3rd Person's POV;
'Ayos lang kaya ang team pag wala si Cross?''Hindi ko alam girl pero magagaling ang miyembro ng Redtape.'
'Sana naman hindi tayo matalo ngayon.'
"Haru wala si Captain kaya ba natin ang Sillius?" Tanong ng isa sa mga kateam ng Redtape.
"Kaya ... kung hindi maglalaro ang triplets." Ani ni Haru ng makita sina Rise sa bench ng Sillius.
"Bakit ba nasa team ng Sillius sina Rise? dito sila pumapasok diba? Kahit sabihin pa natin na sila ang may ari ng Sillius uniform pa din natin ang sinusuot nila."
"Hindi sila officially student ng C-lite, pansamantala lang ang mga yan dito kaya sa team pa din sila ng Sillius." Sagot ni Iggy.
"Problema ito." Bulong ni Percy ng makitang nakajersey din ng Sillius ang tatlo.
Nang sumipol ang referee nagsimula ng magline up ang mga maglalaro sa first quarter.
---
Naglaro ang team ng Sillius hanggang sa 4th quarter at ni isang beses hindi pumasok ang triplets nanood lang ang mga ito sa pagkatalo ng team nila na kinataka ng Redtape. Ang pagkakaalam kasi ng Redtape matagal inantay ng Triplets ang larong ito dahil sa pangalawang pagkakataon makakalaban ulit nila ang team ng C-lite, hindi nila iniexpect na uupo lang ang triplets sa Bench at manonood."67 to 132 ... ang C-lite ang nanalo!" Announced ng referee na kinahiyaw ng mga estudyante ng C-lite.
"Atin ang trophy ng first place sa basketball." Tuwang tuwa na sambit ni Iggy.
"Kung pumasok ang Triplets magiging mahirap satin ang pagkuha sa trophy." Bulong ni Haru habang nakatingin kina Quinn, Rise at Elliot na prente lang nakaupo sa bench.
Nagpapalobo ng bubble gum si Rise habang si Quinn at Elliot bored na nakatingin sa kanila.
Matapos iannounce ang panalo tumayo na si Elliot at maglakad paalis sumunod sina Rise at Quinn na ngumisi muna sa kanila bago sinundan ang kapatid.
--
"Tangna." Mura ni Janus matapos sipain ang upuan sa harapan ng marinig ang anunsyo na nanggagaling sa gym."Kanino ba nanggaling ang idea na pag-nawala si Cross sa team hindi mananalo ang C-lite?"
"Janus madami pa tayong pagkakataon, may isa pang competition bago matapos ang school fest."
"Siguraduhin natin na ang last night ng School fest, huling gabi na din para sa Redtape."
"Hanapin niyo si Cross may pupuntahan tayo." Utos ni Janus sa mga kasama bago humakbang at naglakad paalis.
---
Napaupo si Cross sa sahig ng cubicle matapos nito sumuka at makaramdam ng hilo. Bahagya nitong kinuha ang lalagyan na nasa bulsa na naglalaman ng mint candy at tinaktak sa bibig.Hanggang sa namalayan na lang ng lalaki na may tubig na unti-unting pumatak galing sa kanyang mga mata.
"B-Bakit wala akong maramdaman?" Bulong ng lalaki hanggang sa unti-unti niyang maalala ang mga ginawa sa mga nakalipas na mga araw.
'Wag! Maawa ka Cross!'
Napapikit ang binata ng madiin matapos sabunutan ang sarili nang parang sirang plaka na umulit ang mga scenerio.
"H-Hindi."
FLASHBACK
"Ahhh!""Arghh!"
Daing ng lalaki matapos tumalon sa ere si Cross at umikot bago sinipa ang binata na tumalsik sa isang estante na puno ng figurine.
"Yan ang napapala ng mga traydor." Nakangising sambit ni Janus matapos tapakan ang ulo ng isa sa mga miyembro ng gang ng kabilang grupo.
"H-Hayop ka J-Janus i-ikaw ang traydor, m-magbabayad ka." Ani ng lalaki matapos mapaubo ng dugo at mapahiyaw ng tapakan ni Cross ang saksak sa tagiliran ng lalaki.
--
"Maawa ka Cross!""Ibigay mo samin ang titulo ng grupo niyo, bubuhayin ko kayong lahat." Ani ni Janus.
"Wag leader! Hayaan mo na kami wag kang pumayag!" Sigaw ng isa sa mga kasamahan nito dahilan para hawakan siya sa ulo ng isa sa miyembro ng Wildflaws.
