Arkhon Asuncion's POV;
FLASHBACK
"Cross tara na umuwi na tayo." Nakangiting yaya ko kay Cross matapos ko siyang hilahin palabas ng university.
"Bitawan mo nga ako kaya ko naman mag-isa." Sagot sakin ni Cross matapos niyang tumigil at hilahin ang kamay niya sa pagkakahawak ko.
"Alam mo ang sungit mo ikaw na nga ang sinasama---."
"Arkhon hindi ka ba sasabay samin umuwi?"
Napatingin ako sa mga classmate namin ni Cross matapos nilang tumigil sa tabi ko.
"May kasabay na kasi ako at sa kanila ako ngayon matutulog overnight." Nakangiting sambit ko.
"Oy Cross antay!" Habol ko ng makitang naglalakad na palayo si Cross.
Buong buhay ko nakasunod ako sa kanya, patuloy siyang sinasamahan at inaalalayan. Dahil alam kong kailangan niya ako ... patuloy ko siyang sinusundan sa tama o mali man yun na daan kahit dumating sa puntong maipahamak ko ang sarili ko manatili lang ako sa tabi niya dahil kaibigan niya ako at ... nangako ako.
"Cross! Ayoko umalis sabihin mo wag ako umalis dito lang ako." Umiiyak na sambit ko ng makita ko si Cross na nakaupo sa gilid ng kama.
"Kailangan mong umalis Arkhon." Sagot ni Cross na kinaguho ng mundo ko.
"Cross! Pati ba naman ikaw gusto mo akong umalis." Umiiyak na sambit matapos kong hilahin ang kwelyo niya.
Ayokong umalis, gusto ko bigyan niya ako ng dahilan para manatili isang salita lang.
"Umalis kana Arkhon." Walang buhay na sagot ni Cross matapos salubungin ang tingin ko.
"Cro---." Naputol ang sasabihin ko ng halikan niya ako sa labi.
Hindi ko alam kung ano ang halik pero minsan ng naipaliwanag yun ni mama dahil nahuli ko sila minsan ni papa at yun ang naging dahilan para suntukin ko si Cross at magalit sa kanya ng sobra.
Pumayag ako nun sa gusto ni mama at inienroll ako sa isa sa pinakamagandang school sa France. Nagkaroon ng maraming kaibigan ngunit habang pinagmamasdan ko sila hindi ko pa din maiwasang ikumpara sila kay Cross.
Lagi pa din ako nagtatanong kay papa tuwing lumalabas siya ng bansa para kausapin sina Tito Cadmus.
"After ng kasal ni Tita Astrid at Tito Cadmus mo babalik na tayo." Ani ni mama habang hinahaplos ang buhok ko.
"Ayoko mama." Sagot ko na kinatigil ni mama.
Hindi ko alam kung anong dahilan pero ayoko na ulit umalis. Ayoko ng mahati ulit sa hindi ko alam na rason.
"Arkhon aalis ka ba ulit?"
Napalingon ako kay Cross ng makita ko siya sa lugar kung saan madalas kami magkita para sabay na pumasok sa school.
"Hindi mo nanaman ako kailangan dito diba? Andiyan na ang bago mong bestfriend ... si Haru." Ani ko.
Anim na taong gulang pa din ako nun pero nakakaramdam na ako ng inis at selos dahil sa idea na ilang buwan pa lang kami nagkakahiwalay may bago na siyang bestfriend.
Ilang minuto siyang hindi nagsalita tatalikod ako ng---.
"Bakit ba lagi na lang ako naiiwan?"
Napalingon ako at napatigil ng---.
"Bakit ba lagi niyo na lang ako iniiwan?!" Sigaw sakin ni Cross na kinabato ko sa kinatatayuan.
Hindi ko alam kung anong irereact ko ng makita kong umiiyak si Cross. Bagay na hindi niya ginawa nung time na umalis si Tita, ni hindi ito nagtanong o nagsalita.
"Pareho kayo ni mama lagi niyo ako iniiwan!" Sigaw ni Cross bago tumakbo palayo.
"Cross!" Sigaw ko bago tumakbo ng madapa si Cross.
BINABASA MO ANG
The Devil's Lullaby
Fiksi Remaja●UN-Series: Gen.02 Book1: The Devil's lullaby Book2: Dancing with the Devil BxB[warning content] Prologue "Damn it! Cross, lahat na lang ba ng bagay gusto mong gawing mas komplikado?" Naiinis na sambit ng binatang si Arkhon. "Anong sinas...
