportunity na natin ito para mapabagsak ang C-lite."

"Oo nga boss pati ang Sillius "

"May inaantay lang tayong dumating konting oras na lang." Nakangising sambit ng binata habang pinapaikot ang bote na hawak sa kamay.

"Sino ba leader?" Tanong ng isa sa grupo na nasa loob ng isang abandonadong gusali.

"Isang dating ... kaibigan." Nakangising sambit ng lalaki.

Hanggang sa maya-maya nakarinig sila ng ingay ng hinihila na bakal papunta sa pwesto nila.

Mula sa kadiliman may lalaki ang nakangising lumapit sa grupo nila.

Sa unang tingin para lang itong normal na teenager na walang kamuang-muang pero sa edad niyang yan ilang beses siya nagpabalik balik sa bilangguan dahil sa gulo at ilang pagpatay na ginawa ng binatilyo.

"Kuya Tristan long time no see." Nakangising sambit ng binata habang nasa balikat ang hawak na baseball bat.

"Isa sa succesor ng mga Freya." Hindi makapaniwalang sambit ng isa sa mga taong nasa loob.

"Adele Freya siya na ang bagong guardian ko at simula ngayon makakasama na natin siya sa grupo... para pabagsakin ang Redtape, Sillius at ang mga Farell." Ani ni Tristan na kinangisi ng tagapagmana matapos makipagkamay kay Tristan na ngayon ay nakangisi sa lalaki.
---
"Cross hanggang kailan ka pa ba matutulog?" Bulong ni Arkhon habang hawak ng mahigpit ang kamay ng binata.

"Hindi ka ba nahihirapang huminga o nasasaktan? Ang daming nakasaksak sa ilong at bibig mo, Cross gumising ka naman sabihin mong maging aayos ka lang lalaban ka." Ani ni Arkhon bago tinaas ang kamay ng binata at sinubsob dun ang mukha.

"Cross sabihin mong hindi yun ang huling I love you mo." Nanghihinang sambit ni Arkhon.

"Alam mo ba wala pa akong tulog nitong mga nakaraang araw? Alam ko magagalit ka pero pano ko magagawang makatulog kung sa bawat tunog ng heart monitor mo nanlalamig ako at natatakot." Parang batang pag-amin ni Arkhon.

"Cross natatakot ako, ayokong mawala ka hindi ko pa kaya. Kulang pa yung mga araw na kasama kita dahil hindi pa yun ang katapusang gusto ko." Umiiyak na sambit ni Arkhon.

Napayakap si Aila sa asawa ng marinig ang pagmamakaawa ni Arkhon sa binata na mahimbing na natutulog sa hospital bed. Araw-araw niya iyon ginagawa at umaasa na gagalaw ang binata at titingnan siya.

"Alam mo ba muntikan ko ng masuntok yung isa sa mga doctor kanina, dalawang linggo na lang daw ang itatagal mo kung h-hindi ... kung hindi sila makakahanap ng heart donor." Ani ni Arkhon bago pagak na tumawa at halikan ang kamay ng binata.

"Hindi totoo yun diba? Makakaya mo pa kahit ilang buwan hanggang sa makahanap sina tito Alvis, mabubuhay ka pa para sa ating dalawa." Ani ni Arkhon bago ngumiti habang patuloy pa din ang paglandas ng luha.

"Maaantay mo pa sila diba? Lalaban ka pa." Dagdag ng binata habang marahang hinahaplos ang buhok ng lalaki.
---
"Tangna wala tayong magawa para kay leader bwisit!" Mura ni Iggy matapos sipain ang bakal na bench na nasa labas ng kwarto ni Cross.

"Easy lang Iggy wala tayong maiisip na paraan kung pare-pareho tayo matetense." Ani ni Chase na kinamura ni Iggy.

"Easy?! Putangina Cruxx nakikita mo ba kung ilang aparatus ang nakakabit ngayon kay leader. Yung sa bawat pagtunog na lang ng putanginang heart monitor niya nagkakagulo tayo dahil sa reality na anytime darating dito si kamatayan para kuhanin sa atin si Cross." Nanggagalaiting sambit ni Iggy na kinatahimik ng Redtape.

"Sa pagsigaw-sigaw mo bang yan maililigtas niyan si Cross?" Ani ni Haru na kinakuyom ng kamao ni Iggy.

"Alam mo Haru kung meron mang may kasalanan kung bakit andito ngayon si Cross ikaw yun Haru." Ani ni Iggy na kinatingin ni Haru.

