Chapter 27

1K 40 0
                                    

3rd Person's POV;
"Malapit na gumabi hindi pa din ako nakakahanap ng trabaho." Bulong ni Arkhon matapos tumingin sa papalubog na araw.

Napabuga ng hangin ang lalaki bago umupo sa edge ng kalsada at tumingin sa ilang sasakyan na dumadaan sa harapan.

'Ibigay mo sa amin ang pera!'

'Ayoko bitawan niyo ako!'

Napatigil ang binata at agad tumayo ng makarinig siya ng ingay at bagsakan.

Dahil sa curiousity sinundan ng binata ang ingay at sa loob ng isang eskinita hindi malayo sa pwesto niya nakita niya ang limang lasing na inaagawan ng bag ang binata.

"Hoy." Napatingin ang limang lalaki ng lumapit sa kanila si Arkhon.

"Bakit hindi kayo humanap ng kasing lalaki niyo at yang bata ang kinakaya-kaya niyo." Ani ni Arkhon na kinatawa ng limang lalaki.

"Masyado kang maangas tingnan na lang natin kung may maipagmamayabang ka pa pag sinira na namin yang maganda mong mukha." Ani ng lalaki bago sinugod si Arkhon na sinundan ng apat.

Napaupo naman ang binata sa sulok ng poste habang nanlalaki ang matang nakatingin kay Arkhon na walang kahirap-hirap na pinabagsak ang malalaking tao na humarang sa kanya.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Arkhon na kinakurap ng binata bago alanganing hinawakan ang kamay nang lalaki na agad siyang naitayo.

"S-Salamat buti na lang dumating k-ka kung hindi baka nakuha na itong pera na ipagpapasweldo ni boss sa mga katrabaho ko." Ani ng binata na kinangiti ni Arkhon.

"Sige mauna na ako mag ingat ka sa susunod." Ani ni Arkhon bago maglakad paalis.

Napatigil ang binata at agad lumapit sa isang envelop na naihulog ni Arkhon.

Dinampot niya yun at tiningnan ang laman.

"Naghahanap ba siya ng trabaho?" Ani ng binata bago pinasok ulit yun at tumakbo para habulin ang lalaki.

"Arkhon!" Sigaw ng binata habang tumatakbo na kinatigil ni Arkhon.

"May kailangan ka?" Tanong ni Arkhon matapos tumigil at tingnan ang binata na hinahabol ang hininga na huminto sa harap niya.

"Sayo ito diba? Arkhon ang pangalan mo?" Ani ng binata matapos iabot ang envelop.

"Naghahanap ka ba ng trabaho?" Tanong ng lalaki.

"Pwede kita irekomenda kay Boss, gwapo ka at mukhang matalino siguradong malaki ang kikitain mo dun." Dagdag ng binata na kinatakha ni Arkhon matapos kuhanin ang envelop.

"Anong klaseng trabaho?" Tanong ni Arkhon na kinangiti ng lalaki.

"Sumunod ka sakin hindi naman yun kalayuan dito." Ani ng binata bago naunang maglakad sa lalaki.

Hindi man sigurado pero sinundan niya ang binata.

"Ako pala si Nathaniel Ayes you can call me Nhate." Ani ng binata matapos ngumiti.

"Mukha kang highschool student nagtatrabaho kana?" Ani ni Arkhon na kinangiwi ng binata.

"I'm already 25 ng magsimula ako magtrabaho at 28 na ako." Ani ng lalaki na kinasamid ng binata.

"Akala ko nasa 19 ka lang hindi halata sa tyura mo mas matanda ka pa pala sakin." Sagot ni Arkhon na kinatawa ng lalaki.

"Hindi lang naman ikaw nagsabi niyan and by the way andito na tayo."

Arkhon Asuncion's POV;
Napatigil ako ng huminto kami sa dulo ng isang eskinita na sa unang tingin aakalain mong isang bar.

"VK entertaiment?" Ani ko na kinatingin ni Nhate.

The Devil's LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon