3rd Person's POV;
"Saan ka pupunta Alica?" Tanong ni Venus kay Alica ng matapos ang klase mabilis nitong kinuha ang mga gamit sa lamesa.
"Kay Cross hihi wala silang prof ngayon kaya siguradong nasa gym sila ngayon."
"Ano ka ba naman Venus parang hindi kana diyan nasanay kay Alica umiikot na lang yata ang mundo niyan sa pag buntot- buntot kay Kuya Cross." Ani ni Amara.
"Kala mo naman kasi magugustuhan siya ni Cross." Sabat ni Valliant na prenteng nakaupo sa likurang bahagi ng classroom.
"Wag ka ngang epal Valliant hindi naman ikaw ang kausap." Singhal ni Amara.
"Nagsasabi lang ng totoo si Val, hindi ka ba naaawa sa sarili mo pinagmumukha ka lang aso ni Cross." Natatawang sambit ni Dreame na kinatayo nina Amara at Daphne.
"Ano ba kasing alam mo sa nararamdaman ni Alica!" Susugudin nina Amara ang kambal na Riego ng pigilan sila ni Venus.
"Wag niyo ng patulan." Ani ni Venus.
"Sino ka para sabihin yan? Gusto ako ni Cross." Singhal ni Alica sa kambal ni Riego na kinangiti ng dalawang babae matapos magwalk out ni Alica.
"Alica!wait!"
Sigaw nina Amara bago habulin si Alica papalabas ng classroom.
---
"Cross!"
Napatigil ang Redtape at si Cross na papalabas ng classroom ng makita si Alica na naiiyak na lumapit sa kanya at yumakap.
"Anong problema?" Tanong ni Cross matapos siyang tingalain ni Alica at tingnan sa mata.
"Tell me Cross gusto mo ako diba? Mahal mo ako." Nangingilid ang luhang sambit ni Alica.
"Ano bang sinasabi mo Alica?" Ani ni Cross.
"Sagutin mo ako Cross! Mahal ko ako diba?" Mataas ang boses na sambit ni Alica na kinabulungan ng mga kaschoolmate nila at kasalukuyang nakikusyoso sa kanila.
'Wag mong sasaktan ang kapatid ko Cross.'
"Y-Yeah." Alanganing sagot ni Cross makalipas ang ilang segundo na kinaliwanag ng mukha ng babae.
"Sabi na mahal mo ako, mahal din kita Cross!" Tuwang tuwa na sambit ni Alica bago tumingkayad at hinalikan sa labi si Cross.
At yun ang scenerio na natagpuan ni Arkhon ng mapunta siya sa palapag ng classroom nina Cross.
Nagtama ang mata nila ni Cross kaya bahagyang naitulak ni Cross si Alica ng makita niya si Arkhon.
Hindi alam ni Cross kung anong irereact niya ng nakapamulsahang lumapit sa kanila si Arkhon.
"Arkh---."
"PDA? Sa loob ng C-lite?" Mahinahong sambit ni Arkhon matapos tingnan si Alica na agad sumimangot ng makita ang kapatid.
"Kuya kahit kailan panira ka anyway kuya hihi, umamin sakin si Cross mahal niya ako at kami na." Nakangiting sambit ni Alica bago niyakap ang braso ni Cross na mabilis na umiwas ng tingin.
"Then congrats minsan dalhin mo siya sa bahay para makapag celebrate tayo." Ani ni Arkhon na kinabato ni Cross sa kinatatayuan.
Titingnan niya si Arkhon ng saktong pag-angat nito ng tingin lumampas na sa pwesto nila ang lalaki.
"Kyahh Cross okay na kay kuya." Tuwang-tuwa na sambit ni Alica matapos yakapin si Cross na ngayon ay mukhang nawala sa sarili.
--
"Natatakot ba si Leader kay Arkhon parang nawalan ng kulay kanina si Cross nung makita si President." Ani ni Chase.
"Oo nga eh pero siguro dahil dun sa ginawang girlfriend ni Cross si Alica, diba overprotective si President sa kapatid niya." Ani ni Iggy.
"Oy Haru sa tingin mo bakit ganun yung reaction ni Cross ng makita si President?" Tanong ni Iggy.
BINABASA MO ANG
The Devil's Lullaby
Fiksyen Remaja●UN-Series: Gen.02 Book1: The Devil's lullaby Book2: Dancing with the Devil BxB[warning content] Prologue "Damn it! Cross, lahat na lang ba ng bagay gusto mong gawing mas komplikado?" Naiinis na sambit ng binatang si Arkhon. "Anong sinas...
