3rd Person's POV;
*paak*"Alica!" Sigaw ni Haru ng sampalin ni Alica ang kapatid.
"Kung hindi mo kinuha sakin si Cross hindi mangyayari ito!" Sigaw ni Alica habang nangingiyak ngiyak na sambit ng dalaga.
"Pano na kami ng anak ko pag nawala si Cross ha?!" Sigaw ni Alica na kinatigil ni Arkhon ng ilang minuto.
"A-Anak?" Ani ni Arkhon.
"Oo kuya! Buntis ako at si Cross ang ama." Umiiyak na sambit ni Alica ng---.
"Anong sabi mo Alica?"
Napatingin si Arkhon at Alica ng marinig ang boses ng ina.
"Buntis ka?" Ani ni Aila.
"O-Oo m-mommy a-at si C-Cross ang ama." Bulong ni Alica matapos yumuko.
"Panong nangyari ito Alica?!" Sigaw ni Aila matapos lapitan ang anak at binigyan ito ng sampal.
"Alica! Sabihin mo kung anong nangyari pano ka nabuntis ha?" Hindi makapaniwalang sambit ni Aila matapos siya hilahin ng asawa para pigilan.
"Aksidente ang nangyari mommy at---."
"Aksidente? Forpetes sake Alica ano bang ginagawa mo sa buhay mo." Nangingilid ang luhang sambit ni Aila.
"Bakit niyo ito binibigdeal mommy? Babae ako at lalaki si Cross kung may mangyari man samin natural na yun dahil boyfriend ko siya!" Sigaw ni Alica.
"Bakit si kuya mommy nakipagtanan sa boyfriend ko wala man lang ako narinig sa inyong salita. Bakit kayo ganyan mommy anak niyo ako ni daddy Alcide at yang lalaking lagi niyong kinakampihan anak niyo sa ibang lalaki---."
"Alica!" Sigaw ni Alcide na kinatahamik ni Alica ng magdilim ang mukha ng ama.
"Pantay ang pagmamahal namin sa inyo ng mommy mo at kahit kailan hindi ko tinuring na iba si Arkhon kahit hindi siya nanggaling sa dugo ko at laman." Ani ni Alcide.
"Akala mo ba hindi ko alam ang ginawa mo kay Cross para makuha ang gusto mo? Isa ka sa sumira ng buhay ni Cross hindi ka ba naguguilty sa ginawa mo anak?" Ani ni Alcide na kinakuyom ng kamao ng dalaga.
"Bakit ba lagi na lang ako ang mali daddy at mommy?!pakiramdam ko hindi ako parte ng pamilya dahil sa inyo lagi na lang si kuya." Umiiyak na sambit ni Alica bago tumatakbong umalis.
"Alica!" Sigaw ni Aila at susundan nito ang anak nang pinigilan siya ni Alcide.
"Arkhon." Ani ni Haru matapos niyang tapikin ang binata.
"Panong naging ganito kagulo ang lahat." Nanghihinang sambit ni Arkhon matapos umupo sa bench.
"Kasi mas pinili niyong tumakas anak." Ani ni Alcide matapos lumapit sa kanya ang lalaki hawak ang ina na agad siyang binigyan ng halik sa pisngi.
"Papa gusto lang namin maging masaya, masama ba yun?" Ani ni Arkhon matapos sumubsob sa likod ng mga palad ng ina na tiningnan ang asawa.
"Anak sana sa lahat ng nangyari at mangyayari pa may matutunan ka." Bulong ng ginang habang hinahaplos ang buhok ng anak.
"Mama pagod na pagod na ako." Daing ng binata na kinatulo ng luha ng ginang.
"Anak makinig ka kay mama." Ani ni Aila bago umupo sa tabi ng anak at haplusin ang pisngi ng binata.
"Lahat ng tao nilikha na may itinakdang tadhana. Ikaw bilang tagapagmana ng Asuncion at si Cross bilang succesor ng mga Acosta. Minsan iniisip natin na nilalabanan natin ang tadhana kahit na ang totoo pinaglalaruan lang tayo nito." ani ni Aila bago ngumiti.
BINABASA MO ANG
The Devil's Lullaby
Novela Juvenil●UN-Series: Gen.02 Book1: The Devil's lullaby Book2: Dancing with the Devil BxB[warning content] Prologue "Damn it! Cross, lahat na lang ba ng bagay gusto mong gawing mas komplikado?" Naiinis na sambit ng binatang si Arkhon. "Anong sinas...