Chapter 44

940 32 0
                                    

3rd Person's POV;
"Arkhon!" Sigaw ng ginang habang hinahabol ang anak na papunta sa parking lot.

"Arkhon! Bumalik ka dito anak!" Sigaw ng ginang.

"Bantayan niyo si Cross mama babalik ako." Walang buhay na sambit ni Arkhon bago pinindot ang alarm ng kotse at pumasok.

"Arkhon!" Sigaw ng ginang dahil bago pa siya makalapit sa kotse pinaandar na yun ng binata.

"Arkhon bumalik ka dito!" Punong-puno ng pag-aalalang sigaw ni Aila.

"Hayop ka Allen hinding-hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa pamilya ko." Nanggagalaiting sambit ng binata habang nakahawak ng mahigpit sa manubela.

Haru Vandatt's POV;
"Nasaan sina Cohen?" Walang emosyong tanong ko matapos namin makapasok nina Iggy sa mukhang abandonadong gusali at makita sina Tristan at ... Adele.

"Easy lang kuya Haru baka gusto niyo munang umupo at makipagkwentuhan samin." Nakangising sambit ni Adele hanggang sa mapako ang tingin ko sa hawak niyang phone.

Ibig sabihin siya mismo ang nag iwan ng phone ni Creed sa university dahil alam niya na itatrack namin ang phone ni Cohen gamit yun.

'Fuck it.'

"Pano niyo nagagawang magkapatid na makipagsabwatan kay Tristan ha? Adele." May inis na sambit ko.

"Nagpapatawa ka ba kuya Haru? Bakit hindi? Eh parepareho lang naman kami may gustong makuha ang besides iisang grupo lang naman ang tinik saming lalamunan." Ani ni Adele na kinatahimik ko.

"As expected hindi niyo kasama si Cross." Ani ni Tristan.

"Pero ayos lang alam ko naman na hindi na din siya magtatagal at kung mabubuhay man siya I'm just wondering kung kaninong burol ang una niyang pupuntahan pag pinatay ko kayo sabay-sabay." Natatawang sagot ni Tristan susugurin siya ni Iggy ng pigilan ko siya gamit ang isang kamay.

"Wag kayong masyadong magmadali may inaantay pa tayong bisita at siguradong darating siya dito makalipas lang ang ilang minuto." Ani ni Adele habang nakangisi.

"What the fuck are you saying? Hindi pupunta dito si Arkhon nasa ospital siya kasama si Cross." May inis na sambit ko na kinataas ng gilid ng labi ni Adele.

"Sorry to tell you pero ayon sa asset ko papunta na dito ang magaling kong kapatid." Ani ni Adele bago tumayo at nakangising pinaglaruan ang hawak na phone nito.

"Wag mong sabihin na papatayin mo din si Arkhon kaya ka nandito." Ani ni Percy na kinatingin samin ni Adele.

"Hindi ako kasing hangal ni Iver para suwayin ang utos ni dad samin." Ani ni Adele na kinakunot noo ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"Mamamatay na din naman kayo bakit hindi ko nga naman sabihin." Ani ni Adele.

Sa kanilang tatlong magkakapatid si Adele ang masasabi kong tahimik pero delikado.

Masyadong matalino si Adele and sad to say sunudsunuran siya sa ama niya sa mga plano nito para pabagsakin ang mga Acosta.

Si Adele ang isa sa dahilan kung bakit hindi maipakulong ng mga Acosta ang ama nitong si Allen Freya.

"Gusto ni dad na makuha namin si Kuya Arkhon at magsama-sama kaming magkakapatid. Ang saya diba? Buong pamilya." Ani ni Adele na para lang itong inosenteng bata na nangangarap ng gising.

"At sa tingin niyo sasama sa inyo si Arkhon?" Banat ni Percy habang natatawa.

"Hanggang ngayon nga hindi ako makapaniwalang kapatid niyo si Arkhon at pareho kayo ng pinanggalingan." Dagdag ni Percy.

The Devil's LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon