3rd Person's POV;
"El anong problema?" Tanong ni Quinn ng huminto ang binata sa paglalakad sa hallway ng makaramdam siya ng presensya galing kung saan."Nothing pakiramdam ko may sumusunod sa atin." Ani ni El bago humakbang ulit at lapitan ang mga kapatid.
"Pinauuwi pala tayo ni mommy this weekends, uwi tayo." Ani ni Rise sa mga kakambal.
"If I know pipilitin nanaman tayo ni mommy magpakasal." Bored na sambit ni Quinn habang ngumunguya ng bubble gum.
Matapos nila lumabas ng Highschool department nakita nila ang kambal na Dela Cruz.
Dahil hindi naman close ang mga ito nilampasan lang nila ang dalawa at papalayo sila ng tumigil si Elliot.
"Kuya El kanina ka pa patigil-tigil ano ba kasing problema?" Pikon na sambit ni Quinn bago lapitan ang kakambal at---.
*boooogsh*
Nanlaki ang mata ng magkakapatid na Sikat ng mapatingin sila sa bulding ng highschool student ng bigla na lang yun sumabog.
"El! Quinn!" Sigaw ni Rise ng may malalaking tipak na bato ang babagsak.
Hindi nakagalaw ang dalawa kaya---.
"Creed!" Sigaw ni Cohen matapos niyang maitulak si Quinn patabi at nakalayo sila.
"El!" Sigaw ni Rise ng maitulak ni Creed si El bago pa tuluyang bumagsak, dahil si El ang malapit sa malaking bato kailangan ni Creed maitulak si El ng malakas at dahil dito nawalan ng pwersa ang katawan ni Creed at nabagsakan ang paa ng lalaki.
"Fuck!" Mura ni Creed ng makaramdam siya ng sakit sa kaliwang hita.
"Creed!" Sigaw ni Cohen na kinalaki ng mata ng tatlong Sikat.
"Tulungan niyo siya!" Sigaw ni El habang pilit na tumatayo at alalayan ni Rise.
"Creed tutulungan kita." Sobrang pag-aalalang sambit ni Cohen habang pilit na tinatanggal ng apat ang bato.
"Aahh!" Sigaw ni Creed ng matanggal ang bato at mahila siya ni El paalis.
"Fuck." Mura ni Creed ng makitang napunit ang uniform niya.
"Kailangan natin umalis dito." Ani ni El ng makakita siya ng mga anino sa highschool building.
Pinagtulungan nila buhatin si Creed at paalis na sila ng may mga humarang na lalaki.
"So? Saan punta natin?"
Napatigil ang limang lalaki ng harangin sila ng tatlong grupuhan ng mga gangster.
"Hayop ka kuya Tristan." May diin na sambit ni Cohen ng makita ang lalaki.
"Little brother bakit ka ganyan? Akala ko ba idol mo ako?" Nakangising sambit ni Tristan na kinadilim ng anyo ng binata.
"Hindi ako umiidolo ng demonyo, sinaktan mo ang kapatid ko!" Sigaw ni Cohen na kinawala ng ngiti ng binata.
"Nangialam kayo sa plano ko, consequence lang yan ng pagpapakabayani niyong dalawa." Ani ni Tristan.
"Hayop ka Tristan! Ano bang ginawa namin sayo? Putangina ka pagkatapos ng lahat balak mo kaming patayin!" Sigaw ni Rise at susugudin niya si Tristan ng harangin siya ni Quinn.
"Patawa ka? Akala niyo ba nakalimutan ko na ang ginawa niyong pagtatraydor sakin?" Ani ni Tristan na kinatahimik ng triplets.
"Mapapatay ko na nun ang Redtape at si Cross kung hindi kayo nangialam na tatlo!" Nanggagalaiting sambit ni Tristan na kinalaki ng mata ni Rise at Quinn.
"A-Ano? Binabalak mo talagang patayin sina Arkhon?" Hindi makapaniwalang sambit ni Rise.
"Baliw ka Tristan! Isa kang baliw hayop ka pati kadugo mo balak mong patayin." Sigaw ni Cohen.
BINABASA MO ANG
The Devil's Lullaby
Teen Fiction●UN-Series: Gen.02 Book1: The Devil's lullaby Book2: Dancing with the Devil BxB[warning content] Prologue "Damn it! Cross, lahat na lang ba ng bagay gusto mong gawing mas komplikado?" Naiinis na sambit ng binatang si Arkhon. "Anong sinas...