3rd Person's POV;
"Sira na ba ang ulo mo Acosta? Sa blackmarket ka kukuha?" Hindi makapaniwalang sambit ni Alvis habang nakatingin sa lalaki."We don't have any choice Almeda hindi ko hahayaan mamatay ang anak ko." May diin na sambit ni Cadmus.
"Ilang taon ang magiging contract mo niyan sa Underground Cadmus at magkakaroon ito ng epekto sa image ng---."
"Sa tingin mo may pakialam pa ako diyan Santos." Putol ni Cadmus na kinatinginan ng blacksphere.
"Hindi mapagkakatiwalaan ang underground Cadmus." Ani ni Brian na kinapikit ng madiin ni Cadmus.
"Yeah hindi natin alam ang mga patakaran sa underground, hindi tayo pwede basta magtiwala sa mga taong nanduon." Dagdag ni Angelo Roqas habang inaayos ang suot nitong salamin.
"Diba nagkaroon ng connection ang grupo niyo dun minsan? Siguradong kahit papano may kakilala kayo dun." Ani ni Brian sa lalaking katabi.
"Ang masasabi ko lang binubuo ang underground ng mga nakakatakot at makapangyarihang tao sa buong mundo. Isa sa mga nilalang na yun ang magkakapatid na Zoldic." Ani ni Angelo na kinangiwi ng mga binata.
"Hindi maganda ang nababasa ko tungkol sa magkakapatid na yan Acosta." Ani ni Venedict na kinatingin ni Cadmus.
"Kung sa blackmarket lang ako makakahanap ng donor wala na akong pakialam." Ani ni Cadmus na kinatinginan ng blacksphere.
---
"Tita hindi ko maintindihan sabi niyo gagaling si Cross diba? Sabi niyo hindi ganun kadelikado ang sakit ni Cross kung ipagpapatuloy niya ang medication niya." Ani ni Arkhon ng pumasok sa kwarto si Cherry na nakadoctor uniform."Arkhon sa 20% na mga pasyenteng may Congenital heart defects isa si Cross sa 2% na pasyenteng mabilis na nagblock ang mga veins at vessels sa edad na 22. Karaniwan sa mga pasyenteng may CHD lumalabas ang symptoms sa edad na 35 at nadadala pa yun ng mga therapy at gamot." Ani ni Cherry na kinakuyom ng kamao ni Arkhon bago naiinis na sumubsob sa gilid ng kama.
"Kung ibibigay ko ba ang puso ko mabubuhay si Cross?" Bulong ni Arkhon na---.
"Arkhon! Ano ba yang naiisip mo?!" Sigaw ng ina nitong si Aila matapos marinig ang sinabi ng anak.
"Sissy calm down frustrate lang ang anak mo." Ani ni Cherry matapos hawakan ang braso ni Aila.
"Ma wala akong magawa para kay Cross." Sumbong ni Arkhon habang nakasubsob sa gilid ng kama at pilit na pinapakalma ang sarili.
"Tuwing nakikita ko siyang ganito para akong pinipiga sa sobrang sakit at sa sobrang bigat sa pakiramdam." Umiiyak na sambit ni Arkhon hanggang sa---.
Napatigil si Aila at Cherry ng makita nilang mag-angat ng kamay ang binata at marahang haplusin ang ulo ni Arkhon.
"C-Cross." Hindi makapaniwalang sambit ni Arkhon ng makitang gising na si Cross.
Ibubuka ng binata ang bibig ng umiling si Arkhon at hinawakan ang kamay ng binata.
"W-Wag ka ng magsalita." Bulong ni Arkhon bago pinunasan ang pisngi at ngumiti.
"Ayos lang ako." Pilit ang tawang sambit ni Arkhon pero hindi nakinig si Cross at---.
"Cross! Wag mong tanggalin yan!" Sigaw ni Cherry ng tanggalin ni Cross ang oxygen na kinatayo ni Arkhon.
"Cross ibalik mo ya---."
"A-A-Ayokong u-umiiyak ka." Pilit na salitang sambit ni Cross na kinatigil ni Arkhon.
Bumibigat ang hininga ni Cross kaya kinuha yun ni Cherry at kinabit ulit yun sa mukha ng binata.

BINABASA MO ANG
The Devil's Lullaby
Teen Fiction●UN-Series: Gen.02 Book1: The Devil's lullaby Book2: Dancing with the Devil BxB[warning content] Prologue "Damn it! Cross, lahat na lang ba ng bagay gusto mong gawing mas komplikado?" Naiinis na sambit ng binatang si Arkhon. "Anong sinas...