3rd Person's POV;
Nang maghiwalay ang labi ng dalawa matamang tiningnan ni Cross si Arkhon na mabilis na umiwas ng tingin."Sorry Arkhon hindi ko naman intensyon na itago yun sayo." Explain ni Cross.
"Kailan mo pa balak sabihin yan Cross pag nasa ospital kana?" Ani ni Arkhon na kinatahimik ng binata.
Napapikit ng madiin ang binata bago tiningnan si Arkhon.
"Kailangan ko maoperahan Arkhon at kailangan ko ng heart donor, Arkhon pag nalaman ito ni dad ipapadala niya ako sa ibang bansa and worst lalabas kung sino talaga ako." Ani ni Cross na kinakuyom ng kamao ni Arkhon.
"At sa tingin mo papayag akong mamatay ka dahil lang diyan sa sakit mo?" Ani ni Arkhon.
"Arkhon nangako ako sayo hindi ako aalis---."
"Hindi ka mag iisa Cross." Putol ni Arkhon na kinapikit ng madiin ng binata bago tumalikod at naglakad papasok ng apartment.
"Arkhon hindi mo ako naiintindihan, ayoko ng may mawala at masira pa sayo dahil lang sa akin. Arkhon tagapagmana ka ng mga Asuncion at isa akong Acosta, sa ngayon tahimik pa tayo dahil wala pang nakakaalam na tagalabas tungkol sa akin pero once na magpagamot ako o pumunta ng ibang bansa hindi pwede---."
"Cross intindihin mo naman ako." Ani ni Arkhon matapos iharap si Cross.
"Mas mahalaga pa din ang buhay mo kaysa sa kahit na anong bagay meron ako."
"Cross lahat ng problema malalampasan natin basta magkasama tayong dalawa, handa akong iwanan lahat ng ito. Bumalik ulit tayo sa dati yung maliit at masikip na mundo pero magkasama tayo. Puno man ng responsibilidad nakikita kita, nahahawakan at nayayakap." Dagdag ng binata bago marahang hinaplos ang pisngi ni Cross.
"Ito na siguro yung tamang oras Cross."
"Hindi." Ani ni Cross matapos tabigin ang kamay ni Arkhon at umalis.
"Hindi ako babalik." Ani ni Cross bago humakbang paalis ng kwarto at pagsara ng pinto bahagyang napahawak sa lamesa si Cross ng manikip nanaman ang dibdib niya at manuyo ang lalamunan.
"H-Hindi kita iiwan Arkhon."
Arkhon Asuncion's POV;
"Arkhon." Hindi makapaniwalang sambit ni Haru ng makita ako sa tambayan ng Redtape."Arkhon anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ni Percy ng makita ako.
"Lumalala ang sakit ni Cross kailangan ko ng tulong." Ani ko na kinatinginan nina Percy.
"Ayaw magpa opera ni Cross." Sagot ni Haru na kinasabunot ko sa sarili ko matapos kong yumuko.
"Arkhon sa ganitong bagay hindi ikaw ang pwede magdesisyon." Ani ni Percy.
"Magdamag ako hindi nakatulog Percy, hindi ko na alam ang gagawin ko." Ani ko.
"Ayaw ni Cross bumalik sa palasyo si Tito Cadmus lang ang makakatulong sa kanya. Haru siguradong makikinig din siya sayo baka pag---."
"Arkhon bukod sa makasama ka wala ng mas mahalaga pa kay Cross." Putol ni Haru.
"Sa tingin mo papayag pa siyang bumalik sa dati kung nahanap na niya ang lugar kung saan siya masaya?" Dagdag ni Haru.
"Anong gusto mong sabihin?! Hayaan ko siya mamatay Haru!" Sigaw ko dahil sa sobrang frustration ko naiinis na tumayo ako at tumalikod.
"Sa buhay ng tao laging may sakripisyo." Ani ni Haru na kinakuyom ng kamao ko.
"At ang dalawang pagpipilian mo, layuan si Cross para mabuhay siya o hayaan na siya at ubusin ang oras niyo magkasama." Ani ni Haru na kinatingin ko.
"Panong layuan ang sinasabi mo?" Nagdidilim ang anyong tanong ko na kinaiwas ng tingin ni Haru.
"Isa si Cross sa tagapagmana ng Trijo na isa sa pamilyang bumubuo sa organization na tinatawag na Trojan."
'Trojan?'
Ang pamilyang hindi ako pwedeng magkamali, ibig sabihin yun yung pamilyang kinabibilangan ni Tita Astrid.
"Bawal ang lalaki sa pamilyang panong--- mamamatay si Cross once na may makaalam ng identity niya."ani ni Chase na kinaupo ko sa sofa.
