Chapter 46

1.3K 42 1
                                        

3rd Person's POV;
"Ano?! Sa susunod pang araw ang supply?!" Sigaw ni Cherry habang kausap ang isa sa mga doctor ni Cross.

"Doc limit lang ang supply ng heart donor natin at galing pa yun sa ibang bansa kaya---."

"Anong gagawin natin pag aantayin niyo ang pasyente!" Sigaw ng babae hanggang sa---.

"Cherry! Si Cross!" Sigaw ni Aila mula sa loob ng kwarto na naging dahilan para nagmamadaling pumasok sa loob ang mga doctor kasama si Cherry.

"Cross!" Sigaw ni Cherry ng makitang huminto nanaman ang heartbeat ng binata.

"Cherry si Cross." Nag aalalang sambit ni Aila habang nakayakap kay Cherry at naiiyak na nakatingin kay Cross na pilit nirerevived ng mga doctor.

"Ano na lang ang ihaharap ko kay Astrid pag may nangyari sa anak niya." Umiiyak na sambit ni Aila ng ilang segundo na ang lumipas pero hindi pa din bumabalik ang heartbeat ng binata.
---
"Hindi ba talaga nila ako titigilan?" Nanggagalaiting sambit ni Arkhon ng makita ang mga kotseng kasunod.

Imbis bagalan dahil fullspeed na mas binilisan pa yun ng lalaki para iwasan ang mga humahabol sa kanya.

*riiiing*

Hindi pinansin ng binata ang pagring ng phone niya ng makitang ang ina yun.

Naka 5 missedcall na ang babae pero hinayaan lang yun ng binata hanggang sa---.

Tita Cherry's calling...

Nang mabasa yun ng binata mabilis nitong kinuha ang phone sa dashboard at saktong pagbukas nito ang pagbangga ng isa sa mga kotse sa sasakyan niya dahil dito nabitawan nito ang phone at---.

["A-Arkhon kailangan mo ng bumalik dito *sob*  w-wala na si Cross A-Arkhon, Wala na siya."] Umiiyak na sambit ng ginang.
Kasunod ng pagtahimik ng paligid at pagkawala ni Arkhon sa sarili ang paglamon ng liwanag sa kanyang paligid.

"Yung kotse mababangga!"

"Yung kotse!"

Hiyaw ng mga tao ng makita ang pagsalubong ng kotse ni Arkhon sa isang 6 wheeler truck.

Kasunod ng malakas na tunog ang ingay ng dalawang ambulansya na ngayon ay tumatakbo papunta sa ospital kung saan nakaconfine si Cross.

"Haru! Gumising ka!" Sigaw ni Iggy hanggang sa magmulat ng mata si Haru at tingnan ang mga kaibigan.

"Sabihin niyo mabubuhay pa ang kaibigan ko diba?!" Sigaw ni Percy ng makita ang bahagyang pagtigil ng mga nurse sa pagcheck sa sugat ng lalaki.

"Masyadong malalim ang sugat---."

"Oo lang ang inaantay kong sagot sabihin ni---."

"P-Percy." Bulong ni Haru na kinatigil ng Redtape.

"N-Nanghihina n-na ako." Bulong ni Haru na kinatigil ng Redtape.

"H-Hindi ko n-na maramdaman ang katawan ko." Nahihirapang bulong ni Haru.

"Haru mabubuhay ka tangna hindi ka mamatay malapit na tayo sa ospital!" Sigaw ni Iggy na namumula ang mga mata dahil kanina pa din ito umiiyak dahil para na nilang nakakatandang kapatid ang lalaki.

"M-May gusto l-lang sana ako hilingin sa inyo." Bulong ni Haru.

"Haru putangina ka pag lastwill yan hindi---."

"Please P-Percy."
--
Hindi magkauga-ugaga ang mga doctor at mga nurse lalo na ang mga media na nasa labas ng ospital na ngayon ay nagkakagulo dahil sa mga lalaking sabay-sabay dumating na kilala sa mundo ng business. Mga lalaking kinakatakutan sa larangan ng industriya, hinahangaan at galing sa makapangyarihang pamilya.

The Devil's LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon