3rd Person's POV;
"Room 402"
Matapos makuha ng binata ang card key pokerface na naglakad papasok ang binata.
Sumakay ito sa elevator hanggang sa makarating siya sa 12th floor at saktong pagbukas ng elevator hindi na nagulat ang binata ng walang kahit na sino ang nanduon.
Tahimik lang ang binata hanggang sa tumapat siya sa isang pinto at buksan gamit ang isang card key.
Cross Acosta's POV;
"Hindi ko alam kung anong nangyayari pero malakas ang kutob ko na may tinatago ka sakin." Panimula ko matapos kong huminto sa living room ng makita ko si Dad na nakatayo sa harap ng glasswall at nakatalikod sakin.
"Kahit gaano ka kalayo nagagawa ka pa din protektahan ng ina mo." Bulong ni Dad na kinabato ko sa kinatatayuan.
"Binabantayan niya pa din tayo sa kabila ng mga nangyayari." Dagdag ni dad.
"Anong kinalaman ni mama dito?" Tanong ko na kinatahimik ni dad ng ilang minuto.
"Bilang lalaking anak ng isang succesor ng Trijo at Acosta ... isa yung sumpa para sa side ng iyong ina." Ani ni Dad.
"Yun ang dahilan kung bakit kailangan kita pabayaan at ilayo ang sarili ko sayo. Kailangan kong tanggalin ang karapatan mo bilang Acosta para mabuhay ka."
"Si mama kaya niya ba tayo iniwan?" Hindi makapaniwalang sambit ko.
"Bakit ka pumayag? Kung pagdating sa impluwensya at lakas kayang kaya niyo ang Trijo bakit kailangan mong isakripisyo si mama. Bakit hinayaan niyo ako magalit sa inyo ng mahabang panahon kung pati din kayo nagdudusa." Nanggagalaiting sambit ko.
"Ang buhay punong puno ng sakripisyo Cross ... at nagkataon na kayong mga anak namin ni Astrid ang mas mahalaga sa kung anong mga bagay na meron kaming dalawa." Ani ni dad na kinatigil ko.
"Kaya kong ipaglaban ang ina mo hanggang kamatayan Cross, kayang kaya ko kahit isuko ko pa ang pagiging Acosta gagawin ko." Dagdag ni dad bago humarap sakin at salubungin ang tingin ko.
"Pero hindi ako binigyan ng pagkakataon ng tadhana para ipaglaban si Astrid dahil buhay ka at ang kambal na nasa sinapupunan ng iyong ina. Bunga ng pagmamahalan naming dalawa na hindi mapapantayan ng kayamanan,pangalan at impluwensya."
"Dad." Bulong ko.
"B-Bakit ngayon niyo lang sinabi na ganito? Anak niyo din ako pero bakit hinayaan niyong kamuhian kayo at isipin na pinabayaan niyo ako." Nanginginig na tanong ko na kinalambot ng expression ni dad.
"Dahil hindi ka pa handa Cross." Ani ni dad.
"Hindi pa din ako handa ngayon! Gulong gulo na ako!" Bulyaw ko kay dad na kinatawa ng mahina ni dad.
"Anong nakakatawa." Nanggagalaiting sambit ko.
"Handa kana dahil nagawa mo ng magdesisyon ng hindi kinakailangan ang iba." Ani ni dad.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko na kinailing ni dad bago tumalikod at tingnan ang buong city.
"Malakas ang loob mo Cross katulad ng iyong ina, nakuha mo din ang talino naming dalawa pati na din ang ugali ko." Ani ni dad.
"Ngunit katulad ng inaasahan sa batang hindi napatnubayan ng magulang kahit gaano pa kaganda ang kanyang pagkahulma hindi pa din yun sapat kung binubuo ng batang yun ang sarili niya mag isa." Dagdag ni dad na kinatahimik ko.
Simula ng mawala si mama lagi na nung wala si dad, nawala na din ang closeness namin nun at unti unting lumayo ang loob ko sa kanya. Napuno ako ng galit kay dad lalo na ng malaman kong hinayaan lang ni dad na ilayo samin si mama.
BINABASA MO ANG
The Devil's Lullaby
Roman pour Adolescents●UN-Series: Gen.02 Book1: The Devil's lullaby Book2: Dancing with the Devil BxB[warning content] Prologue "Damn it! Cross, lahat na lang ba ng bagay gusto mong gawing mas komplikado?" Naiinis na sambit ng binatang si Arkhon. "Anong sinas...