"A-Alam ba ito ni Cross?" Hindi makapaniwalang tanong ko na kinatahimik ni Haru ng ilang minuto.
"Siguradong kamakailan niya lang din nalaman kaya nagdecide ng ganun si Cross." Ani ni Haru na kinapikit ko ng madiin.
"Ano pang hindi ko alam?" Ani ko.
3rd Person's POV;
"Ano pang kailangan ko malaman Cross?" Bulong ni Arkhon matapos tumayo sa paanan ng ibabang bahagi ng kama."Pumunta ka ba kina Haru." Ani ni Cross na kinakuyom ng kamao ni Arkhon.
"Sabihin mo na sa akin ang dapat kong malaman Cross para hindi na ako magugulat sa mga malalaman ko pa sa ibang tao." Nag gigitgit na sambit ni Arkhon.
"Kaya ba ganun ang sinabi mo nung time na magpropose ka? Talaga bang gusto mo ng mamatay!" Bulyaw ni Arkhon.
"Nagpromise ka sa akin Arkhon kahit na anong maging desisyon ko susuportahan mo ako." Ani ni Cross.
"Hindi sa ganitong bagay! Cross fuck it." Napaluhod si Arkhon at sinabunutan ang sarili ng hindi niya na alam kung ano pang sasabihin niya sa lalaki.
"Arkhon." Ani ni Cross bago bumaba ng kama at niyakap ang ulo ni Arkhon.
"Hindi ba pwedeng maging masaya na lang tayo? Gusto ko lang naman ng simpleng buhay kasama mo. Cross sobrang bigat ba ng mga bagay na gusto ko?" Umiiyak na sambit ni Arkhon.
"Ayoko ng ganitong sakripisyo hindi ito ang gusto ko." Bulong ni Arkhon hanggang sa iangat ni Cross ang pisngi ni Arkhon at haplusin yun.
"Then promised me." Ani ni Cross bago marahang hinaplos ang pisngi ni Arkhon.
"Hinding hindi ka aalis sa tabi ko kahit na anong mangyari." Ani ni Cross bago ngumiti.
"Hindi mo ako iiwan at mananatili ka sa tabi ko." Bulong ni Cross bago hinalikan sa noo si Arkhon at tiningnan ang binata.
"Gusto pa kita makasama ng mas matagal, buwan at mga taon. Magpapagamot ako para sayo at sa pagbalik ko magsasama na ulit tayo." Ani ni Cross matapos halikan ni Arkhon ang mga kamay ng binata at niyakap.
"Sasamahan kita Cross at babantayan, mananatili ako sa tabi mo kahit na anong mangyari."
---
"Cross anong gusto mong kainin pinagluto kita ng mga paborito mo." Nakangiting sambit ni Arkhon habang naglalagay ng ulam sa plato."Kahit naman anong niluluto mo kinakain ko." Sagot ni Cross na bahagyang napailing at napahawak sa dibdib ng bahagya nanaman siya mahirapang huminga.
"Cross ayos ka lang?" Naibaba ni Arkhon ang mga hawak sa lamesa at lumuhod sa harap ni Cross para sapuin ang pisngi ng binata.
"A-Ayos lang ako." Ani ni Cross bago binigyan ng ngiti ang asawa.
"Namumutla ka Cross." Ani ni Arkhon.
"Mamaya pupunta na tayo kay tito Cadmus." Ani ni Arkhon habang hinahaplos ang pisngi ni Cross.
Tatayo ang binata ng hawakan siya ni Cross sa kwelyo at binigyan ng halik ang binata.
"I-I love you Arkhon." Bulong ni Cross na kinalamig ni Arkhon ng---.
"Cross!" Sigaw ni Arkhon ng mawalan ng malay si Cross sa mga bisig niya.
"Nhate! Tulong si Cross!" Sigaw ni Arkhon ng hindi alam ang gagawin kung pano bubuhatin si Cross na tila pati nga tuhod niya nawalan ng lakas.
"Arkhon!" Sigaw ni Nhate kasunod si Vk na mabilis na dinial ang phone niya para tumawag ng ambulansya.
"Cross gumising ka! Cross! Please wag ganito gumising ka." Sigaw ni Arkhon habang tinatapik ang pisngi ni Cross na walang malay.

BINABASA MO ANG
The Devil's Lullaby
Genç Kurgu●UN-Series: Gen.02 Book1: The Devil's lullaby Book2: Dancing with the Devil BxB[warning content] Prologue "Damn it! Cross, lahat na lang ba ng bagay gusto mong gawing mas komplikado?" Naiinis na sambit ng binatang si Arkhon. "Anong sinas...