"Iggy!" Saway ni Percy.

"Bakit totoo naman diba? Kung sinabi niya agad saaatin nakagawa tayo ng paraan, nakahanap agad sana tayo ng donor ni Cross." May diing sambit ni Iggy.

"Walang may kasalanan dito Iggy guardian ni Cross si Haru natural lang na kung anong iniutos ni Cros---."

"Hindi basta guardian ni Cross si Haru! Bestfriend at childhood friend niya din si Cross, kung nag aalala talaga siya kay Cross hindi niya yun itatago sa pamilya niya at sa atin, kahit pa sabihin ni Cross wag sabihin." May paninisi na sagot ni Iggy sa pagdedepensa ni Percy kay Haru.

"Iggy tama na sumusobra kana." Saway ni Chase.

"Walang sino man sa inyo ang nakakaalam kung gaano kahalaga sakin si Cross kaya wag niyo ako husgahan na parang napakawala kong kwentang kaibigan dahil hindi ko man lang siya matulungan." Ani ni Haru bago tumalikod at umalis.

"Haru!" Tawag ni Percy na kinabuga ng hangin ni Chase.

"Hayaan niyo muna siya, magpalamig muna kayo ng ulo." Ani ni Chase.

Hindi umimik si Iggy at naglakad sa kabilang direksyon kung saan dumaan si Haru kani-kanina lang.

"Hindi na ito maganda pati ang grupo nasisira." Bulong ni Chase.

"Kung kailan kailangan tayo ng kambal sa C-lite tiyaka pa ito nangyari." Ani ni Percy na kinatingin ni Chase.

"Anong nangyari?" Tanong ni Chase.

Haru Vandatt's POV;
Matapos kong ihinto ang kotse ko sa paborito kong lugar bumaba na ako at tumingin sa paligid.

Sobrang dilim at tanging ilaw na lang ng mga poste ang nakikita ko.

Medyo napabayaan na ang lugar pero ang mga ala-ala andito pa rin, mga memories na kung bakit hanggang ngayon isa pa din akong guardian ng isang Cross Acosta.

FLASHBACK
"Haru."

Hindi ako umimik at nanatili akong nakatago sa likod ng isang malaking bato.

'Lahat na lang ng bagay na gawin ko mali para sa kanila. Bakit ba ako ang ginawa nilang prinsipe may mga kapatid pa naman akong lalaki, pumili sila ng tagapagmana na kayang abutin ang expectations nila.'

"Andiyan ka lang pala." Napaangat ako ng tingin mula sa pagkakaupo ko sa damuhan ng makita ko si Cross na nakatayo sa gilid ko.

"Anong ginagawa mo dito? Pagtatawanan mo ako dahil pinagalitan ako ng dahil sayo." Naiinis na sambit ko kay Cross.

Hindi siya umimik at lumuhod sa harap ko akala ko kung anong gagawin niya pero kinuha niya ang kamay ko at nilagyan ng bandaid ang daliri ko.

"Hindi ako hihingi ng sorry dahil trabaho mo yun bilang guardian ko." Ani ni Cross na kinagusot ng mukha ko.

"Kahit kailan napakahambog mo Acosta." Nag gigitgit na sambit ko hanggang sa salubungin niya ang tingin ko na kinatigil ko ng ilang minuto.

"Pero hindi din kita pagtatawanan dahil nagkamali ka." Dagdag ni Cross.

"Yang kamay mo ingatan mo Vandatt dahil gagamitin mo pa yan para iligtas ako at protektahan, wag mong hayaan mainfection yan o masugatan. " Ani ni Cross bago tumayo at naglakad paalis.
END OF THE FLASHBACK

Dahil sa mga salitang yun andito pa din ako, nanatili akong guardian ng isa sa Acosta.

Siya ang unang taong nag appreciate ng bagay na ginagawa ko at the same time pinaramdam na kailangan niya pa ako.

Minsan na din akong naguluhan kung ano ba talaga ang tingin sa akin ni Cross guardian o kaibigan pero sa tuwing humihingi siya sa akin ng advice at nagsasabi ng sikreto hindi ko maiwasang umasa na mas higit pa dun ang tingin niya sakin kahit alam kong imposible dahil nag eexist si Arkhon sa pagitan naming dalawa.

"Kahit minsan hindi mo ako nakikita masaya pa din ako dahil minsan mo akong nakilala." Bulong ko bago tumingin sa malaking bato at sa batang Cross na nakatalikod at naglalakad palayo.

The Devil's LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon