3rd Person's POV;
"Go Cross!" Cheer ni Alica habang pinapanood ang pagpapractice ng team ni Cross para sa nalalapit na laban ng Sillius at C-lite.
"Captain! Wag mo naman masyadong galingan pahawak naman sa bola!" Sigaw ng isa sa mga kateam ng binata na kinatawa ng miyembro ng Redtape na nakatayo lang naman sa loob ng court at tanging si Cross lang ang lumalaban.
Kumpara sa binata doble ang laki ng mga ito kaysa sa kanya pero sa bilis at experience walang laban ang mga ito kaya napapailing na lang si Cross tuwing nalalampasan niya ang mga ito at nakakashoot.
'Gosh Alica ang swerte mo sa bf mo gwapo,matalino at sobrang galing pa sa sports.'
"Hindi ko siya magugustuhan kung hindi siya ganun noh." Proud na sambit ng babae ng---.
"Magiging ganyan pa din kaya kataas ang confident mo sa boyfriend mo pag nalaman mo ang nakakahiyang sekreto niya." Natatawang sambit ng isa sa grupuhang nasa likuran ng mga babae.
"Sino ka naman?" Nakataas ang kilay na tanong ni Alica ng makita ang mga lalaki sa likuran nila.
"Bilis mo naman yata makalimot Alica." Sagot ng lalaki habang nakangisi at makipagsukatan ng tingin kay Alica.
"Tara na girl ang creepy nila." Yaya ng isa sa mga kaibigan ng babae.
"Alica." Napatingin ang mga babae ng tawagin ni Cross si Alica.
"Tara na." Yaya ni Alica sa mga kaibigan bago tumayo at lumapit kina Cross.
Napangisi ang binata ng magtama ang mata nila ni Cross na ngayon ay nakapako ang tingin sa kanila.
Hindi nagpakita ng emosyon si Cross na kinawala ng ngiti ng lalaki matapos nito tumalikod kasunod ang grupo at sina Alica.
---
"Mabuti pa Arkhon umuwi na tayo." Ani ni Cross matapos nito pumasok sa opisina ng binata na kasalukuyang kaharap ang laptop.
"Cross mauna kana madami pa kasi akong gagawin." Ani ni Arkhon habang nagtitipa at---.
"Cross." Ani ni Arkhon ng isara ni Cross ang laptop ng lalaki at alanganing itinaas ang tingin para salubungin ang mata ni Cross na masama ang tingin sa kanya.
"Pinagbigyan na kita ng straight 4 days Arkhon at tama na yun para sa linggo na ito." Ani ni Cross na kinatawa ng mahina ni Percy ng makita ang pagkamot ni Arkhon sa ulo.
"Cross kailangan ko ito tapusin malapit na ang school fes--- saan ka pupunta?" Tanong ni Arkhon ng talikuran siya ni Cross at nakapamulsahang naglakad palapit sa pinto kung nasaan si Haru at Percy.
"Susunugin ko ang mga booths sa baba para wala ng schoolfest na mangyayari, wala ka ng gagawin at makapagpahinga ka." Bored na sagot ni Cross.
"What the heck." Mura ni Percy ng makitang mukhang seryoso si Cross at talagang inabutan ni Haru ng lighter ang binata.
"Cross! Teka ito na nga uuwi na, sino bang may sabi na hindi ako magpapahinga." Habol ni Arkhon kay Cross at hawakan ang kamay ng binata.
"Ito na uuwi na." Ani ni Arkhon na kinangisi ni Haru.
"Under." Bulong ni Haru.
"May sinasabi ka Vandatt? =_=." Tanong ni Arkhon na kinataas ng gilid ng labi ng lalaki.
Sabay lumabas ang dalawa habang kinukulit naman ni Arkhon si Cross.
"Wala ka ba talagang balak umamin kay Cross Haru?" Tanong ni Percy habang nakatingin kay Haru na nagsisindi ng sigarilyo.
"Ano namang aaminin ko?" Tanong ni Haru bago binuksan ang pinto at lumabas kasunod si Percy.
"Yung nararamdaman mo sa kanya, I mean hindi naman---."
"Ayoko ng gawin na mas komplikado ang buhay ni Cross Percy, dahil mas kuntento na ako sa ganito masakit man sakin na makitang masaya siya sa iba ang mahalaga habang buhay ko siyang makasama, kahit bilang kaibigan lang." Ani ni Haru habang nakatingin sa dalawang tao na naglalakad palayo.
BINABASA MO ANG
The Devil's Lullaby
Teen Fiction●UN-Series: Gen.02 Book1: The Devil's lullaby Book2: Dancing with the Devil BxB[warning content] Prologue "Damn it! Cross, lahat na lang ba ng bagay gusto mong gawing mas komplikado?" Naiinis na sambit ng binatang si Arkhon. "Anong sinas...
