3rd Person's POV;
"Hindi namin alam kung paano namin ito ipapaliwanag kina Arkhon at Cross pag nakabalik na sila." Bulong ni Percy habang nakaupo sa pinakadulo ng upuan at nakikinig sa sermon ng pari para sa libing ni Haru."Iggy." Ani ni Chase ng tumayo ito at umalis.
Sinundan siya ni Chase at Percy hanggang sa makarating sila sa isang puno at pinugsusuntok yun ng binata."Iggy tama na." Pigil ni Chase sa kaibigan ng makitang nagdurugo na ang kamao nito sa kasusuntok.
"Sabihin mo nga Chase anong mukha ang ihaharap natin kay Cross ha? Yung dalawang taong pinakamahalaga sa kanya pareho natin hindi naprotektahan anong klase tayong mga kaibigan." Namumula ang matang sambit ni Iggy bago marahas na pinunasan ang mata at umupo sa damuhan.
"Wala na si Haru si Arkhon kasalukuyang nawawala hindi natin alam kung saan na siya napunta tapos si Cross, comatose 50/50 pa ang chance na magising siya at makasurvive." Ani ni Iggy na kinatahimik nina Percy at Chase.
"Ayos lang ba kayo?"
Napatingin ang tatlo ng dumating si Rise at Elliot kasunod si Cohen habang tulak-tulak ang wheelchair ni Creed.
"Mukha ba kaming okay?" May galit na sambit ni Iggy dahilan para takpan ni Chase ang bibig niya.
"Look andito kami para damayan kayo, concern here jerk." May inis na sambit ni Rise para sikuhin siya ng mahina ni Elliot.
"Siguro nga hindi tayo magkasundo-sundo sa ilang mga bagay, pero gusto namin sabihin na andito kami ... para sa C-lite at sa Redtape." Ani ni Cohen na kinatigil ng grupo.
"Honestly ayaw namin sa inyo kasi masyado kayong maangas at mayabang."
"Rise." Saway ni Elliot na kinakamot ng pisngi ni Rise.
"No I mean malaki pa din ang utang na loob namin sa inyo, wala si Arkhon at Cross na posible pang tumulong sa amin, pero malakas ang pakiramdam ko na kusa kayong pumunta dun para tumulong lalo na si Haru." Ani ni Rise bago umiwas ng tingin.
"Kaya nandito kami para personal na magpasalamat." Dagdag ni Elliot na kinayuko ng Redtape.
"Tama na yang pagluluksa niyo baka multuhin pa tayo dito ni Haru inuman tayo mamaya sa resthouse namin malapit dito." Yaya ni Rise.
"Nalulungkot din kami sa sinapit ni Quinn alam ko malaking dagok din yun sa pamilya niyo." Ani ni Percy.
"Gago wag mo ngang sabihin yan para mo ng pinapatay ang kapatid ko niyan, okay na siya at makakarecover natanggal na din ang bala sa ulo niya kaya---."
"Hindi pa din maiiwasan na magkaroon ng damage ang---."
"Putangina mo Iggy sagad thank you sa concern mo ah, I feel flattered tangna ka." Mura ni Rise na kinatawa nina Elliot,Creed at Cohen kahit ang natitirang Redtape na parang pinagbagsakan ng langit kani-kanina lang pinipigilang matawa dahil sa kalokohang taglay ng isa sa triplets.
---
Habang nagtatawanan ang mga binata sa hindi kalayuan tahimik na nakatingin lang ang grupuhan ng blacksphere na dumating din sa burol at kinancel lahat ng flight, appointments at meeting para sa binatang tinuring na din nilang mga anak."Ngayon naniniwala na ako sa kung anong pinunla yun din ang aanihin." Basag ni Alvis na kinatingin sa kanya ng mga lalaki.
"Lahat ng bagay na sa tingin natin tama ginawa na natin para sa kanila." Ani ni Alvis bago naiiling na tumingin sa kawalan.
"Pero pakiramdam ko kulang pa din." Dagdag ng binata.
"Hindi ko na nga alam kung saan tayo nagkulang." Natatawang sambit ni Brian na puno ng sama ng loob.
BINABASA MO ANG
The Devil's Lullaby
Teen Fiction●UN-Series: Gen.02 Book1: The Devil's lullaby Book2: Dancing with the Devil BxB[warning content] Prologue "Damn it! Cross, lahat na lang ba ng bagay gusto mong gawing mas komplikado?" Naiinis na sambit ng binatang si Arkhon. "Anong sinas...