Chapter 45

1K 34 0
                                    

3rd Person's POV;
Nanatiling nakatayo ang Redtape sa kabilang dulo ng silid habang ang grupo nina Tristan at Adele ay nasa kabilang bahagi ng kwarto.

Maya maya napatigil ang Redtape ng bumukas ang pinto at---.

"Hayop ka Tristan!" Sigaw ni Cohen at susugurin niya ang mga lalaki ng pigilan siya ng Triplets.

"Cohen ayos lang ba kayo?" Ani ni Haru matapos lapitan ang mga binata.

"Sana nanatili na lang kayo kung saan kayo nakalagay kanina para hindi na kayo mahirapan." Bored na sambit ni Tristan ng makita sila.

"Kuya Haru." ani ni Dreame ng makita ang Redtape.

"Kung mapatay mo man kami dito siguradong hindi ka titigilan nina daddy hangga't hindi kayo napapatay!" Sigaw ni Val na kinataas ng gilid ng labi ni Adele.

"Yun nga ang maganda dun eh." ani ni Adele habang humihithit ng sigarilyo.

"Pare-pareho silang babagsak sa lupa." Natatawang sambit ng lalaki na kinakuyom ng kamao ng triplets.

"Isipin niyo na lang ang mangyayari once na kumalat sa buong mundo ang pagpapatayan ng mga tagapagmana ng malalaking pamilya at organization. Lahat ng taong nagfefeeling santo lahat ng meron sila magiging abo dahil lang sa mga tagapagmanang gahaman sa kapangyarihan at hindi marunong makuntento." Ani ng binata bago tumalikod at naglakad palapit sa bintana.

"Ano bang sinasabi mo kayo lang ang ganun wag mo kaming idamay!" Sigaw ni Dreame.

"Nasasabi mo yan Riego dahil iniisip mo lang ang sarili mo." Ani ni Adele na kinatigil ni Dreame.

"Lahat ng responsibilidad bilang tagapagmana inasa mo lahat sa kakambal mo dahil makasarili ka ayaw mo ng nakukulong." Ani ni Adele na kinabato ni Dreame sa kinatatayuan.

"Lahat tayo dito may sari-sariling kwento at estado sa pamilya, mundo at sa gobyerno." Ani ni Adele bago hinarap ang mga tagapagmana.

"Pero kung may bagay man tayo nagkapare-pareho ... hindi tayo makuntento at sa kabila ng mga nakukuha nating pera, atensyon at kapangyarihan. May mga bagay pa din tayong ginugusto na hindi natin makuha dahil pinanganak tayong may responsibilidad at nasa mataas na estado."

"Tapos kana?" Walang buhay na sambit ni Haru na kinatingin nina Cohen na bahagyang napayuko ng marinig ang sinabi ni Adele.

"Anong sabi mo?" Ani ni Adele matapos tingnan si Haru.

"Siguro nga tama ka lahat tayo dito may matataas na estado, sino bang hindi takot sa responsibilidad at sa mundong haharapin mo sa reyalidad." Ani ni Haru.

"Bilang mga tagapagmana malaking pressure satin kung sino ang magdadala ng pangalan ng pamilya sino ang aako ng responsibilidad at magsasakripisyo." Dagdag ni Haru bago bahagyang tinaas ang labi.

"Ang bond niyo sa responsibilidad humahaba at nag addjust pero sa kapatid habang tumatagal lalo yun humihigpit at umiiksi, matatakasan mo ang responsilidad pero hindi ang reyalidad na makakaya mong humila ng tali para masakal ang sarili mong kapatid." Ani ni Haru na kinatigil nina Cohen.

"Tama si kuya Haru." ani ni Val bago hinawakan si Dreame.

"Lagi kaming nag-aaway ng kakambal ko, madalas nagagalit ako kay Dreame dahil lahat ng responsilidad binibigay sakin ng daddy at mommy ko. Pumunta sa ganyan at ganito minsan na din nila akong ipinagkasundo para lang sa ikatatag ng pamilya." Ani ni Val na kinatigil ni Dreame.

"Pero tuwing naiisip ko na nasa ganung sitwasyon si Dreame at alam kong mahina siya hindi niya makakaya masakit sakin yun. Kaya mas pinipili kong magtiis at isakripisyo ang sarili kong kasiyahan para sa pamilya at kapatid ko." Ani ni Val na kinatulo ng luha ni Dreame.

The Devil's LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon