3rd Person's POV;
"Babe!" Tawag ni Alica matapos kumaway kay Cross ng makalabas ito sa gym kasunod ang team."Alica bakit hindi ka pa umuuwi?" Tanong ni Cross ng makalapit siya sa dalaga kasunod ang Redtape na nginisian lang ang mga kasunod na babae ng dalaga na agad namang mga namula.
"Babe date naman tayo ngayon." Yaya ni Alica bago yakapin sa braso ang binata.
Tatanggi ang binata ng makitang kinikilig ang mga kaibigan na babae ng dalaga sa kanila at dahil ayaw nito mapahiya si Alica bumuga ng hangin ang lalaki bago sumagot."Sige pero dadaan muna tayo sa inyo papaalam tayo kina tita." Ani ni Cross na kinalaki ng mata ni Alica.
"Cross wag na, tumawag nanaman ako sa kanila at nagpaalam ako." Sagot ni Alica na kinapokerface ng binata.
"Hindi tayo aalis ng walang permission galing sa kanila Alica." Ani ng binata.
---
"You're grounded Alica right?" Nakapameywangang sambit ni Aila sa anak na nakayukong nakaupo sa sofa."Mommy nakakahiya kay Cross, dalaga na ako pero tinuturing niyo pa din akong parang bata." Puno ng hiya na sagot ni Alica.
"Nahihiya ka kay Cross pero hindi sa amin? Kailan ka ba matututong sumunod Alica." Sermon ng ginang bago tingnan si Cross na nakapamulsahang nakatayo hindi kalayuan sa kanila.
"Iho pasensya na sa ginawa ni Alica, grounded siya ngayon." Ani ng ginang.
Sasagot si Cross ng---."I hate you mommy! Susumbong kita kay kuya at daddy." Nangingilid ang luhang sigaw ni Alica bago nanakbong tumaas ng hagdan.
"Ang batang yun masyadong spoild hindi nga ako binibigyan ng problema ng kapatid at ama, kung sino pang babae siya pa nagdadala ng problema." May inis na sambit ng ginang matapos makita ang inasal ng anak.
"Pasensya na Cross ako na humihingi ng dispensa sa inasal ni Alica." Ani ng ginang matapos lumapit sa binata.
"Naiintindihan ko po, matagal ko na din kilala si Alica at sanay na ako sa ugali niya na kasalanan din naman ni Arkhon." Sagot ni Cross na kinatawa ng ginang dahil sa pagiging prangka ng binata at paninisi nito sa tinuturing na bestfriend.
"Kaisa-isa kasing babae kaya iniispoild ng kapatid at tito mo." Ani ng ginang bago ayain si Cross sa dining area.
"Mabuti pa dito kana mag dinner, balita ko kasi umalis ka sa palasyo at tumira sa apartment mag isa. Siguradong hindi ka gaanong nakakakain ng lutong bahay." Pag-iiba ng ginang.
"Hindi naman tita laging dun natutulog si Arkhon lalo na kung kailangan niyang pumasok ng maaga sa university." Sagot ni Cross.
"Ang batang yun talaga kaya pala hindi na umuuwi dito, kamusta naman kayong dalawa hindi nanaman siguro kayo palaging nag-aaway." Ani ng ginang na kinakamot ng binata sa pisngi.
"Hindi na talaga naalis sa inyo ang away lagi naman kayo magkasama." Pailing- iling na sambit ng ginang matapos buksan ang ref.
"Inaalagaan mo ba ang sarili mo Cross? Baka puro cup noodles nanaman kinakain mo sa apartment mo." Ani ng ginang matapos lingunin si Cross.
"Cross sinabi na namin ng mga tita mo kung ayaw mo kina Cadmus welcome ka dito, o kaya kina tita Cherry mo." Dagdag ng ginang habang nakatingin sa binata.
"Tita kaya ko ang sarili ko at kumakain naman ako ng ayos, pinagluluto ako ni Arkhon sa apartment at isa pa nagagawa ko namang suportahan ang sarili ko ng walang tulong ni dad." Sagot ni Cross.
"Cross."
"Tita ayaw ko ng pag-usapan yan." Ani ni Cross na kinabuga ng hangin ng ginang.
"Cross para na din kitang anak kung may kailangan ka wag kang mahihiyang lumapit sakin."

BINABASA MO ANG
The Devil's Lullaby
Fiksi Remaja●UN-Series: Gen.02 Book1: The Devil's lullaby Book2: Dancing with the Devil BxB[warning content] Prologue "Damn it! Cross, lahat na lang ba ng bagay gusto mong gawing mas komplikado?" Naiinis na sambit ng binatang si Arkhon. "Anong sinas...