Chapter 11

1.4K 64 0
                                    

3rd Person's POV;
"Shit!" Mura ni Cross ng maibalya siya ni Arkhon sa pader sa gilid ng pintuan ng bathroom matapos siyang hilahin ng lalaki.

"Ano bang problema mo?!" Bulyaw ni Cross na halos mamula sa sobrang galit dahil nasaktan siya sa ginawa ng lalaki.

"Anong problema ko?ito!" Napatigil ang lalaki ng marahas siyang hinalikan ng binata dahilan para malasahan ang sarili niyang dugo sa labi.

Dahil sa inis malakas nito sinuntok ang binata dahilan para bumagsak sa sahig si Arkhon na kinatigil ni Cross dahil huli na narealize niyang hindi niya napigilan ang sariling lakas.

Hahakbang ito ng dinura ni Arkhon ang dugo na namuo sa bibig at natatawang pinunasan ang labi.

"Ano bang kinagagalit ko? Lalaki ka." Bulong ni Arkhon bago tumayo at tingnan si Cross na may hindi maintindihan na expression.

"At babae si Alica." Dagdag ng binata bago tumalikod at humakbang palabas ng kwarto.

Hindi nakagalaw si Cross at hanggang ngayon nag sisink in pa din ang nangyari kanina.

Napatingin siya sa sariling kamay hanggang sa magdilim ang mukha ng binata at paulit ulit na sinuntok ang pader. Hindi nito ininda ang sakit hanggang sa maramdam nito ang panghihina ng tuhod ng parang sirang plaka nagrereplay ang ginawa niyang pagsuntok sa lalaki at ang sakit sa expression ni Arkhon.

"Damn." Mura ni Cross matapos mapaluhod sa sahig at naiinis na inuntog ang sarili sa pader.
---
"Anong nangyari sa kamay mo Cross?" Tanong ni Haru ng makita ang nakabendang kamay ni Cross.

"Wala ito." Walang buhay na sagot ni Cross matapos ibagsak ang gamit sa upuan at umupo.

"Anong wala? Dumudugo ang kamay mo leader." Komento ni Percy na napatayo sa kinauupuan ng makita ang pagdurogo ng kamay ng binata.

"Iggy manghiram kayo ng first aid kit sa clinic." Utos ni Haru na agad sinunod ni Iggy at Chase.

Hindi sila pinansin ni Cross na nanatiling nakasandal sa kinauupuan at nakatingin sa kisame.

Ang ilang estudyante sa loob ng classroom isa-isang lumabas dahil nakikita nilang hindi maganda ang mood ng lalaki.

"Sa labas muna ako." Paalam ni Percy bago naglakad paalis at isinara ang pinto.

"Si Arkhon ba?" Ani ni Haru na kinabago ng expression ng binata.

"Nasaktan ko siya Haru." Bulong ni Cross matapos itaas ang kamay na may benda.

"Nagulat din ako sa nangyari." Dagdag ni Cross na kinailing ni Haru bago nakapamulsahang lumapit sa binata.

"Hindi nanaman ba kayo nagkaintindihan?" Tanong ni Haru.

"Palagi naman diba? Hindi namin mabasa ang isa't isa kahit palagi kami magkasama."

"Para pa din kaming hindi magkakilala kahit simula pagkabata magkasama na kaming dalawa." Ani ni Cross na kinabago ng expression ni Haru.

"Hindi na ako nagtataka Cross kung bakit hindi kayo magkaintindihan." Ani ni Haru.

"Pano kayo magkakaintindihang dalawa kung kahit mga sarili niyo hindi niyo maintindihan."

"Cross iniisip ni Arkhon ang alam niyang makakabuti sayo. Alam niyang gusto mo siya pero ang tanong maiintindihan ba yun ng iba?" Ani ni Haru na kinatingin ni Cross.

"Isa kang Acosta and in future ang eskwelahan na ito, ang buong C-lite ... isa lang ito sa maliit na parte ng mundong haharapin mo sa hinaharap. Succesor ka at nasa sinapupunan ka pa lang ni Tita Astrid may daan ng nakalaan para sayo at alam kong alam yun ni Arkhon." Hindi umimik si Cross bago tumayo at lalampasan nito si Haru ng---.

The Devil's LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon