3rd Person's POV;
"Okay lang ba na pumunta ka sa ganun na party?" Bulong ni Arkhon habang nakayakap sa bewang ni Cross na ngayon ay nakadapa sa kama at hinahabol ang hininga.
"Minsan lang yun at andun ka." Sagot ni Cross matapos imulat ang mata at lingunin si Arkhon na hinahalikan ang batok niya.
"Kung ayaw mo pumunta ako na lang bahala mag explain kay boss." Ani ni Arkhon matapos medyo lumayo ng umikot si Cross pahiga.
"Nah ayos lang." Sagot ni Cross matapos kapain ang itaas ng study table at kuhanin ang kaha ng sigarilyo.
"Kinokontak ka pa ba ng Redtape? After ng kasal parang hindi ko na sila nakita." Ani ni Arkhon nang sumandal sa headboard ng kama si Cross at humithit ng sigarilyo.
"Pupunta mga yun kung hindi busy." Ani ni Cross matapos dumapa ulit ni Arkhon at sumubsob tiyan ng binata.
Habang humihithit ng sigarilyo marahang hinahaplos ng binata ang buhok ng lalaki matapos nito maramdaman ang bahagyang pagbigat ng hininga ng asawa.
---
"Arkhon." Inaantok na tawag ni Cross matapos siyang bumangon na maliwanag na at wala sa tabi ang asawa.
"Babe handa na ang breakfast." Ani ni Arkhon pagbukas ng pinto at lumapit sa kama ng lalaki.
"Sorry tinanghali ako ng gising." Ani ni Cross habang kinukusot ang mata at halikan siya ni Arkhon sa labi.
"Maligo kana may exam ka pa, ako na maghahanda ng uniform mo besides wala naman kami pasok ngayon." Ani ni Arkhon nang tumayo si Cross na hindi alintana na hubad siya.
"Pahanda na din ng susuutin ko mamaya ayokong pumunta sa inyo ng naka uniform." Inaantok na sambit ni Cross habang naglalakad papasok ng bathroom.
Nang marinig ng binata ang lagaslas ng tubig tumayo na din si Arkhon at lumapit sa walking closet nila ni Cross.
Isa-isang pinatong ni Arkhon ang mga susuutin ng binata pagkatapos nun humakbang si Arkhon palapit sa study table at buksan ang maliit na cabinet para maglagay ng ilang mint sa bulsa ni Cross.
"Wala ng mint si Cross mamaya nga makabili." Ani ni Arkhon matapos kuhanin ang tatlong lalagyan ng natitirang mint.
Isasara na nito ang cabinet ng mapansin nito ang dating sim ng phone.
"Kinokontak kaya ako ni mama." Nagpalit pala ako ng number." Ani ng binata bago kinuha yung phone sa bulsa at isalpak ulit ang sim.
Habang inaantay na magopen ang phone niya pinatong niya muna yun sa table at humakbang pabalik sa kama at ilagay ang tatlong lalagyan ng mint sa uniform ni Cross at sa susuutin nito sa party.
*bzzzt*
*bzzzt*
*bzzzt*
Napatingin si Arkhon sa study table ng sobrang daming message ang natanggap niya.
"Arkhon tumutunog ang phone mo." Ani ni Cross pagkatapos nito lumabas sa bathroom.
"Sinalpak ko kasi yung dati kong sim nawala sa isip ko na yun lang ang alam nina mama na phone number ko." Sagot ni Arkhon matapos humakbang palapit sa study table at damputin ang phone niya.
72 unknown numbers
4 mama
102 Alica
"Si Alica." Bulong ni Arkhon hanggang sa pumasok sa isip nito ang mga sinabi ng dalaga nung huli sila magkita.
Mama:
Anak kamusta kana?
Mama:
Anak pagpasensyahan mo na ang papa mo kapakanan lang ng pamilya ang iniisip niya.
Mama:
Anak mag iingat ka palagi I love you and I'm proud of you baby.
Mama:
Take care your self minsan dumalaw ka dito bukas pa din ang bahay natin para sayo.
BINABASA MO ANG
The Devil's Lullaby
Teen Fiction●UN-Series: Gen.02 Book1: The Devil's lullaby Book2: Dancing with the Devil BxB[warning content] Prologue "Damn it! Cross, lahat na lang ba ng bagay gusto mong gawing mas komplikado?" Naiinis na sambit ng binatang si Arkhon. "Anong sinas...
