3rd Person's POV;
'Cross uuwi kana?''Cross may girlfriend kana?'
Hindi sila pinansin ng binata at balewala lang nilampasan ang mga babaeng sinusubukan siyang kausapin hanggang sa---.
"Cross." Napatigil ang binata sa paglalakad ng may batang babae ang humarang sa kanya.
"Marry me bagay naman tayo maganda ako tapos pogi ka." Prangkang sambit ng batang babae na kinatikhim ng binata para maiwasang matawa.
"Masyado ka pang bata para sa kasal na yan." Ani ng lalaki bago lumuhod sa harapan ng bata at pinakita ang kaliwang kamay.
"Kasal na din ako." Nakangiting anunsyo ng binata na kinalaki ng mata ng batang babae.
"No! Nagsisinungaling---."
"Coco kanina pa tayo hinahanap ni mommy." Napatingin si Cross at ang batang babae sa batang napatigil sandali ng makita ang dalawa.
"Coco! Callisto!"
"Hala si mommy!" Ani ng batang babae bago humarap ulit kay Cross.
"Hindi ako maniniwalang you married na dahil hindi pa tayo nagpapakasal hmmp." Pagmamaldita ng batang babae bago nanakbo paalis.
'Ibang klase ang batang yun.'
'Anak yun ni teacher Cath diba?'
Matapos tumayo ni Cross tiningnan nito ang batang lalaki na iba ang tingin sa kanya.
---
Nang makalabas sa building ang binata bahagya nitong hinilot ang batok ng makaramdam siya ng pangangalay.Palabas na sana ito ng gate kasabay ang ilang estudyante ng---.
"Hoy Salves."
Napatigil si Cross sa paglalakad ng harangin siya ng mga kaklaseng lalaki.
"Anong kailangan niyo?" Bored na tanong ni Cross.
"Wala naman gusto lang namin makipagkamustahan sayo since ng hindi ka namin naiwelcome dito nung first day mo." Nakangising sambit ng isa sa mga lalaki.
"Wag na kayo mag abala dahil wala naman may interesado sa inyo." Sagot ni Cross na kinadilim ng anyo ng lalaki.
"Gago ka ah! Anong gusto mo gulo?!" Bulyaw ng lalaki matapos hilahin ang kwelyo ni Cross.
"Ang yabang mo, akala mo naman kung sino ka." Inis na sambit ng isa sa grupo.
"Ayokong makasuhan ng animal abuse dahil sa inyo." Banat ni Cross na---.
'Ahhh oy tama na yan!'
Hindi natinag si Cross ng suntukin siya sa mukha na dahilan para dumugo ang gilid ng lalaki.
"Tangna mo ang angas mo ah!"
Susugurin siya ng grupo ng mga lalaki ng may sumalo sa suntok ng isa sa mga ito na kinatigil ng mga binata."Hoy tama na yan." Saway ni Nhate matapos lapitan si Arkhon na nasa pagitan ng grupo at ni Cross.
"Aaah!" Sigaw ng lalaki nang higpitan ni Arkhon ang hawak sa kamay at itulak pabalik sa mga kaklase.
"Kung ayaw niyong umalis dito ng gumagapang tumakbo na kayo." Madilim ang anyong sambit ni Arkhon na naging dahilan para tumakbo paalis ang mga lalaki.
"Ayos ka lang?" Tanong ni Arkhon matapos lapitan si Cross at icheck ang maliit na cut sa labi ng binata.
"Para lang may sumuntok sakin na bata." Pokerface na sagot ng binata matapos hawakan ang kamay ni Arkhon at humakbang palabas.
'Kyaah!sino yung guy ang gwapo.'
Dahil sa may mga kumukuha ng litrato kay Arkhon naiiling na tinaas ni Arkhon ang hood at hinawakan ulit ang kamay ni Cross.
BINABASA MO ANG
The Devil's Lullaby
Teen Fiction●UN-Series: Gen.02 Book1: The Devil's lullaby Book2: Dancing with the Devil BxB[warning content] Prologue "Damn it! Cross, lahat na lang ba ng bagay gusto mong gawing mas komplikado?" Naiinis na sambit ng binatang si Arkhon. "Anong sinas...