"Gusto mong mamatay uunahin kita." Ani ng nagngangalang Gary.
"Wag! Pumapayag na ako!" Sigaw ng tumatayong leader ng grupo habang nakayuko na kinalaki ng mata ng miyembro ng gang.
"Leader!"
"Mahihina." Nakangising sambit ni Janus habang nakatingin sa pumapangatlo sa pinakamaimpluwensya na gang sa teritoryo ng mga Farell.
END OF THE FLASHBACK"Aaaah!!!" Sigaw ni Cross na umalingawngaw sa apat na sulok ng boys comfort room.
Habang sa kabilang bahagi ng pinto sa labas cubicle kung nasaan si Cross may binatang nakatayo at nakahawak sa doorknob.
Pipihitin yun ng lalaki ng may isa pang binata ang sumulpot at hinawakan ang kamay ng lalaki.
"Hindi pa ito ang tamang oras." Bulong ng binata.
"Cross!"
Sigaw ng isa sa Wildflaws na nasa labas ng Confort room at tinatawag ang pangalan ng binata.Hindi sumagot si Cross ng ilang minuto hanggang sa napagpasyahan nitong tumayo mula sa pagkakaupo at humakbang palapit sa pinto.
"Andito ako." Walang buhay na sagot ni Cross matapos buksan ang pinto ng cubicle at maglakad palabas.
"Lalabas tayo ng university ayusin mo ang sarili mo. =_=" ani ng binata matapos makita si Cross na magulo ang buhok at gusot ang suot na uniform.
"Susunod na lang ako." Bulong ng lalaki.
Hindi umimik ang tatlong lalaki hanggang sa humakbang ang mga ito at maglakad palayo.
"Babe." Ani ni Alica ng makita si Cross.
"Hey babe." Nakataas ang gilid na labi ng binata bago humakbang palapit sa dalaga at siilin ng halik hanggang sa---.
"Aray! Cross naman." Reklamo ni Alica bago bahagyang tinulak ang binata ng dumugo ang labi ng babae matapos siyang marahas na hinalikan.
"Hindi mo nanaman yata ininom ang gamot mo." Gusot ang mukhang ani ni Alica.
"Naiwan ko yun sa locker ko." Walang buhay na sagot ni Cross habang nakapamulsahang nakatingin kung saan.
Haru Vandatt's POV;
"Ako lang ba o talagang may mali." Ani ni Percy habang nakatingin sa grupuhang nasa field."Anong pinagsasabi mo?" Tanong ni Iggy.
"Lahat sila nasa labas." Bulong ko.
"Ito ang unang pagkakataon na nakita kong nagparticipate ang apat na succesor at tagapagmana ng mga kilalang pamilya sa school fest." Ani ni Chase.
Sa mga nakaraang school fest either nanggugulo ang mga tagapagmana kasama si Cross sinisira nito ang mga contest, pero ngayon iba na hindi sila totally na tumutulong pero andito silang lahat.
Hindi sila yung tipong mag-aaksaya ng oras sa ganito, kaya nakakapagtaka."Umalis ulit sila ng campus." Ani ni Iggy habang nakatingin sa main gate at makita ang pulang kotse ni Cross.
"Anong gagawin natin Haru? Hindi natin sila matyempuhan ng hindi kasama si Cross." Ani ni Iggy na kinatahimik ko ng ilang minuto.
"Haru." Napalingon ako at napakunot ang noo ng makita kong nakapamulsahang naglalakad palapit samin si Arkhon.
Hindi ko alam kung ako lang pero iba ang mood ni Arkhon ngayon, hindi siya yung Mr.Perfect at laging kalmadong Arkhon na nakilala ko this past few years.
Sa expression niya ngayon para siyang bombang sasabog kung may bagay man siyang hihingin sakin at hindi ko maibigay.
"Anong kailangan mo?" Tanong ko.
"May ibibigay ako sayong regalo na alam kong magugustuhan mo." Nakangising sambit ni Arkhon.
BINABASA MO ANG
The Devil's Lullaby
Teen Fiction●UN-Series: Gen.02 Book1: The Devil's lullaby Book2: Dancing with the Devil BxB[warning content] Prologue "Damn it! Cross, lahat na lang ba ng bagay gusto mong gawing mas komplikado?" Naiinis na sambit ng binatang si Arkhon. "Anong sinas...