Chapter 36

1.1K 44 1
                                        

3rd Person's POV;
"Ano ng gagawin natin?" Tanong ni Percy kay Haru na naglalakad palabas ng building.

"Siguradong hindi tayo titigilan nina Alica hangga't hindi natin sinasabi kung nasaan sina Cross." Ani ni Iggy.

"Nung una nakaligtas tayo dahil alam natin ang schedule nung dalawa at pareho silang wala sa apartment pero ngayon tangna nakakasawa ng laging may sumusunod satin." Reklamo ni Chase.

"Anong gusto niyo sabihin natin kung nasan yung dalawa at guluhin sila ni Alica?" Ani ni Haru na kinatahimik ng tatlo.

"Ang akin lang may karapatan na si Alica lalo na at---."

"Hindi niyo ba talaga sasabihin sakin kung nasaan si Cross?" Naputol ang sasabihin ni Percy ng makitang naglalakad palapit sa kanila si Alica,Venus,Amara at ang kambal na Almeda kasunod ang magkapatid na Dela Cruz.

"Ilang beses ko ba sasabihin sa inyo na hindi namin alam kung saan sila pumunta." Pagmamatigas ni Haru.

"Haru sabihin mo na kung nasaan si Cross buntis si Alica at kailangan niya panagutan ang bata." Ani ni Amara na kinatahimik ng Redtape.

"Masisira ang mga Acosta once na lumabas ito sa media Haru kailangan natin makausap si Cross bago pa ito malaman ng mga Acosta at Asuncion." Sabat ni Cohen.

"Then go ipaalam niyo." Ani ni Iggy.

"Masaya na ngayon sina Cross at Arkhon kaya hindi kami papayag na sirain niyo yun dahil sa isang responsibilidad na si Alica ang may kasalanan." May diin na sambit ni Haru bago tingnan ang babae.

"Alica alam kong alam mo na hindi ni Cross ginusto ang nangyari sa inyo, nung una pa lang alam mo ng hindi ka gusto ni Cross pero bakit kailangan mo pa ito gawin sa sarili mo para lang mapasayo si Cross ganyan kana ba talaga kadesperada?" Ani ni Haru.

"Kuya Haru sumusobra kana yata wag mong---."

"Siguro nga desperada na ako Kuya Haru dahil kahit kuya ko na halos ibigay lahat sa akin kahit kasiyahan niya kaya kong kunin, ganun ako kadesparada kuya." Ani ni Alica matapos makipagsukatan ng tingin sa binata.

"Akin si Cross at kung kailangan ko gamitin ang bata paulit-ulit gagawin ko para mapasakin siya." Ani ni Alica bago tumalikod at umalis.

"Alica teka!" Habol ni Daphne at Amara sa dalaga habang si Venus, Dallas at ang kambal na Dela Cruz naiwan.

"Hindi kayo pwede magdesisyon sa bagay na ito Haru lalo na may bata ng involve." Ani ni Dallas.

"Kahit para sa bata hayaan niyong malaman nina Cross kuya Haru." Dagdag ni Venus.

"Alam kong alam niyo kung anong klaseng buhay meron si Cross nung mga time na ipagtabuyan siya ni Tito Cadmus at iwan siya ni Tita Astrid. Saksi ako sa lahat ng yun sana maintindihan niyo din ako kung bakit kahit alam kong mali pinagtatakpan ko pa din si Cross." Ani ni Haru na kinatahimik nina Venus ng ilang minuto.

"Ngayon na lang namin ulit nakita naging masaya si Cross at kuntento sana kahit ilang araw o buwan hayaan niyo muna siya." Ani ni Haru matapos tingnan ang kambal na Dela Cruz.

Hindi umimik sina Venus at Dallas at umalis na lang.

"Sa impluwensya niyong magkapatid alam kong madali lang sa inyo mahanap ang location nina Cross." Ani ni Haru na kinapokerface ni Creed.

"Alam namin kung nasaan siya." Bored na sagot ni Creed lalapit sina Iggy ng harangin sila ni Haru.

"Pero wag kayong mag-alala wala kaming balak sabihin sa kanila o mangialam pa." Ani ni Cohen na kinahinga ng maluwang ng Redtape.

The Devil's LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon