Chapter 15

1.5K 51 0
                                    

Cross Acosta's POV;
"Mukhang malalim iniisip mo."

"Kanina ka pa ba?" Walang buhay na tanong ko ng maramdaman kong umupo si Haru sa tabi ko at humiga.

"Since ng dumating ka dito." Sagot ni Haru.
Hindi na ako umimik dahil lagi naman siyang nakabuntot sakin except pag wala sa paligid ko si Arkhon.

"Tama ba ginagawa ko Haru?" Out of the blue na tanong ko.

Hindi ko alam kung bakit ko naitanong yun pero recently napapansin kong parang nawawala na ako sa lugar.

Hindi ko na makita kung tama o mali pa ang ginagawa ko basta makasama ko lang si Arkhon.

"Hindi ko alam kung saan ako magugulat sa tinanong mo ang opinyon ko o sa reality na hindi ka aware sa kung anong ginagawa mo this past few days." Ani ni Haru na kinapikit ko ng madiin bago naiinis na iniuntog ang likod ng ulo ko sa katawan ng puno.

"Wala namang mali kung gusto mo lang maging masaya." Ani ni Haru na kinatingin ko.

"Ikaw Cross handa ka ba harapin lahat ng consequence ng ginawa mo?" Tanong ni Haru bago humilig at tingnan ako.

"Mahirap gumawa ng daan sa konkreto ang bato at may tuyo na lupa ... handa ka bang masaktan at maghirap para lang sa ikakasaya niyong dalawa na hindi inaalala ang iba?" Dagdag ni Haru na kinatingin ko sa kalangitan.

"Kilala mo ako Haru lahat ng bagay kaya kong gawin kung gugustuhin ko, wala akong pakialam sa sasabihin ng iba o itakwil ako ni papa." Ani ko ng---.

"Paano si Arkhon? Kaya mo bang makita siyang magdusa para lang sa inyong dalawa?" Tanong ni Haru na kinatigil ko.

"Wag mong sabihing wala kang pakialam sa iba Cross dahil alam nating dalawa na ang word na 'iba' excempted dun si Arkhon."

Arkhon Asuncion's POV;
"Natapos din." Bulong ko habang iniistretch ang braso ko ng makalabas ako ng student council office para umattend ng klase.

'Nakakapagod din minsan maging student council at the same time student. Kailangan mong sabay gawin ang responsibilidad at wala kang choice.'

'Hi president.'

'Gosh ang gwapo talaga ni president.'

Naglalakad ako sa hallway pababa ng makakita ako ng dalawang lalaki na naka Blue na uniform kaedaran nina Venus.

"Creed at Cohen anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko ng makita ko ang dalawang Dela Cruz.

"Tss bakit masama bang pumunta dito?" Nakataas ang kilay na sagot ni Cohen bago nakapamulsahang pinasadahan ako ng tingin.

"Hindi ka man lang tumangkad Arkhon." Ani ni Cohen na kinapokerface ko.

"Abnormal lang talaga ang height niyong dalawa." Sagot ko bago sila lampasan.

Mga highschool student lang sila pero hindi mapaghahalataan kung hindi lang sa uniform nila. Masyado na kasing matured ang pangangatawan nila kumpara sa mga kaedaran lang nila.

"Ang layo ng building niyo mula dito, siguradong hindi kayo magsasayang ng oras pumunta dito kung dadalaw lang naman kayo at bitbit mo pa si Creed." Ani ko.

Sa magkakapatid na Dela Cruz si Creed lang talaga ang hindi mahiwalay kay Cohen. Hindi naman anti social si Cohen at tamad pero nahihila siya ni Creed para mag stay sa iisang lugar.

"Pinakiusapan kasi kami nina Dallas at Daphne kung pwede daw kami muna ang pumalit sa kanila bilang SC members at iassist ka. Biglaan daw kasi sila pinatawag ni Tito Dwayne." Ani ni Cohen na kinalingon ko.

"Kaya ba tatlong araw na sila hindi pumapasok?" Tanong ko.

"Himalang nakita ko kayong dalawa na pakalat-kalat."

The Devil's LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon