3rd Person's POV;
Madaling araw na gising pa din si Arkhon na kasalukuyang pinupunasan ang katawan ni Cross at chinicheck ang paghinga ng binata dahil sa takot na atakihin nanaman ito.Hanggang sa magising si Cross at makita si Arkhon na nakasubsob sa gilid ng kama at sa tabi nito ang isang basin at towel.
Bumangon ang binata at bahagyang hinilot ang sintido ng makaramdam ito ng kirot.
Napaungol ng mahina si Arkhon at napatingin sa kama ng gumalaw yun hanggang sa makita nito si Cross na nakatayo na hindi man lang nito alintana na wala siyang kahit na anong suot.
"May pasok pa tayo anong oras na?" May pagka ruspy na tanong ni Cross matapos umikot at lumapit sa side table kung nasaan ang phone ni Arkhon.
"Great late na tayo." Ani ni Cross bago lingunin si Arkhon na nakadapa na ngayon sa kama at balak pang matulog.
"Student council president ka gago hindi ka papasok ngayon iaannounce ang schedules ng activity para sa school festival." Singhal ni Cross bago lumapit sa kama.
Hihilahin nito ang braso ni Arkhon ng saluhin ng binata ang kamay niya at hilahin pahiga sa kama.
"Arkhon! Umayos ka nga ang bigat mo!" Sigaw ni Cross ng patungan siya ni Arkhon at sumiksik sa leeg niya.
Pilit niyang tinutulak ang binata hanggang sa maramdaman niya ang mabigat nitong pag hinga sa gilid ng leeg niya.
"Fuck it." Mura ni Cross matapos ibaba ang kamay niya.
Hindi na pumalag si Cross ng maramdaman ang pagyakap ng binata sa katawan niya.
Maya maya napatingin si Cross sa study table ng mag ring ang phone ni Arkhon.Dahil malapit lang naman yun sa kinahihigaan nila walang kahirap-hirap na naabot yun ng binata.
Nang makitang Vandatt ang nakita sa caller I.D sinagot niya ang tawag.
["Arkhon si Cros---."]
"Cross speaking what is it?" Bored na putol ng binata.
["Cross kailangan mong pumunta dito sa campus, may problema tayo."] Ani ni Haru.
Hindi umimik ng ilang minuto si Cross bago pinatay ang tawag.Haru Vandatt's POV;
"Gusto ba talaga ng daddy ni Cross na magka world war 3 dito sa C-lite?" Ani ni Iggy habang nakatingin sa tatlong tao na nasa baba at pinagkakaguluhan ng mga estudyante."Anong ginagawa dito ng triplets?" Napatingin ako kay Amara at Venus na lumapit sa pwesto namin para tingnan yung mga taong kanina pa namin pinagmamasdan.
"Hindi ko alam pero mukhang si tito ang may gawa nito, mukhang iniinis nanaman niya si Cross." Sagot ko na kinasapo sa noo ni Venus.
"Ang kakapal naman ng mukha niyo pumunta dito!"
"Putangna=_=."
"Haru bababa na ba tayo?" Tanong ni Iggy ng makita naming papalapit ang kambal na Riego sina Dreame at Valliant.
"El! Saan ka pupunta? Antayan mo kami!" Sigaw ni Rise ng makitang umalis si Elliot kasunod si Quinn.
Rise,Elliot and Quinn Sikat ang Triplets na succesor ng mga Sikat at sakit sa ulo ni Tito Dale.
Bukod kasi sa playboy ang mga ito mga takaw sa gulo at isa sa mga nabiktima nito ang kambal na Riego ni tito Keinzu.
"Nasaan si Dallas?" Tanong ko ng makitang may hindi nanaman mangyayari dahil sa pagdidilim ng anyo ng kambal na Riego.
"Hindi ko alam kita mo namang parang kabute ang lalaking yun bigla biglang sumusulpot at nawawala." Sagot ni Amara na kinasapo ko sa noo.
Nang makita namin na hinarang ng mga kagang ng kambal na Riego ang Triplets bababa na kami nina Iggy ng makita namin si Dallas kasunod si Cross na kinabuga ko ng hininga.
"Tara na." Yaya ko kina Iggy para bumaba at salubungin sina Cross.
3rd Person's POV;
"Anong ginagawa mo dito tangna ka." Mura ng isa sa triplets na si Elliot Sikat ng makita si Cross."Ilang taon lang tayo hindi nagkita Sikat nabobobo kana? Baka nakakalimutan mong pagmamay ari ng mga Acosta ang tinatapakan mo." Maangas na sagot ni Cross susugurin niya ang binata ng pigilan siya nina Rise at Quinn.
"Ano ito reunion? Baka pwede namang makisali." Natatawang sambit ni Alica kasunod si Daphne na kinatingin ng masama ng kambal na Riego.
"Look who's was the bitch talking." Banat ni Valliant habang nakatingin kay Alica na kinataas ng kilay ng babae.
"Oww potraying your self bitch?" Sagot ni Alica bago pangiti-ngiting lumingkis sa braso ni Cross.
"Teka tama na nga yan para kayong mga bata." Pagitna ni Venus ng makitang nagkakainitan na ang lahat.
---
"Pinatapon ni Tito Dale yung triplets dito?" Hindi makapaniwalang sambit ni Alica."Hindi ko alam pero malakas ang kutob kong may malaking gulo ang mangyayari sa C-lite." Ani ni Daphne.
"Nasaan pala si President, kuya Cross alam na niya ang tungkol sa pagpasok ng mga Sikat dito?" Tanong ni Venus.
"Imposibleng hindi alam ng putanginang yun=_=." Mura ni Cross na sa isang iglap nagbago ang expression ng marinig ang pangalan ni Arkhon.
"Oy Percy may problema ba?" Tanong ni Iggy ng makitang ilang minuto ng nakatingin si Percy kay Haru na nakatingin kay Cross.
"Kanina pa kita napapansin na nakatingin kay Vandatt may problema ba?" Ulit ni Iggy ng tumingin sa kanya si Percy na nagtataka.
"Wala may napansin lang ako." Sagot ni Percy bago sumandal sa kinauupuang sofa at tingnan ang leader.
--
'Pasok na andiyan na ang Redtape.'
Nagkanya-kanyang pasok ang mga estudyante na nagkalat sa hallway ng makita nila ang Redtape na papunta kung saan."Kuya Cross." Tawag ng binatilyong si Dallas Almeda matapos salubungin ang Redtape.
"Kuya si Rise at Quinn nagsisimula nanamang manggulo sa Nursing department sa kabilang building." Sumbong ni Dallas na kinakunot noo ni Cross.
"Nasaan yung kambal?" Tanong ni Haru ng makitang wala sina Dreame at Valliant sa likuran ng binatilyo.
"Papunta na sila dun kuya." Sagot ni Dallas.
--
"Hindi porket babae ka hindi na kita papatulan!" Sigaw ni Rise.Napatili ang mga babae at habang ang ilang estudyante ay nagkanya-kanyang takbo ng magkagulo ang ikalawang palapag ng Nursing department.
"Fuck!" Mura ng binatang si Quinn ng sikmuraan siya ni Dreame at sipain ang panga.
"Tama na yan!"
Ilang estudyante ang pumipigil sa kambal na Riego ngunit hindi man lang nakaisang hakbang ang mga ito dahil sa takot na mabugbog din ng kambal.
"Val!" Sigaw ni Dreame na kinalaki ng mata ng dalaga at ni Rise ng hindi sinasadyang masapampal ni Rise ang babae at dumugo ang gilid ng labi ng dalaga.
"Hayop ka!" Sigaw ni Dreame babanatan nito si Rise ng may sumalo sa kamao niya na kinatigil ng mga estudyante.
Hindi napansin ng binatang si Elliot ang lalaki ng balak nitong sugurin si Valliant na inaakala nitong bumanat kay Quinn na nakahiga sa sahig.
Pero bago pa makalapit si Elliot sinipa ng binata ang tuhod nito dahilan para madapa ang lalaki. Mumurahin nito ang gumawa nun ng makita nito si Arkhon.
"Wala kayo sa Sillius, matuto kayong lumugar." Ani ni Arkhon na kinadilim ng anyo ng binata bago sinugod si Arkhon at sinuntok.
'President!'
"Hayop ka Elliot! Kuya Ark---."
Pinigilan ng binata ang kambal na Riego ng susugurin nito si Elliot.
Dinura ng binata ang dugo sa labi bago tiningnan ang triplets.
"Katulad ng sinabi ko hindi niyo ito teritoryo at hindi din lahat ng estudyante kayang pagpasyensyahan kayo." Ani ng binata bago tingnan ang mga estudyanteng ngayon ay nakikiusyuso.
"Bumalik na kayo lahat sa classroom niyo at wag kayong lalabas." Utos ng lalaki na agad sinunod ng mga estudyante maliban sa triplets na masama ang pagkakatingin sa kambal na Riego at kay Arkhon.
BINABASA MO ANG
The Devil's Lullaby
Teen Fiction●UN-Series: Gen.02 Book1: The Devil's lullaby Book2: Dancing with the Devil BxB[warning content] Prologue "Damn it! Cross, lahat na lang ba ng bagay gusto mong gawing mas komplikado?" Naiinis na sambit ng binatang si Arkhon. "Anong sinas...